Patuloy na serbisyo ng SBS para sa multikultural na komunidad ng Australia kabilang ang mga Pilipino

SBS Filipino team

SBS in its 50 years continues to broadcast in over 60 languages, including Filipino, to provide information, education and entertainment to the diverse community of Australia. Credit: SBS Filipino

May 50 taon na mula nang unang pagsasahimpapawid ng multilingual broadcaster na Special Broadcasting Service (SBS). Pero paano nga ba ito nagsimula at nagpapatuloy sa pagtataguyod ng iba’t ibang mga wika kasama ang Filipino.


Key Points
  • Taong 1995 nang magsimula ang SBS sa pamamagitan ng dalawang Ethnic Australia (EA) station - 2EA sa Sydney at 3EA sa Melbourne. Sa ngayon, mapapakinggan ito sa higit 60 wika kasama ang Filipino.
  • Kasabay ng pagbabago ng panahon, bukod sa radyo at telebisyon, masusubaybayan rin ang mga balita sa SBS website, SBS Audio app, at sa social media tulad ng Facebook at Instagram.
  • Sa 50 taon nito, nagpapatuloy ang SBS sa pagkonekta sa iba't ibang komunidad sa Australia sa iba't ibang wika.
LISTEN TO THE PODCAST
SBS 50 and beyond: A commitment to continue serving multicultural Australia through broadcasting image

'We feel connected to our roots’: Filipinos continue to tune in to SBS as the multicultural broadcaster remains dedicated to more than 50 years serving Australia's diverse community

SBS Filipino

12/02/202524:39

SBS: Noon at Ngayon

Kilala ngayon bilang Special Broadcasting Service (SBS), Oktubre 1977 nang ini-anunsyo ng Pamahalaang Australia ang paglikha sa Special Broadcasting Service, isang bagong independent statutory authority para sa ethnic broadcasting. Naabot ito bilang resulta ng pag-amyenda sa Broadcasting and Television Act 1942.

Opisyal na naitatag ang SBS noong Enero 1, 1978 at ito ang nangasiwa para sa dalawang istasyon ng radyo na Ethnic Australia (EA) - 2EA sa Sydney at 3EA sa Melbourne.

Noong Pebrero 1978, ang 2EA ay nagbo-broadcast sa 36 na wika sa loob ng 126 na oras sa bawat isang linggo. Habang ang 3EA sa Melbourne 103 oras linggu-linggo sa 32 wika.
2EA operator Annual Report.jpg
An operator at the 2EA studio in Sydney in the 1980s. Credit: SBS
Bukod sa radyo, sinimulan din ng SBS ang Television service nito noong huling bahagi ng 1979, at October 24, 1980 nang sinimulan ang full-time transmission, mapapanood sa Sydney at Melbourne.

Ang dokumentaryo na may titulong ‘Who Are We?’ ang unang programa sa telebisyon.

Isinabatas din ng gobyerno ang Special Broadcasting Service Act 1991 na opisyal na ginawang isang korporasyon ang SBS.

50 taon ng serbisyo sa komunidad

Makalipas ang 50 taon mula nang unang pagsasahimpapawid, ang SBS ay mapapakinggan sa mahigit 60 wika, araw-araw.

"It's been an incredibly long journey from 1975, but one that we've seen at SBS has been flourishing for the organisation but also for our nation as we've seen that multicultural diversity, making us a much richer and successful nation," pahayag ng kasalukuyang Chairman of the Board ng SBS na si George Savvides AM.

George Savvides AM.jpeg
SBS Chairman of the Board George Savvides AM. Credit: SBS Filipino

Sa pagdiriwang ng ika-50 ng SBS, binigyang-diin ni Savvides na walang nagbago sa layunin ng multicultural broadcaster.

"In that 50 years, our purpose has never changed. We warmly invite all Australians, whatever their backgrounds, to join us around the same table and get to know each other.

We continue our service to remove barriers and foster a sense of belonging together, building a cohesive society through our multilingual, multicultural media services designed to inform, educate and entertain all Australians."

Dagdag ni Savvides na magpapatuloy ang pagseserbisyo ng SBS sa multikultural Australia sa bawat kwento na mahalaga sa komunidad at mapapakinggan sa kanilang sariling wika.

"We've adapted to our audience needs and we as an organisation reflect the changing face of Australia.

Like our beginning in 1975, our role today increasingly is one of an essential service, building awareness of the contribution of diverse cultures in our contemporary society, supporting new migrants and refugees on their settlement journeys and fostering a sense of connection and belonging to everyone who calls Australia home."
SBS is such a vital national asset. Congratulations to SBS on its 50th year.
Prime Minister Anthony Albanese
Sinegundahan din ni Prime Minister Anthony Albanese ang mahalagang papel na ginagampanan ng multicultural public broadcaster.

"[We] are proud of SBS and its 50 years and what it has done to provide a connection between Australians, where they are now and perhaps where they have come from or where their ancestors have come from as well."
(L-R) SBS Chairman of the Board George Savvides AM,  SBS Managing Director James Taylor with Prime Minister Anthony Albanese
(L-R) SBS Chairman of the Board George Savvides AM, SBS Managing Director James Taylor with Prime Minister Anthony Albanese during an event at the Parliament House in February 2025. Credit: SBS

'SBS Filipino'

Tatlong taon mula nang unang pagsasa-ere ng 2EA sa Sydney, kasama ang wikang Filipino sa kabuuang 41 programa na mapapakingga noong taong 1978.

“Kagaya ng SBS Filipino, na-create yan, na-establish yan dahil sa submission ko sa pag-aappeal ko sa Ethnic Broadcasting Committee. Sabi ko, bakit ang ibang migrants may radio time, ang Filipino, wala," kwento ng abogado at community leader mula New South Wales na si Lolita Farmer OAM.

Bago pumanaw noong 2017, nakapanayam ng SBS Filipino si Atty Farmer. Ibinahagi nito ang kanyang naging papel sa pagsisimula ng programang Filipino sa SBS.

"Before my submission, I scouted for talents. Kinausap ko si Remy Floro, na dating may radio program sa ABS-CBN, at yung iba na alam ko na may talent. Pumayag si Remy to prepare a radio format."
Lolita Farmer OAM with former Governor-General of Australia Dame Quentin Bryce AD.jpg
Lolita Farmer OAM (left), with former Governor-General of Australia Dame Quentin Bryce AD, CVO, was the first Filipino to be awarded a Medal of the Order of Australia (OAM) in 1981. Credit: The Filipino Australia
Bago pa aniya siya humarap sa isang Executive Meeting kasama ang pamunuan noong ng SBS, nakahanda na siya para sa programang Filipino.

"They asked me questions, and one of the questions was ‘Are you ready?’ I said, yes, we have a format already for the radio program. They said, okay in a week, you will have Radio Filipino.

I became the coordinator, mga broadcaster ko noon sina Remy Floro at iba pa. Voluntary kami noon, wala kaming bayad. We just wanted the community to have sufficient information from the Philippines and also from the Australian government about migrants," anang migration lawyer.
 
Mula 1979, naging isang oras ang programang Pilipino mapapakinggan tuwing gabi ng Biyernes, hanggang taong 1991.

Taong 1992 naman nang unang nagkaroon ng Filipino program sa 3EA sa Melbourne, may apat na oras na broadcasting time sa isang linggo. Si Malou Logan ang naging unang Executive Producer para sa Melbourne.

Ang ngayo’y 90-anyos na beteranong journalist na si Jaime Pimentel ay isang taong nagtrabaho para sa SBS Filipino sa Sydney noong 1992.

"I had worked with SBS for one year, I was a reporter. And they only took me in as a reporter because I could write a drama script," pagbabalik-tanaw ng convenor ng Filipino Press-Sydney.
The now 90-year-old veteran journalist Jaime Pimentel
The now 90-year-old veteran journalist Jaime Pimentel has worked for the SBS Filipino program in 1992 as a producer in Sydney. Credit: SBS Filipino, Jaime Pimentel
Bagaman maikling panahon lamang sa programang Filipino, buong pagmamalaking ibinahagi ni Pimentel ang masayang alaala ng pagta-trabaho sa SBS.

"We had a drama segment then. One story was divided and aired in three days. I think it starts Tuesday tapos may cliffhanger; Wednesday, cliffhanger again. Thursday, conclusion."

Balik-tanaw sa simula

“This is Al Grasby, on behalf of the Australian Community Relations Office, welcoming you all to Radio 2EA, the voice of Ethnic Australia. Today, the program is in Greek."

Ang mga katagang iyan na sinambit ni Al Grasby, dating Minister for Immigration ng Australia noong 1970s, ay audio clip mula sa mga unang pagsasahimpapawid ng 2EA, o Ethnic Australia noong Hunyo 30, 1975.

Itinatag ng Gobyerno ng Australia ang mga istasyon ng radyo na 2EA sa Sydney at 3EA sa Melbourne.

Pangunahing layunin ay ipaalam sa mga Australyano na may pinagmulang hindi Ingles ang wika, ang tungkol sa mga pagbabago sa patakarang panlipunan ng gobyernong Gough Whitlam – partikular ang sistema ng pangangalaga ng kalusugan sa ilalim ng Medibank – ang pambansang health care system ng Australia.

Hunyo 9, 1975 nang unang simulan ng 2EA ang pagsasahimpapawid nito na may unang broadcast sa wikang Greek. Pagkaraan ng buwang iyon, nagbukas ang istasyon ng radyo na 3EA sa Melbourne.

Inilunsad bilang tatlong buwang eksperimento, layunin ng istasyon ng radyo na magbigay ng mahalagang impormasyon sa mga minoryang komunidad sa kanilang katutubong wika.

Mapapakinggan ang mga recorded na mensahe sa loob ng apat na oras sa isang araw sa Sydney at Melbourne, sa pitong wika sa Sydney at walong banyagang wika sa Melbourne.
3EA SBS TV Melbourne Reception Annual Report.jpg
At the reception of the 3EA SBS TV Melbourne in the 1980s. Credit: SBS
Sa ilalim ng bago ng gobyerno ni Malcolm Fraser, nabuo ang Consultative Committee on Ethnic Broadcasting noong Mayo 1976 at ang popularidad ng dalawang Ethnic Australia station ay malaki ang naging impluwensya sa report nito.

Sa pagitan ng taong 1945 at 1975 halos dumoble ang populasyon ng Australia sa 14 milyon dahil sa imigrasyon na bunsod ng ikalawang pandaigdigang digmaan.

Sa mga taon ng 1960s, maraming bagong migrante mula sa magkakaibang kultura na hindi Ingles ang unang wika, ang humiling ng karagdagang akses pagsasahimpapawid sa radyo. Ilang mga istasyon ng radyo na pinapatakbo ng komunidad ay itinatag noong unang bahagi ng 1970s.

"In Sydney alone, there are more than half a million people who were born in non-English speaking countries, a captive audience for a non-English radio station.

The idea of ethnic stations probably originated with Al Grassby and was picked up by the Labor Government which granted $49,000 to establish the experimental stations – 2EA in Sydney and 3EA in Melbourne."

Sa una'y sa pitong wika lamang mapapakinggan ang 2EA, anim na oras kada araw.

Hanggang sa maging 31 wika ito kada linggo noong taong 1977.

Bukod sa radyo, mapapanood ang mga balita, iba't ibang mga programa, pelikula at mga dokumentaryo sa telebisyon.

Sinimulan ng SBS ang Television service nito noong huling bahagi ng 1979, at October 24, 1980 nang sinimulan ang full-time transmission, mapapanood sa Sydney at Melbourne, ang unang programa sa telebisyon ay ang documentary na may titulong ‘Who Are We?’.

Share