"Sa taong 2023, nagkaroon kami ng 969,000 na mga international visitors na sumali sa mga karanasang pangturismo ng mga Katutubo habang bumibisita sa Australia," sabi ni Nicole Mitchell.
"Ngunit nakapagpapasaya rin na nakita namin ang pagtaas mula 2019 hanggang 2023 ng 22 porsyento sa aming mga lokal na manlalakbay. Kaya't iyon ay 1.185 milyong lokal na bisita na sumasailalim sa isang karanasang pang-Katutubo."
Ang bawat karanasan sa DAE collective ay pinamumunuan ng mga tao mula sa mga Aboriginal o Torres Strait Islander.
Jarramali Rock Art Tour Credit: The Edit Suite/Tourism Australia
Sariling Kwento, Pagbahagi ng Kwento
Si Juan Walker, isang Kuku Yalanji, ang nagpapatakbo ng Walkabout Culture Adventures sa Far North Queensland.
"Sa tingin ko, kung nais mong matuto tungkol sa kultura at kasaysayan ng mga Aboriginal, pinakamainam na matuto mula mismo sa mga Aboriginal upang makuha ang kanilang pananaw at tunay na maunawaan ang lupa at dagat na iyong pinapasyalan,
Walang mas mabuting paraan kundi ang matuto mula sa pinakamatandang nabubuhay na kultura na nanirahan sa mga lugar na iyon mula pa noong simula.Juan Walker, Walkabout Culture Adventures
Dinadala ni Walker ang mga bisita sa lugar upang matuto tungkol sa kahanga-hangang 135-milyong taong gulang na Daintree Rainforest malapit sa Port Douglas.
Ibinabahagi niya ang kanyang kaalaman tungkol sa iba't ibang ecosystem, kasaysayan, tradisyon, at likas na yaman, at hinihikayat ang mga bisita na tikman ang mga local bush food.
Ang pagkain ay isang mahusay na paraan upang ipakilala ang Country sa mga turista.
Sa katunayan, ang mga karanasan sa pagkaing Katutubo ay nasa tuktok ng listahan ng mga tanyag na tour habang kinikilala ang mga pagkaing bush dahil sa kanilang kakaibang lasa at gamit.
Tourism Australia recognises the growing interest in First Nations tourism as travellers seek out authentic and culturally immersive experiences.
Pagbunyag ng Kwento
Maraming paraan upang tuklasin ang kamangha-manghang kalikasan ng Australia, may boat tour, scenic flights, at 4WD safaris, na may mga opsyon ng tirahan mula sa camping hanggang sa marangyang accommodation.
Ang mga National Parks ay ilan sa mga pinakamatandang rock art sa buong mundo, mga 20,000 taon na ang tanda. Ang mga Indigenous guides ay maaaring magbukas ng ilang cultural significance sa lugar.
Ang Kakadu National Park sa Northern Territory ay nakalista bilang World Heritage dahil sa mga likas at pangkulturang kahalagahan nito, at may isa sa pinakamataas na konsentrasyon ng rock art.
Sa mga talon, mga dalampasigan, wildlife, at mga paliguan, ang Kimberley sa Western Australia ay tahanan din ng kahanga-hangang mga rock art galleries.
At sa Mungo National Park sa timog-kanlurang bahagi ng New South Wales, kung saan nagsasama ang arkeolohiya at mala-misteryosong tanawin, ay isa ring World Heritage site.
Ang sinaunang dry basin, ang Lake Mungo, ay isa sa mga pinakamahalagang arkeolohikal na lugar sa mundo. Dito maaari kang mag-explore, magkampo, o sumali sa isang guided tour.
Kulturang nakaka-engganyong karanasan
Sabi ni Mitchell, madalas na lubos na na-eengganyo ang mga travellers sa mga aktibong karanasang inaalok.
Pwede kang nasa isang art class, o kaya naman ay nasa likod ng isang quad bike sa mga buhangin ng Waram sa North Sydney, habang natututo ka tungkol sa kultura.Nicole Mitchell, Discover Aboriginal Experiences
Ang bawat karanasan ay pinapaganda ng mga kahanga-hangang gabay mula sa First Nations na nagdadala ng buhay sa kalikasan at bumubuo ng mga alaala na mananatili sa'yo magpakailanman.
Great Golf Courses of Australia aboriginal experience
Benepisyo ng turismo sa lokal na komunidad
Ang turismo na pinangungunahan ng mga katutubo ay hindi lamang nagdadala ng kita para sa mga lokal na komunidad, kundi sumusuporta rin sa pagpapanatili ng kultura.
Ang Maruku Arts ay binubuo ng 900 na mga artist mula sa mga malalayong komunidad sa Central Australia. Ang mga lokal ay maaaring manatili sa kanilang lugar habang ibinebenta ang kanilang sining, nagho-host ng mga workshop at mga culturtal tour, at ibinabahagi ang sinaunang paraan ng pamumuhay sa disyerto, ayon kay Nicole Mitchell.
"Ang mga ito ay isinasagawa sa lokal na wika ng Pitjantjara, kaya nakatutulong din ito sa pagpapanatili ng wikang iyon," sabi ni Mitchell tungkol sa sikat na mga dot-painting workshop.
Sinabi naman ni Juan Walker na ang kanyang mga cultural tour ay nagbibigay sa kanya ng pagkakataong magturo sa mga bisita tungkol sa kasaysayan ng mga Aboriginal at sa kasaysayan ng kanyang sariling pamilya, habang nananatili sa kanilang lugar.
"Kaya sa halip na lumayo para magtrabaho, pinapayagan ako nito na manatiling malapit sa aking pamilya, malapit sa aking mga tao, at konektado sa lupa. Isang mahusay na paraan ito para kumita, sa pamamagitan ng pagbabahagi at pagtuturo sa mga tao tungkol sa aking pamana, at siyempre, binibigyan sila ng mas malaking respeto sa lupa, dagat, at mga daanan ng tubig na kanilang binisita."
As a First Nations Storyteller, Bundjalung man Kyle Ivey guides visitors on a climb of the Sydney Harbour Bridge as part of the Burrawa Aboriginal Climb Experience. Credit: davidf/Getty Images
Kultura sa sentro ng syudad
Karaniwan ang palagay na ang kultura ng mga katutubo ay umiiral lamang sa malalayong lugar, ngunit makatatagpo ka rin ng mayamang mga kuwento sa ating mga siyudad.
Bilang isang First Nations Storyteller si Kyle Ivey, isang Bundjalung man, ginagabayan niya sa pag-akyat sa Sydney Harbour Bridge bilang bahagi ng Burrawa Aboriginal Climb Experience ang mga turista.
Sinasabi niyang sinusubukan niyang gawin ang kanyang mga climbing tour tulad ng isang Reconciliation climb.
"Habang naglalakad ako sa kahabaan ng tulay, hihinto ako at ituturo ang mga bagay na nagpapadali sa pagbabahagi ng mga kwento."
Sa pag-akyat, itinuturo ni Ivey ang mga mahahalagang lugar para sa mga First Nations ng nasabing lugar. Ibinabahagi niya kung paano nanirahan ang kanyang mga ninuno sa lupa at nakita ang mga pagbabago nang dumating ang mga Europeo.
Ipinagmamalaki niya na hindi lamang para sa kanyang sarili ang kanyang nakakamit, kundi para rin sa higit sa 500 iba't ibang mga diverse cultural communities sa Australia.
"Ito rin ay isang magandang paraan para sa akin upang matiyak na nananatiling sariwa ang aking alaala. Hinahangad kong magpatuloy pa at alamin ang iba pa, upang isama ang higit pang mga pangkat at tiyakin na hindi ko pinapalitan o nagkakamali sa mga pangalan. Isang napakasayang karanasan."
Sa sentro ng Melbourne, maaari kang sumali sa Birrarung Wilam Walk na ginagabayan sa kahabaan ng Yarra River upang makita ang Aboriginal art intallations.
Maririnig mo kung paano nagbago ang lupa sa paglipas ng panahon at ang kahalagahan nito bilang isang lugar ng pagtitipon para sa mga Kulin people.
Ang , ay isa pang Aboriginal na karanasan ng turismo na inaalok sa Melbourne. Mayroong isang paglalakad sa kahabaan ng Yarra at isa pa sa Fitzroy.
At sa Tasmania, maaari kang makaranas ng Aboriginal-led tour sa nipaluna/Hobart. Ang 90-minutong paglalakad at pagtatanghal ay nagkukuwento ng isang madilim at makabuluhang kwento ng mga local palawa people.
Petermann, Northern Territoty / Australia - December 8, 2019: A tour guide walked through the safety precautions of hiking into Kata Tjuta near a tent Credit: alanlim97/Getty Images
First Nations tourism nagpapatibay ng pakikipagkasundo
Sabi ni Nicole Mitchell, sa pamamagitan ng mga Indigenous-led experiences na tulad nito, parehong mga Indigenous at non-indigenous ay nagbabahaginan ng kaalaman sa kultura.
"Isa rin itong malakas na tagapagtaguyod ng pagkakasundo," sabi niya.
"Natuto ang mga tao tungkol sa iba't ibang mga kultura sa Australia. Ibinubukas mo rin ang komunidad upang ibahagi nila ang kanilang kuwento. Sinabi ng isa sa mga gabay sa akin, 'kailangan nating ibahagi ang kultura upang mapanatili ang kultura'."
Mag-subscribe o i-follow and Australia Explained podcast para sa mas mahalagang impormasyon at tips para sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.