Key Points
- Bukod sa mga Pinoy, dumalo sa Simbang Gabi sa Perth ang ilang parishioner mula sa multicultural background.
- Ikinalugod at pinangunahan nina Most Rev Timothy Costelloe SBD, Archbishop of Perth at Fr Michael Quynh Do Parish Priest tradisyon ng Simbang Gabi.
- Ang San Lorenzo Ruiz Choir sa pangunguna ng Musical Director at accompanist na si Glenn Hipolito ang nanguna sa pag-awit.
In addition to Filipino attendees, the Simbang Gabi in Perth also welcomed parishioners from multicultural backgrounds. Credit: Ethel Jayne Reyes
Emosyonal ang coordinator ng Simbang Gabi sa Notre Dame Parish Cloverdale na si Josephine Cabagyo sa naging panayam ng SBS Filipino lalo at malaki ang tulong ng tradisyon sa kanyang pananampalataya at pagyabong ng Filipino community sa Perth.
Doon ko naramdaman yung sarap ng pamumuhay sa Australia not because of material things at ganda ng lugar kundi sa community, mga taong nag-aalok ng suporta [emotionally at spiritually].Josephine Cabagyo, Simbang Gabi sa Perth Coordinator
Organisers of Simbang Gabi in Perth Strive to Preserve the Filipino Christmas Tradition in Australia Credit: Ethel Jayne Reyes