Karaniwang sentido kumon o common sense ang kinakailangan para maging ligtas kapag naglalakad sa kalsada o mga tawiran ang mga pedestrians, ngunit hindi tayo maaaring umasa dito lamang.
Ang mga road rules sa Australia ay ipinapatupad upang protektahan ang lahat ng gumagamit ng mga kalsada at daanan.
Ang mga patakaran ay ginagabayan ng mga karaniwang prinsipyo sa iba't ibang estado at teritoryo, na may kaunting pagkakaiba sa pagitan ng mga hurisdiksyon.
Maaaring mukhang mahigpit ang mga batas na ito para sa ilan, ngunit ang mga pedestrian ay ilan sa ating mga pinaka-mahina sa kalsada, ayon kay NRMA road safety expert Dimitra Vlahomitros.
“Alam natin na ang mga pinaka-mahina ay ang ating mga bata, mga matatanda, at pati na rin ang mga taong lasing.”
In the absence of traffic lights, look for a designated ‘zebra crossing’ Source: iStockphoto / Veronica Todaro/Getty Images/iStockphoto
Sino ang mga pedestrian?
“[Ang pedestrian ay], sinumang nagtutulak ng bisikleta o wheeled device tulad ng skateboard, roller skates, rollerblades, wheelchair, pati na rin mga mobility scooter.”James Williams, Head of Policy, RACV
Paano maging ligtas sa kalsada:
- Pagtawid sa pedestrian traffic lights tuwing maaari at pagsunod sa signal.
- Tumawid kapag nakita mo ang berdeng signal ng tao. Huwag magsimulang tumawid kapag ang signal ay pula o flashing red.
- Kung tumawid habang red signal o flashing red ang pedestrian traffic signals ay maaaring magdulot sa iyo ng multa. Karaniwang tinatawag itong jaywalking, kahit na hindi ito legal na termino sa Australia.
- Sa Australia, napakalinaw ng patakaran. Ang isang pedestrian ay maaaring tumawid sa anumang kalsada, anumang oras nang maingat, basta't hindi ito nasa loob ng 20 metro ng isang pedestrian crossing at basta't hindi ito nataon sa flashing red light o red light on.
- Sa NSW, maaaring pagmultahin ka kung tatawid ka habang ang signal ay red flashing light.
It’s an offence to walk without reasonable consideration of other road users. Credit: vm/Getty Images
Saan pwedeng tumawid, kung walang traffic lights:
- Hanapin ang designated ‘zebra crossing’. Kung saan ang mga sasakyan ay nagbibigay ng pahintulot sa mga pedestrian na dumaan.
- Minsan ang tawiran ay itinaas upang maging tinatawag na ‘wombat crossing’ – isang zebra crossing na ipininta sa ibabaw ng isang road hump.
Paano tumawid nang ligtas sa mga kalsada o daan:
- Kung walang tawiran na malapit, mahalagang tumawid ang mga pedestrian sa pinakamaikli at pinakadiretsong ruta sa kalsada. Ito ay karaniwang diretso at hindi pahilis o angle.
Drivers must give way to pedestrians when entering or leaving a driveway, when using shared zones and at pedestrian crossings. Source: Moment RF / Diane Keough/Getty Images
Maari ka bang maglakad sa mismong kalsada?
- Maari kang pagmultahin sa paglalakad sa mismong kalsada, kung may ng footpath o nature strip. Pero kung walang footpath maaaring dumaan sa kalsada, at para ligtas sa paglalakad, maglakad na nakaharap sa tumatakbong sasakyan o traffic ng sasakyan.
May karapatan ang mga pedestrian sa ilang daan
- Dapat magbigay-daan ang mga driver sa mga pedestrian kapag pumapasok o umaalis sa driveway, kapag gumagamit ng shared zones, at sa mga pedestrian crossing.
Smart phones have bred a population of pedestrians who show disregard for traffic and the impending danger. Credit: Dobrila Vignjevic/Getty Images
Multa
- Iba-iba sa bawat estado at teritoryo ang multa sa paglabag ng mga patakaran.
- Sa estado ng Victoria, halimbawa, ang multa ay magsisimula sa $96 sa hindi pagsunod sa traffic lights, pagtawid ng daan sa loob ng 20 metres ng pedestrian crossing, o sa paglalakad sa kalsada.
- Kapag hindi nasunod ang traffic direction ng mga pulis aabot sa $385 penalty ang penalty.
Pedestrian etiquette
Dapat maglakad sa kaliwang bahagi ng footpath o huwag gumamit ng mobile phones habang naglalakad sa pedetrian crossing ay makakatulong sa mas maayos na takbo ng trapiko.
Ang kaligtasan ay simpleng pagbigay galang o respeto sa iba.
Pedestrian zombies
Smart phones have bred a population of pedestrians who show disregard for traffic and the impending danger.
Ang mga 'pedestrian zombie' ay kilala sa buong mundo, at sa kasamaang-palad, sila ay responsable sa pagdudulot ng maraming aksidente sa kalsada.Harold Scruby, CEO, Pedestrian Council of Australia
Ang umiiral na mga batas na may kinalaman sa pagtawid ng kalsada habang abala ay bihirang ipatupad.
Panukala ng Pedestrian Council of Australia na maitaguyod ang pagpapatupad ng isang national law na isang paglabag sa batas ang pagtawid sa kalsada habang distracted o abala, na may layuning baguhin ang pag-uugali at magligtas ng mga buhay.
'Kung gumagamit ka ng anumang hand-held device, na maaaring sabihin ng isang pulis na nakakaabala sa iyo habang tumatawid sa kalsada, nais naming magkaroon ng $200 na multa," ayon sa grupong Pedestrian Council of Australia.
Para sa karagdagang pedestrian laws sa inyong estado at teritoryo bisitahin ang .