Alamin ang kahalagahan ng Indigenous protocols para sa mga Australians

Young Adult Indigenous Australian
Woman Dancing

Indigenous cultural protocols are based on ethical principles. Source: iStockphoto / chameleonseye/Getty Images/iStockphoto

Ang pagkilala sa cultural protocols ng Aboriginal at Torres Strait Islander people ay isang mahalagang hakbang patungo sa pag-unawa at paggalang sa mga First Australians at lupang ating tinitirhan.


Key Points
  • Ang mga cultural etiquette ay sinusunod ng mga First Australians sa loob ng ilang libong taon.
  • Ang mga Aboriginal Elders ay mga iginagalang na miyembro ng komunidad na may malalim na kaalaman sa kultura at maaaring magbahagi nito.
  • Huwag matakot magtanong tungkol sa mga protocol, basta't ito ay ginagawa nang may paggalang.
  • Ang paggamit ng angkop at sensitibong wika ay isang simpleng paraan upang magpakita ng paggalang.
Ang mga Indigenous cultural protocols ay batay sa mga ethical principle na humuhubog sa ating mga pakikipag-ugnayan at personal na relasyon sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander people.

Mahalaga ang pangangalaga sa mga ugnayang ito dahil sila ang mga First Australians.
Sila ay may malalim na kaalaman sa lupain at maaaring magturo sa atin ng marami tungkol sa pag-aalaga ng ating kapaligiran.

Si Caroline Hughes ay isang Ngunnawal Elder ng ACT at rehiyon. Bilang isang Aboriginal Elder, siya ay mataas ang pagtingin dahil sa kanyang malalim na kaalaman sa kultura.

"Mayroon kaming mga sistema ng paniniwala at etiketa sa kultura na nagsimula pa noong unang panahon... na bahagi pa rin ng aming buhay sa makabagong Australia ngayon," sabi niya.

Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga protokol ng kultura, kinikilala natin ang walang patid na koneksyon ng mga First Nations sa lupa at kanilang sinaunang mga kaugalian.
Suportado ni Rhoda Roberts, Elder in Residence ng SBS, ang patuloy na pagsasagawa ng mga kultura ng Unang Bansa.

"Patuloy naming ipinamamana ang mga kwento, mga protokol, at mga ritwal sa loob ng napakaraming panahon. At habang may mga pagbabago – hindi kami mga tao na nananatili lamang sa nakaraan – ang buong panuntunan at pilosopiya ng kung sino kami ay ang pag-aalaga sa bansa na kinabibilangan ng aming lupa, dagat, mga daanan ng tubig, at kalangitan."
AC Milan v AS Roma
Aboriginal dancers perform during the welcome to country before the friendly between AC Milan and AS Roma at Optus Stadium on May 31, 2024 in Perth, Australia. Credit: Paul Kane/Getty Images

Paano kilalanin ang First Australians?

Ang terminong 'Indigenous Australian' ay sumasaklaw sa parehong mga Aboriginal at Torres Strait Islander people, ngunit ang mga Aboriginal na tao ay tumutukoy sa kanilang sarili sa mga paraan na mas mahusay na kumonekta sa kanilang pagkakakilanlan.

Si Caroline Hughes ay tumutukoy sa kanyang sarili bilang isang Ngunnawal woman .
My Country is my language group and my tribal group, and that tells other Aboriginal people where I come from.
Caroline Hughes

Ang dalawang natatanging mga katutubo

Ang mga Torres Strait Islander ay mga katutubong mula sa mga isla sa pagitan ng dulo ng Cape York Peninsula at Papua New Guinea at karamihan ay may lahing Melanesian.

Si Thomas Mayo ay isang Torres Strait Islander at Assistant National Secretary ng Maritime Union of Australia, sabi niya na ang mga Indigenous peoples ay lubhang magkakaiba.

Ang 'Koori' ay madalas na ginagamit upang tukuyin ang isang tao mula sa NSW o Victoria, 'Murray' naman sa Queensland, at ang mga Aboriginal na Tasmanian ay tinatawag na 'Palawa'.

"Ang lahat ng mga First Nations ay may bahagyang magkaibang mga kultura ngunit may malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng kulturang Islander at Aboriginal. Gusto ng mga Islander na kilalanin bilang natatanging mga Indigenous peoples."
Both the Aboriginal and Torres Strait Islander flags are flown alongside the Australian national flag to acknowledge these distinct Indigenous peoples.
Both the Aboriginal and Torres Strait Islander flags are flown alongside the Australian national flag Source: AAP / AAP Image/Mick Tsikas

Paggamit ng magalang na pananalita o wika

"Ang 'Indigenous', 'Aboriginal', 'Torres Strait Islander' at 'Elder' ay mga proper nouns na tinutukoy gamit ang malaking titik. Ang mga pagdadaglat o abbreviations ay itinuturing na hindi katanggap-tanggap," paliwanag ni Caroline Hughes.

"Huwag kailanman pagdadaglatin ang 'Aboriginal'. Hindi rin kami acronym at napakahalaga sa amin niyan, at hindi katanggap-tanggap sa amin."

Sino ang tinatawag na Elders?

Ang mga Elders ay mga iginagalang na miyembro ng komunidad na may malalim na kaalaman sa kultura. Sila ay tinutukoy bilang 'Aunty' at 'Uncle'. Angkop para sa mga hindi katutubo na magtanong muna kung maaari nilang gamitin ang mga pangalang ito.

Ang mga Welcome to Country ceremonies ay kadalasang isinasagawa ng mga Elders ng komunidad kung saan nagaganap ang isang kaganapan.

Ano ang ‘Welcome to Country’?

Sa pangunguna ni Elder Rhoda Roberts noong 1980s ang Welcome to Country, ito ay isang Tradisyunal na seremonya ng pagtanggap sa pagbubukas ng isang kaganapan upang parangalan ang nakaraan o ninuno, sa pamamagitan ng speech, sayaw o smoking ceremony.

Katulad nito, ang 'Acknowledgement of Country' ay isang welcoming protocol na ginagawa sa mga mahalagang pagpupulong at maaaring isagawa ng sinuman, ayon kay Rhoda Roberts.

"Ang Acknowledgement ay pagkilala na maaaring nagtatrabaho o nakatira ka sa isang lugar na hindi mo pinanggalingan, ngunit ayos lang iyon. Ikaw ay bahagi pa rin ng lugar na iyon at kikilalanin at pasasalamatan mo ang mga Custodian at mga Elders."
An Indigenous performer participates in a smoking ceremony.
An Indigenous performer participates in a smoking ceremony. Source: Getty / Cameron Spencer/Getty Images

Hindi angkop na mga salita

Ayon kay Caroline Hughes, ang makasaysayang trauma mula sa sapilitang pag-alis ng mga bata ay nag-aapekto sa paraan kung paano tumutugon ang mga tao sa mga tanong tungkol sa kanilang pinagmulan.

"Masyadong hindi angkop na pag-usapan ang mga porsyento at pati na rin ang kulay ng balat, mata, at buhok dahil ang aming mga anak ay pinalalaki sa aming kultura, at ito ay napakahalaga para sa amin. Tinanggihan ng puting lipunan o ng hindi katutubong lipunan ang mga bata na ito, samantalang sa kultura ng mga Aboriginal, sila ay mga regalo mula sa mundo ng espiritu, sa aming mga pamilya, sa aming komunidad at palaging tinatanggap."

Ipakita ang paggalang sa pamamagitan ng pagkuha ng dagdag kaalaman

Gayunpaman, panawagan ni Thomas Mayo huwag matakot na magtanong sa paraang puno ng respeto kapag nagna-navigate sa mga protokol ng kultura.

"At ang pinakamahalaga ay makinig at tanggapin ang paliwanag at magpatuloy nang may paggalang."

Inirerekomenda rin ni Mayo na basahin ng lahat ng tao ang Uluru Statement from the Heart na makikita dito sa , at suportahan ang mga mungkahi nito.

Binabalaan tayo ng Elder in Residence ng SBS na ang mga protokol ay pangunahing tungkol sa pagkikipagkapwa-tao.
Ito ay tungkol sa kabutihang-loob at pagka-maawain, pero at the end of the day, lagi kong sinasabi na ito'y simpleng magandang asal lamang.
Rhoda Roberts
This content was first published in May 2022.

Share