Alam mo ba ang dapat gawin kung maka-encounter ng pating sa dagat?

Man swimming by shark in sea

Sharks are an important part of the marine ecosystem, and having a better understanding of them can reduce the risk of a shark encounter. Credit: Westend61/Getty Images/Westend61

Binubuo ng libu-libong kilometro ng kamangha-manghang baybayin ang bansang Australia, at ang pagbisita sa tabing-dagat para lumangoy ay isang msayang bahagi ng buhay upang magpalamig, manatiling malakas, o makisalamuha. Ang pagiging maalam sa kaligtasan sa karagatan ay mahalaga upang mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng problema sa tubig. Kasama rito ang pag-unawa sa banta na dala ng mga pating at ang sapat na kaalaman sa ugali ng pating, upang malaman kung paano mag-react nang ligtas.


Key Points
  • Ang mga pating ay mga pangunahing predator na may mahalagang papel sa pagpapanatili ng balanse ng ecosystem ng karagatan.
  • Ang pagsunod sa mga gabay sa kaligtasan sa dagat at ang paglangoy sa mga baybayin na may bantay ay maaaring makabawas sa panganib ng insidente na may kinalaman sa pating.
  • Ang encounter sa pating habang lumalangoy ay isang nakakatakot na karanasan, ngunit mahalaga na manatiling kalmado at kumilos ng palayo nang dahan-dahan.
Mayaman sa marine ecosystem ang bansang Australia, nagtataglay ito ng maraming uri ng pating tulad ng Great White Shark, Tiger Shark, Hammerhead Shark, Bull Shark, at iba't ibang uri ng sharks sa coral reef.

Ang mga nilalang na ito ay mahalaga sa pangangalaga ng kalusugan at balanse ng karagatan, na nagiging pangunahing predator at tagapaglinis.

Bilang isang shark scientist, ipinaliwanag ni Dr Paul Butcher na ang pag-unawa sa ugali ng mga pating at sa kanilang tirahan ay maaaring malaki ang ambag para mabawasan ang panganib ng isang indibidwal kapag naka-encounter ng pating habang nasa dagat.


"Ang mga pating ay nasa tuktok ng tanawin sa pagkain sa karagatan. Tumutulong sila sa pagkontrol ng populasyon ng mga species na kanilang kinakain, na nagpapreventa ng sobrang populasyon ng ilang organisong marino at nagpapanatili ng iba't ibang species - sa di-tuwid na paraan, ito'y nakakaapekto sa buong food web."

“Ang pating ang pangunahing predator sa marine food chain. Ito ay tumutulong sa kontrolin ang populasyon ng mga prey species, na nagpapahinto sa labis na populasyon ng ilang marine organisms at nagpapanatili ng species diversity - ito ay nakakaapekto sa buong food web."

Pag-unawa sa ugali ng mga pating

Bilang isang Principal Research Scientist sa , ang pananaliksik ni Dr Butcher nakatutok sa pagbibigay ng siyentipikong batayan para sa isang programa upang bawasan ang peligro ng pakikipag-ugnayan sa mga pating para sa mga pumupunnta sa mga baybayin ng NSW.
Mahalagang alagaan ang mga nilalang na ito sa pagpapanatili ng kalusugan ng ating mga karagatan at mas malawak na kapaligiran. Sa kabila ng kanilang nakakatakot na anyo, ang mga pating ay tunay na kamangha-manghang mga hayop na nararapat sa ating respeto at proteksyon.
Dr Paul Butcher
yVUSWJhA.png
A shark seen from the Surf Life Saving aerial surveillance helicopter – Image: Surf Life Saving Australia.
Sinabi ni Dr. Butcher na sa New South Wales, maaaring makita ang white sharks nang mas marami sa baybayin mula Mayo hanggang Nobyembre kada taon, bull sharks mula Oktubre hanggang Mayo, at tiger sharks anumang oras ng taon.

"Ang mga shark ay makikita sa karagatan ng NSW sa buong taon, kung saan ang White Sharks ay sa mga saklaw ng temperatura ng ibabaw ng dagat at ang Bull Sharks ay kapag ang temperatura ng tubig ay nasa itaas ng 20 degrees. Ang White sharks ay mas malamang na naroroon sa loob ng isang kilometro mula sa aming baybayin sa gitna ng araw mula bandang 11 ng umaga, habang ang bull sharks ay pinakamalakas na naroroon sa buong hapon mula sa tanghali at sa buong gabi."

Upang mabawasan ang panganib ng insidente ng shark, sinabi ni Dr. Butcher na may ilang mahahalagang mga gabay sa kaligtasan sa beach na dapat sundin.
Lumangoy lamang sa mga binabantayan na bahagi ng dagat at manatili sa loob ng mga may flags, dahil ang mga surf lifesavers at lifeguards ay nandiyan upang bantayan ang kalagayan ng beach at tubig at mapabuti ang kaligtasan ng lahat ng beach goers. Subukan na iwasan ang pagsu-surf na mag-isa o kapag maraming baitfish at nagda-dive na mga ibon sa paligid.
Dr Paul Butcher
iApybPDQ.jpg
Dr Paul Butcher – Image: New South Wales Department of Primary Industries.

Beach safety

Dr Jaz Lawes, isang ecologist at beach safety researcher na namumuno sa research team ang , paliwanag niya maraming aspeto ang dapat alamin para maging ligtas habang nasa dagat.
Ang payo ko upang mabawasan ang panganib na makagat ng pating ay iwasan ang mag-swimming sa gabi o bago ang bukang-liwayway. Inirerekomenda rin namin na lumangoy kasama ang isang kaibigan, at iwasang lumangoy nang mag-isa.
Dr Jaz Lawes
Kung ikaw ay nasa dagat at lumapit sa iyo ang isang pating, mahalaga na manatiling kalmado.

"Depende sa sitwasyon, maaari mong obserbahan at tugunan ang kilos ng pating. Kung lumilitaw itong nangexcite o nagugulumihanan, nagpapakita ng mabilis na kilos o iba pang hindi karaniwang kilos, umalis sa tubig nang mabilis at may kahinahunan. Subukan na bawasan ang kalampagan at ingay, at huwag manggulo ng pating."

Sinabi ni Dr. Paul Butcher na mahalaga na tandaan na ang mga aksidente ng pating ay medyo bihirang mangyari. Gayunpaman, matalino ang maging handa at malaman kung paano mag-respond.
ADE0lsGw.jpg
Lifesavers on patrol at the beach – Image: Surf Life Saving Australia.
"Kung kinakailangan mong mag-move, gawin ito nang dahan-dahan at maayos. Subukan bumalik habang ang buong atensyon sa pating. Siguruhing huwag tumalikod sa pating. Subukan manatiling tuwid o vertical sa tubig dahil karaniwang ang mga pating ay umaatake mula sa ilalim, kaya ang pagbawas ng iyong profile ay maaaring makatulong. Kung kasama mo ang iba, magtipon sa isang grupo dahil mas mababa ang posibilidad na aatake ang mga pating sa mas malaking grupo ng tao."

Mayroon ding mga personal na shark deterrent devices na available, at sinasabi ni Dr. Butcher na bagaman wala sa mga produkto ang 100% epektibo, maaari nitong mabawasan ang mga interaksyon sa mga pating.

Swerte ang Australia na may malawakang pambansang network ng surf lifesavers at lifeguards ng Surf Life Saving Australia na nagbabantay sa mga beach goers.

"Ang mga surf lifesavers at lifeguard ay nagbabantay para sa mga pating gamit ang binoculars mula sa baybayin, at maaaring gumamit ng espesyal na mga teknik tulad ng mga drone o helicopters. Kung makakakita sila ng pating, tutunog sila ng siren o magriring ng kampana, itataas ang isang pula at puting bandila at hihilingin sa iyo na umalis agad sa tubig."

49z6b0Zw.jpg
Impact ecologist and beach safety researcher Dr Jaz Lawes from Surf Life Saving Australia – Image: Surf Life Saving Australia.

Pananaliksik at pangangalaga

Ang mga teritoryo at estado ng bansa ay may mga hakbang na ginawa para maiwasan ang insidente malagim na insidente sa pagitan ng pating at tao, mula sa shark tagging, at monitoring program, pag-install ng mga drum line at shark nets, hanggang sa paggamit ng mga drone at helicopter para sa aerial surveillance.

Ang shark tagging program ng New South Wales ay tinatayang pinakamalaki sa buong mundo. Sinabi ni Dr. Butcher na ang shark tagging ay maaaring nangangahulugan na ang mga pumupunta sa mga beach ay maaaring makatanggap ng mga real time alerts o babala kung may mga pating na umaaligid sa tubig.

"Ang mga pating na na-tag ng aming mga contractor ay nilalagyan ng mga external acoustic at identification tags. Lahat ng mga pating na may acoustic tags ay maaaring ma-detect sa network ng 37 na real-time tagged shark listening stations sa baybayin ng NSW."

Kapag ang pating ay lumalangoy malapit sa isa sa mga listening stations sa loob ng 500 metres , agad magkakaroon ng real time alerts sa . May mga lugar din na gumagamit ng .

Ang pangangalaga sa mga pating ay mahalaga, kaya't mahalaga ang pagiging maingat ngunit hindi dapat mabahala at ang pagpapakita ng respeto sa mga ito bilang mga pangunahing mangangaso o predator sa karagatan, ayon kay Dr. Butcher.

"Ang mga pating ay nakakuha ng imahinasyon ng mga tao sa buong mundo, lalo na sa mga unang nasyon sa loob ng libu-libong taon. Ang pangingibabaw na ito sa kultura ay nag-ambag sa mas mataas na kamalayan at interes sa marine conservation - na mahalaga."
Swimming with sharks
It is crucial to be prepared and know how to respond in case of a shark encounter in the water. Source: Moment RF / Khaichuin Sim/Getty Images

Pangunahing tips upang maging ligtas habang lumalangoy sa mga beaches sa NSW:

  • Lumangoy lamang sa mga binabantayang lugar, sa pagitan ng red at yellow flags.
  • Bantayan ang mga bata habang naliligo sa tubig at kahit nasa mga baybayin lang.
  • Huwag lumusong sa tubig kung may dumudugong sugat.
  • Siguraduhing huwag lumangoy o mag-surf ng mag-isa, dapat laging may kasama.
  • Huwag uminom ng alcoholic drinks o gumgamit ng droga bago lumangoy.
  • Makigpag-ugnayan at humingi ng payo sa mga surf lifesavers o lifeguards
  • Iwasan ang mga lugar na may mga bait fish, fish feeding activity, diving seabirds, ito ay magandang indikasyon ng fish acitivity.
  • Ang presensya ng dolphins ay hindi indikasyon na walang pating sa lugar, dahil ang dalawang nilalang ay maaaring parehong kumakain sa iisan lugar at ang mga pating ay
    predator din ng dolphins.
  • Gumamit ng personal deterrent o pangtaboy
  • Alamin ang iyong limitasyon at kondisyon.
  • Makipag-ugnayan sa sa inyong lugar para maging volunteer
  • Bisitahin ang o i-download ang para sa kadagdaang impormasyon.

Share