Malaki at may mahalagang papel na ginagampanan ang media pagdating sa palakasan ng Australia dahil marami sa mga kaganapan sa sport ay ipinapalabas ng telebisyon o radyo. Maraming palabas sa TV, radyo at magasin ang nakalaan sa palakasan.
Bilang isang bansa, maraming international events ang sinasalihan ng Australia, kasama ang Olympic Games at Paralympic Games. Minsan na ding naging punong-abala ang Australia para sa Summer Olympics minsan sa Melbourne (1956) at isang beses sa Sydney (2000), bukod sa limang Commonwealth Games .
Sa episode na ito ng Australia Explained, tampok natin ang ilan sa mga pinakasikat na sports sa bansa - ang Australian Football, Rugby League, cricket at tennis, at alamin natinn ang ilan sa mga panuntunan ng bawat isa. Pakinggan ang episode dito:
LISTEN TO

Australia Explained: Ano ang 'footy'? Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa mga sikat na sports sa Australia
SBS Filipino
27:05
Rugby League
Unang nakilala bilang laro ng mga uring manggagawa ng Australia, nagbago ang estadong ito paglipas ng panahon. Isa ito sa pinakamahalagang sport na malaki ang naiaambag sa pagkakaisa ng mga multikultural na komunidad sa buong Australia.
Para sa mga manonood, ang Rugby League ang pangalawa sa pinakasikat na sport at kakumpetensya ito ng AFL pagdating sa padamihan ng nanood sa telebisyon. Sikat na sikat ang larong rugby league sa New South Wales at Queensland.

Marc Leabres (right photo) proudly donning Cronulla Sharks' uniform; In right photo, Marc Leabres in his last rugby game in the Philippines in 2013. Source: Supplied by Marc Leabres
Ang performance analyst na si Marc Leabres na may pinagmulang Pilipino ay mag-iisang dekada nang nagta-trabaho kasama ng Cronulla Sharks, isa sa mga NRL team sa NSW. Ibinahagi niya kung bakit paborito niyang laro ang rugby league. Ipinaliwanag din niya ang pagkakaiba ng rugby sa AFL at soccer.
Australian Football
Ang Australian Rules Football, na kilala din sa tawag na AFL o ‘footy’, ang pinakasikat na pambansang sport sa Tasmania, Victoria, South Australia at Western Australia.
Para sa mga nabanggit na estado, ang AFL ang isa sa pangunahing paksa ng pag-uusap sa halos lahat ng pagtitipon at madalas na kumpetisyon sa pagitan ng mga magkakaibigan at magkaka-trabaho.
Ang Sir Doug Nicholls Round ay isa sa pinakamahalagaang AFL event, ipinagdiriwang at kinikilala nito ang mga Katutubong manlalaro at kultura. Ipinangalan ang round na ito kay Sir Doug, ang unang Indigenous na mabigyang parangal. Naglaro siya sa 54 na laro para kay Fitzroy, bago naging Gobernador ng South Australia.
Ang Melbourne Cricket Ground ang tahanan ng footy.
Ang ina mula Central Coast na si Jezalyn Jham Mendoza ay naglalaro para sa Over 35s ng Northern Galaxy, isang local football club sa hilagang Sydney. Siyam na taon pa lamang si Jham ay naglalaro na ito ng football. Laking tuwa niya nang mapasama sa football team sa kanilang lugar sa hilagang Sydney at maging ang kanyang 6-anyos na anak ay nakahiligan na rin ang paglalaro ng football.

Jezalyn Jham Mendoza (kicking the ball) plays for the Over 35s of her local football team Northern Galaxy in northern Sydney. Source: Northern Galaxy as supplied by Jham Mendoza
Ang Australia ay kilala rin sa larong cricket at para sa maraming Australyano, cricket ang madalas na laruin kapag tag-araw. Mahigit sa isang milyong Australyano ang sumasali sa mga kumpetisyon o programa ng cricket, ayon sa datos ng 2017-18 National Cricket Census.
Mahigit sa dalawang milyong tao ang dumadalo sa mga cricket match tuwing tag-araw, at ang bilang na ito ay tumataas bawat taon.
Sa kasalukuyan, nasa 30 % ng mga naglalaro ng cricket ay mga babae, na may anim sa bawat 10 bagong sumasali sa isport ay mga babae.

A whole family playing cricket at their backyard, Source: Getty Images/Peter M. Fisher
Tennis
Bawat taon, Melbourne ang host para sa unang Grand Slam tennis event, ang Australian Open.
Bagaman pang-siyam lamang ang tennis sa sport na madalas panoorin sa Australia, pumapangatlo naman ito sa kinahihiligang laro ng mga Australyano kasunod ng fitness at golf. Nasa isang milyong Australyano, edad 15 pataas, ang naglalaro ng tennis.
Ibinahagi ng IT professional mula Sydney na si Dexter Chung ang kanyang hilig sa paglalaro ng tennis, at ang benepisyo nito at iba pang sport ng Australia.
Anuman ang pinagmulang kultura at interes sa buhay, pinagbubuklod ng mga laro at sports club ang mga fans sa buong Australia – nagbibigay ng iisang pagkakakilanlan at naghahatid ng pakiramdam na parte ka ng komunidad at samahan. May sariling mundo ang sport sa Australia at malaki ang papel nito sa pagpapatatag ng magkakaibang kultura at pagbubuklod ng bawat isa sa komunidad.
Pakinggan ang lahat ng episode ng Australia Explained sa pamamagitan ng , , o .
BASAHIN/PAKINGGAN DIN