Groundbreaking ceremony sa unang rebulto sa Victoria ni Dr Jose Rizal, isinabay sa 128th death anniversary nito

471411138_9045403992172320_3014947023419085735_n.jpg

Filipinos in Australia commemorate the 128th anniversary of the death of the Philippines’ National Hero, Dr Jose Rizal. Credit: Rado Gatchalian

Ilang Pinoy sa Australia ang gumunita sa ika-128 anibersaryo ng pagkamatay ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr Jose Rizal.


Key Points
  • Ginanap nitong ika-29 ng Disyembre 2024 ang groundbreaking ceremony sa paglalagay ng unang rebulto sa estado ng Victori ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr Jose Rizal
  • Pinangunahan ito ng Konsulado ng Pilipinas sa Melbourne, Knights of Rizal, Kababaihang Rizalista Incorporated, at Philippine Fiesta in Victoria sa Philippine Community Centre sa Laverton.
  • Ipinagdiwang din nitong ika-30 ng Disyembre 2024 ang ika-25 anibersaryo nang pagkakatayo ng Rizal Park sa Ballarat, Victoria, kung saan pagunahan ng Filipino Australia Association of Ballarat Incorporated.
Nagpaunlak ng panayam sa SBS Filipino si Ginoong Rado Gatchalian, na bahagi ng Order of the Knights of Rizal at dating Deputy Eastern Australia Area Commander ng samahan, na dumalo sa nasabing groundbreaking ceremony.

Ibinahagi nito ang kahalagahan ng paglalagay ng rebulto ni Dr Jose Rizal sa iba’t ibang bahagi ng Australia.
Dapat maging proud tayong mga Pilipino na makita natin ang rebulto ng pambansang bayani na si Jose Rizal ay may espasyo sa ibang bansa gaya dito sa Australia.
Rado Gatchalian, Order of the Knights of Rizal
471851577_9045425242170195_4833975953288458057_n.jpg
Rado Gatchalian, a member of the Order of the Knights of Rizal Credit: Supplied
“Ang rebulto na ito ay mahalaga sapagkat ito ay nagpapakita na laganap pa rin ang turo at diwa ng bayaning si Jose Rizal. Importante na habang nakikita natin at nahahawakan ang rebulto ni Rizal, naipapakita din natin ang diwa at gawa gaya ng pagmamahal sa ating bayan at kapwa-Pilipino,” dagdag nito.

Share