Ano ang kahalagahan ng Closing the Gap? 

Happy gardening time with mother and toddler

Família indígena australiana. O programa "Closing the Gap" foi lançado em 2008 para diminuir as diferenças ao nível da saúde e da esperança média de vida entre australianos indígenas e não indígenas. Source: Moment RF / Attila Csaszar/Getty Images

Isa ang Australia sa may pinakamahabang life expectancy sa buong mundo. Sa karaniwan, umaabot sa 83 taong gulang ang mga Australyano. Pero para sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander peoples, mas maikli ng halos walong taon ang kanilang inaabot na edad. Ang Closing the Gap ay isang pambansang kasunduan na layuning baguhin ito. Sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kalusugan at kabuhayan ng mga First Nations, maari rin nilang maranasan ang parehong kalidad ng buhay at oportunidad tulad ng sa mga non-Indigenous na Australians.


Key Points
  • Inilunsad ang Closing the Gap noong 2008 para tugunan ang hindi pagkakapantay-pantay pagdating sa kalusugan at haba ng buhay ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander peoples.
  • Noong 2020, binago ang estratehiya para mas maging patas ang pagdedesisyon—ibig sabihin, kasama na mismo ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander communities sa mga desisyon.
  • Halo-halo ang naging resulta: may limang layunin na nasa tamang direksyon, pero may mga isyu rin na lumala, tulad ng mataas na bilang ng pagkakakulong at suicide rates.
  • Sa ngayon, lima lang sa 19 na target ang nasa tamang landas.
LISTEN TO THE PODCAST
filipino_australia_explained_closingthegap_24042025.mp3 image

Ano ang kahalagahan ng Closing the Gap? 

SBS Filipino

06:22

Ang mga unang taon: Panawagan para sa pagkakapantay-pantay

Nagsimula ang lahat noong 2005, nang maglabas si Aboriginal Elder Professor Tom Calma AO ng isang makasaysayang Social Justice Report. Dito, nanawagan siya na magkaroon ng pantay na kalusugan ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander peoples—sa loob ng isang henerasyon o 25 taon.

Ang ulat na ito ang naging mitsa ng malawakang suporta mula sa publiko. Pagsapit ng 2007, sumama na sa kampanya ang mga kilalang Olympians na sina Cathy Freeman at Ian Thorpe.

Sabi nga ni Cathy Freeman sa paglulunsad ng Close the Gap campaign:

“This is about what we are able to do today together to help each other… help one another.”

Ito'y paalala na kung magtutulungan tayo, posibleng maabot ang pagkakapantay-pantay sa kalusugan para sa lahat—walang maiiwan.

Stolen Generations Accept Apology From Kevin Rudd On Sorry Day
CANBERRA, AUSTRALIA - FEBRUARY 13: Australian Prime Minister Kevin Rudd meets with Raymattja Marika after delivering an apology to the Aboriginal people for injustices committed over two centuries of white settlement at the Australian Parliament. Rudd's apology referred to the "past mistreatment" of all Aborigines, singling out the "Stolen Generations", the tens of thousands of Aboriginal children taken from their families by governments between 1910 and the early 1970s, in a bid to assimilate them into white society. (Photo by Andrew Sheargold/Getty Images) Credit: Andrew Sheargold/Getty Images

Nabuo ang unang Closing the Gap strategy

Noong 2008, ginawa ni Prime Minister Kevin Rudd na opisyal ang Closing the Gap strategy. Sa parehong taon, inihayag din niya ang National Apology to the Stolen Generations—isang makasaysayang paghingi ng tawad sa mga Indigenous Australians na sapilitang inalis sa kanilang pamilya noon.

Ang orihinal na Closing the Gap strategy ay nakatuon sa pitong pangunahing aspeto tulad ng life expectancy, mortality rate ng mga bata, edukasyon, at trabaho. Layunin nitong makakita ng konkretong pagbabago sa loob ng 10 taon.

Simula noon, taon-taon nang nagsusumite ng ulat ang kasalukuyang Prime Minister para ipakita kung nasaan na tayo sa pagtupad sa mga layunin.

Noong 2019, sa panahon ni Prime Minister Scott Morrison, binalikan niya ang 12 taon ng Closing the Gap at sinabi:

“It's a tale of hope, frustration and disappointment—a tale of good intentions and, indeed, good faith. But the results are not good enough. This is, sadly, still true… We perpetuated an ingrained way of thinking... and that is the change we are now making together with Indigenous Australians through this process.” 
SCOTT MORRISON CLOSING THE GAP PRESS CONFERENCE
SCOTT MORRISON CLOSING THE GAP PRESS CONFERENCE Credit: AAPIMAGE
Mahigit isang dekada na ang lumipas mula nang ilunsad ang orihinal na Closing the Gap strategy. Sa puntong ito, malinaw na hindi gumagana ang mga plano—dalawa lang sa mga orihinal na target ang nasa tamang direksyon, at lalo pang tumaas ang agwat o gap sa life expectancy ng mga Indigenous at non-Indigenous Australians.

Turning point ng strategy

Kailangang baguhin ang strategy. Kaya’t nireporma ito at pinangalanang National Agreement on Closing the Gap, kung saan tuluyang inilipat ang pokus—mula sa mga solusyong pinangungunahan ng gobyerno, patungo sa tunay na pakikipagtulungan sa mga Indigenous communities mismo.

Itinatag ang Coalition of Peaks—isang grupo na binubuo ng mahigit 80 Aboriginal at Torres Strait Islander community-controlled organisations—para tumulong sa pagdisenyo ng bagong direksyon ng programa.

Simple lang ang prinsipyo: ang mga polisiya ay hindi dapat ginagawa para sa mga komunidad, kundi kasama sila sa paggawa nito.

Sa bagong kasunduan, itinakda ang 19 na partikular na layunin na dapat makamit pagsapit ng 2031. Kabilang dito ang:
  • Malusog at malakas ang mga batang isinilang 
  • Naabot ng mga estudyante ang buong potensyal nila sa pag-aaral
  • Mas kaunti ang mga kabataang napapariwara at nahaharap sa kaso o pagkakakulong.

    Ito na ngayon ay mas malawak at mas buo ang pananaw—hindi lang nakatutok sa kalusugan, kundi pati na rin sa pabahay, katarungan, kultura, at aktibong paglahok sa ekonomiya. Isa itong kabuuang lapit na mas tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga First Nations communities.
MALARNDIRRI MCCARTHY CLOSING THE GAP PRESSER
Lead Convener of the Coalition of Peaks Pat Turner speaks to the media during a press conference at Parliament House in Canberra. Source: AAP / LUKAS COCH/AAPIMAGE

Nasaan na tayo sa pag-abot ng layunin ngayon?

Nasaan na tayo sa pag-abot ng mga layunin ngayon?
Halos isang henerasyon na ang lumipas mula nang nanawagan si Tom Calma ng pagbabago. Noong panahong iyon, umaabot sa 11 taon ang agwat ng life expectancy ng mga Indigenous at non-Indigenous Australians. Ngayon, nasa 8 taon na lang ito. Pero ang nakababahala—tila bumabalik na naman sa maling direksyon ang takbo.

Ayon sa pinakahuling , may ilang positibong pagbabago. Sa 19 na target, 11 ang may nakitang pag-unlad. Pero lima lang talaga ang kasalukuyang nasa tamang landas.

May mga senyales ng pag-asa: mas maraming sanggol ngayon ang ipinapanganak na may tamang timbang, at mas maraming kabataan ang nakakakompleto ng Year 12 o katumbas na kwalipikasyon.

Pero may ilang bahagi rin na lumalala—tulad ng suicide rate at bilang ng mga nakakulong na matatanda.

“We need to stick at it,” sabi ni Pat Turner Coalition of Peaks.

“Closing the Gap is more [than just] about statistics. It’s about real lives and strong families and brighter futures… It’s about assuring that our children grow up to be healthy and proud and connected to their culture”.  

Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mga kapaki-pakinabang na impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay dito sa Australia. May tanong ka ba o may gusto kang topic na pag-usapan? I-email lang kami sa [email protected]

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.


📲 Catch up episodes and stories – Visit

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share