'For all women and girls: Rights. Equality. Empowerment:' Pantay na karapatan ng lahat patuloy na isinusulong ng International Women's Day

Adhika Inc's founder Josie Musa with Dr Zeny Edwards OAM

Adhika Incorporated, founded by Filipino community leader Josie Musa, has been undertaking International Women's Day events to honour girls and women, like architectural historian, award-winning author and biographer Dr Zeny Edwards OAM, making a difference in their field. Credit: SBS Filipino

Taon-taon ginugunita ang International Women’s Day tuwing ika-8 ng Marso. Ngayong 2025 sa tema na "For all Women and Girls: Rights. Equality. Empowerment', patuloy ang pagsusulong para sa pantay na karapatan ng mga kababaihan. Isang grupo ng mga Pilipino nagbibigay pugay sa mga kakabaihan at kanilang mga nagawa sa komunidad.


Key Points
  • Ayon sa Statista, noong 2023, tinatayang mayroong 4.01 bilyong kababaihan sa kabuuang populasyon ng mundo na 8.06 bilyong katao. Ibig sabihin na mas marami ang bilang ng kalalakihan kumpara sa mga babae.
  • Patuloy na humaharap ang mga kababaihan sa mga isyu ng hindi pagkakapantay-pantay sa kasarian na maaaring naglilimita sa mga kababaihan at batang babae ng kanilang pag-akses sa edukasyon, trabaho, at posisyon sa pamumuno.
  • Ang pagdiriwang ng International Women's Day tuwing Marso 8 ay nagpapa-alala sa lahat na marami ang dapat na gawin upang isulong ang pantay na karapatan para sa mga kababaihan at mga batang babae.
  • Sa taunang International Women's Day Honours List ng grupong Adhika Inc, kinikilala nito ang mga natatanging kababaihang Pilipino sa kanilang mga tagumpay at nagawa para sa komunidad sa Australia.
LISTEN TO THE PODCAST
IWD: For ALL women and girls: Rights. Equality. Empowerment image

'For all women and girls: Rights. Equality. Empowerment:' Pantay na karapatan ng lahat patuloy na isinusulong ng International Women's Day

SBS Filipino

02/03/202507:43
Sa nakalipas na 10 taon nagsasagawa ang Adhika Incorporated ng programa p[ara sa paggunita ng International Women's Day (IWD) para kilalanin at magbigay-pugay sa mga kababaihang Pilipino sa kanilang mga napagtagumpayan sa iba’t ibang larangan at mga nagawa para sa mas malawak na komunidad sa Australia.

Ngayong 2025, katuwang ang Kababaihang Rizalista Incorporated (KRI) - Sydney Chapter, muling kikilalanin ng Adhika Inc ang mga 'Outstanding Filipino women and young girls' sa pamamagitan ng International Women's Day Honours List.

"In the last 10 years, we have been holding IWD events to pay tribute to women and celebrate their contributions to society as well as girls to ensure that they grow up empowered to take on challenges along the way," ani Josie Musa, founder ng Adhika Inc.

Isang espesyal na programa na tinawag na '2025 International Women's Day Forum and Dinner' ang gaganapin ng grupo nila Josie Musa sa Marso 15 sa Regents Park New South Wales.

Bibigyang parangal nito ang mga natatanging kabataan at kababaihang Pilipino na nagpakita ng kanilang natatanging serbisyo, katapangan, determinasyon, pamumuno at pagmamalasakit sa kanilang kapwa.

Magkakaroon din ng talakayan kung saan pag-uusapan ang mga isyu na mahalaga para sa mga kababaihan tulad ng pamumuno, pagkakapantay-pantay, pagiging malikhain, pagsusulong ng mga sustinableng programa at pag-unlad na walang maiiwanan, ganundin ang usapin ng kapaligiran at digital economy.
LISTEN TO THE PODCAST
IWD celebrations highlight challenges women face  in today's digital society in Filipino.mp3 image

Women's History Month: Filipino women push for equal opportunities in science and technology

SBS Filipino

21/03/202311:48
Noong taong 2023, isa si Dr Zeny Edwards OAM sa mga Pilipina na nagbahagi ng kanyang kaalaman at karanasan bilang isang kababaihang lider.

Isa lamang si Dr Edwards, na isang architectural historian, award-winning author at biographer na halos 50 taon nang naninirahan sa Australia, sa mga Pilipina sa Australia na patunay sa galing at kakayahanan ng mga kababaihan sa pamumuno at sa mga larangan na kadalasa'y pinangungunahan ng mga kalalakihan.

"I think your path to the future is guided by something higher than yourself," anang kilalang manunulat at biographer.

Bukod sa Araw ng mga Kababaihan, sa buong buwan ng Marso ay inilaan para sa Buwan ng mga Kababaihan.

Natatangi din ang taong ito dahil ito ang ika-30 anibersaryo ng UN Beijing Declaration and Platform for Action. Ang dokumentong ito ay naging isang blueprint para sa mga karapatan ng mga kababaihan sa buong mundo.

Share