Key Points
- Ang mga government payments ay nakalaan para sa bawat yugto ng buhay.
- Ang Services Australia ang namamahagi ng mga support payments mula sa gobyerno sa pamamagitan ng mga programang tulad ng Centrelink.
- May mahigpit na eligibility requirements at waiting periods bago makuha ang mga payments na ito.
- Ang mga may Protection Visa o Humanitarian Visa ay may parehong access sa mga support payments gaya ng mga Australian citizens.
Ang Services Australia ang ahensiyang namamahagi ng Centrelink payments para sa mga kwalipikadong Australians mula sa gobyerno.
Sila rin ang namamahala sa Medicare at mga bayad para sa child support.
"Nearly everyone in Australia will interact with us at some point in their lives, "sabi ni Hank Jongen, General Manager ng Services Australia
Karamihan sa mga support payments ay may mahigpit na eligibility criteria, kabilang na ang residency requirements. Sa karamihan ng kaso, kailangan mong maging Australian citizen o permanent resident.
Kapag sinusuri ang iyong eligibility at kung magkano ang maaari mong matanggap, isinaalang-alang ang iyong kita, ari-arian, at bank accounts.

Disability Support Pension supports people who are prevented from working due to a physical, intellectual or psychiatric condition that is likely to persist for more than two years. Credit: vm/Getty Images
Makikita sa website ng ang ibat ibang uri ng support payments, kanilang mga rates at eligibility criteria at waiting periods.
Karamihan sa mga government support payments ay sa pamamagitan ng Centrelink bilang bahagi ng Services Australia.
JobSeeker Payment at Age Pension
Kung talagang gusto mong magtrabaho pero hindi mo magawa sa ngayon, maaaring kwalipikado ka para sa JobSeeker Payment.
Ang rate sa payment na matatanggap ay nakadepende kung ikaw ay single o may partner—kasal man o nasa de facto relationship—at kung may mga anak ka.

JobSeeker Payment is the financial help you can receive if you’re aged between 22 and Age Pension age, which is 67, and looking for work. Credit: courtneyk/Getty Images
Youth Allowance
Isa pang karaniwang support payment ay ang Youth Allowance, na para sa mga 24-years old pababa na full-time student o apprenticeship, o mga wala pang 22 years old na naghahanap ng trabaho.
Samantala, ang Austudy naman ay hiwalay na payment para sa mga full-time students na 25-years old pataas.
Family Tax Benefit
Kung may pamilya ka at mababa ang kita o low income, maaaring may makuha kang suporta mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Family Tax Benefit.
Age Pension
Ang payment na ito ay para sa mga retirado na sa trabaho o nasa retirement age na.
Ang Age Pension ay 67 taong gulang pataas.
To get Age Pension you generally need to have been an Australian resident for at least 10 years in total. And for at least five of these years there must have been no break in your residence in Australia.Hank Jongen, General Manager Services Australia
Ang rate of payment ay iba para sa single o may partner o couples.

Age Pension is designed to support people who have reached retirement age, which in Australia is 67 years and over. Credit: Fly View Productions/Getty Images
Disability Support Pension
Kung nasa edad ka pa na working age pero may kundisyong medikal na pumipigil sa'yo na makahanap ng trabaho, maaaring may makuha kang Disability Support Pension—basta pasado ka sa mahigpit na eligibility requirements.
Carer Payment
Kaugnay ng Disability Support Pension ay ang Carer Payment, na nagbibigay ng suporta sa mga full-time carer sa isang taong may matinding kapansanan o malubhang sakit.
Mayroon ding Carer Allowance, na dagdag na tulong para sa mga gastusin tulad ng pambili ng gamot o pagmaneho para ihatid ang isang tao sa kanyang medical appointments.
Ang mga Australian citizens at permanent residents ay maaaring mag-apply para sa alinman sa mga payments na ito sa pamamagitan ng Centrelink.
Kung kakarating mo lang sa Australia, pwede mong i-search ang ‘Moving to Australia’ para sa impormasyon tungkol sa mga migrants, refugees, bagong dating na residente, at asylum seekers.
Pahabol na paunawa ni Jongen, maaari mo ring hanapin ang impormasyon sa iyong sariling wika.

Carer Payment is associated with the Disability Support Pension. It supports those who provide full-time care and attention to a person with a severe disability or illness. Credit: BlessedSelections/Getty Images
People granted Protection or Humanitarian Visas have access to Centrelink and other mainstream services, the same as other residents and citizens, whereas people seeking asylum do not have access to Centrelink.Shaheen Whyte, Senior Policy Officer, Refugee Council of Australia
Sinabi ni Whyte, may ilang asylum seekers na maaaring makakuha ng tulong mula sa Status Resolution Support Services (SRSS).
Ito ay isang programang pinopondohan ng gobyerno na nagbibigay ng suporta sa mga migranteng nasa mahirap na sitwasyon habang naghihintay ng resulta ng kanilang visa application—kasama na ang mga taong naghahanap ng asylum.
Information in your language
Maaari kang magbasa, manood, o makinig ng impormasyon mula sa Services Australia sa mahigit 75 na wika. I-type lang ang wika mo sa search bar.
Nag-aalok din ang mga Centrelink offices ng libreng interpreter kapag bumisita ka o tumawag sa 13 12 02.
Mag-subscribe o sundan ang Australia Explained podcast para sa mas mahalagang impormasyon at tips tungkol sa pagsisimula ng bagong sa Australia.