Key Points
- Para sa mga First Nations, ang konsepto ng kalusugan ay malawak, pinagsama ang pisikal, emosyonal, panlipunan, at espirituwal na kagalingan.
- Ang tradisyunal na medisina ay isang pinaghalong materyal at espirituwal na aspeto.
- Ang kaalaman at kakayahan sa pagpapagaling ng mga tradisyunal na manggagamot ay namamana mula sa mga naunang henerasyon.
- Ang tradisyunal na medisina at modernong medisina ay maaaring magkatulong upang magbigay ng mas kultural na sensitibong paggamot sa kanilang mga pangangailangan.
Para sa mga Katutubo, ang kalusugan ay higit pa sa kawalan ng sakit o karamdaman. Ito ay isang malawak na konsepto na binubuo ng pisikal, emosyonal, panlipunan, at espirituwal na aspeto ng kagalingan.
Kaya’t ang tradisyunal na medisina ng mga Katutubo ay hindi lamang nakatuon sa paggamot ng pisikal na mga karamdaman; ito rin ay nagsisikap na magbigay ng balanse sa iba’t ibang dimensyon ng kagalingan.
Sinasabi ni Dr. Alana Gall, isang Truwulway woman mula sa hilagang-silangang baybayin ng Lutruwita, ay naging masigasig sa tradisyunal na medisina mula pa noong siya’y bata.
“Sa aming tahanan, palagi kaming gumagamit ng iba’t ibang natural na gamot at lahat ng iba’t ibang kasanayan, kaya’t ang mga seremonya at espirituwalidad ay malaking bahagi ng aking buhay.”
Dr Alana Gall
Sabi niya na ang terminong "bush medicine," na madalas ginagamit bilang katumbas ng tradisyunal na medisina, ay maaaring magdulot ng limitadong pag-unawa ng mga tao sa kung ano talaga ang tradisyunal na medisina.
Posible umanong isipin ng mga tao na ito ay mga bagay na pisikal tulad ng sinisinghot, pinapahid sa balat, o iniinom na gamot.
Ngunit, "ang aming medisina ay higit pa roon," paliwanag niya.
"Ang tradisyunal na medisina ay maaaring sumaklaw sa mga seremonya ng pagpapagaling, espirituwal na medisina, at mga tradisyunal na manggagamot."
Nakikita namin ang aming Country, aming mga lupain, bilang mga tagapagpagaling. Kaya’t mayroon din kaming Country of medicine . Ngunit ang lahat ng ito ay nakaugat sa kung ano ang madalas na pinag-uusapan ngayon, ang aming mga paraan ng pag-alam, kagalingan, at paggawa.Dr Alana Gall
Tradisyunal na manggagamot
Si Debbie Watson ay isang Ngangkari o tradisyunal na manggagamot na Aboriginal mula sa Pipalyatjara sa Aṉangu Pitjantjatjara Yankunytjatjara (APY) lands sa South Australia.
Ang mga manggagamot na ngangkari ay tumutulong upang maibalik ang kaluluwa sa tamang ayos, na kanilang nakikita bilang pangunahing bahagi ng katawan ng tao.
"Pinapagaling ko ang mga tao gamit ang aking mga kamay. Nakikita ko ang loob at nararamdaman ang kanilang enerhiya at kung ano ang nasa loob nila, at nagtatrabaho din ako kasama ang espiritu."
Ipinaliwanag ni Watson na kung ang kaluluwa ay napalipat o nabara, maaaring magdulot ito ng sakit, pagkabalisa, at iba pang sintomas.
"Hindi nasasaktan ang kaluluwa," sabi niya.
Ang kakayahang magpagaling ng tao ay ipinapasa hanggang sa mga susunod na henerasyon.
Si Watson ay nagmula sa pamilya ng mga manggagamot. Natutunan niya ang kakayahang ito mula sa kanyang ama noong siya'y bata pa.
"Tinuruan niya ako na maging manggagamot, isang malakas na manggagamot."
Debbie Watson
Sinuportahan at pinanatili nito ang kanilang daang-taong paniniwala o practice , habang nagbibigay ng mga serbisyo sa panggagamot para sa mga Aboriginal at hindi Aboriginal.
Samantala Dr. Francesca Panzironi ay malapit na katrabaho ni Watson.
Dumating siya sa Australia mula sa Italya noong 2001 upang mag-aral ng Law sa University of Sydney.
Habang ang kanyang background ay international human rights law at Indigenous people’s rights to self-determination.
Ang pagkagusto niya sa traditional medicine ng mga Aboriginal ang nag-udyok sa kanya na magsaliksik pa o to “dive into the unknown”.
Pagkatapos ng ilang konsultasyon sa mga Ngangkari sa rehiyon at sa kanilang komunidad, napagtanto ni Dr. Panzironi na kinakailangan na ma-access ng mga katutubo ang sinaunang paraan ng panggagamot.
From left, Dr Francesca Panzironi and Debbie Watson
Ito ang gusto ng mga tao. Hindi lang ito isang teorya. Nararamdaman ng mga tao na sila'y bumubuti, kailangan nila ang mga ito.Dr Francesca Panzironi
Sa kasalukuyan, ginagawa ng ANTAC na mas accessible sa publiko ang tradisyunal na panggagamot, mula sa mga serbisyong pangkalusugan hanggang sa mga correctional services at iba pang mga institusyon na interesado sa pag-aaral at karanasang nito.
Bagaman hindi nito pinapalitan ang biomedical na modelo, "maaari itong magkasamang gumana" at mag-alok ng mas sensitibo sa kultura na paggamot sa kanilang mga suliranin, ayon kay Dr. Panzironi.
Si Brety Rowling ay isang analytical chemist at isang apo ng Bungoree at Matora at kasalukuyang nakikipagtulungan kay Dr. Gall.
“It can work hand-in-hand o magtulungan”
Aniya ang tradisyunal na medisina at modernong medisina, kahit na mukhang magkasalungat, ay maaaring magtulungan, na nagbibigay-daan sa dalawang magkaibang at natatanging pananaw.
Ang ating kuwentong-bayan, mga turo, at mga moral na may kasamang mga lihim, at ang kabilang panig ay ang paraan ng mga puti, ang datos at pagsusuri. Magkasalungat sila, ngunit dalawang magkatugmang pamamaraan.Brett Rowling
Halimbawa, ang paracetamol ay batay sa datos at pagsusuri ng modernong agham, ngunit ang tradisyunal na medisina, na naipasa sa pamamagitan ng kuwentong-bayan, ay maaari ding maging kasing-epektibo, na nagbibigay ng dalawang magkaibang ngunit gamot sa isang isyu.
Brett Rowling
Sinasabi ni Rowling na panahon na para “gisingin iyon at ipakita sa mga tao at sa buong mundo.”
Marami ang maaaring mapakinabangan ng mundo mula sa kaalamang ito, sabi ni Dr. Gall.
“Sa Australia, kami ang pinakamatandang patuloy na umiiral na kultura sa planetang ito. Kaya may mga karunungan kaming taglay, tungkol sa pangangalaga sa kalikasan, tungkol sa paggawa ng medisina sa mga paraang ginagawa na namin mula pa noon.
Kung magagamit natin ang kaalamang iyon, makakagawa tayo ng pagbabago sa mga problema sa kasalukuyan, tulad ng mga strain ng mikrobyong hindi na tinatablan ng antibiotics,” paliwanag ni Dr. Gall.
Maaari ring magbigay ang modernong agham ng kinakailangang datos at pagsusuri upang masuri ang kaligtasan ng mga tradisyunal na gamot.
Proteksyon sa kaalaman
Gayunpaman, dahil walang tamang proteksyon para sa kaalamang ito, may ilang komunidad na nag-aatubiling ibahagi ang kanilang kaalaman, at sa pinakamasamang kaso, ang mga matatanda ay pumanaw, dala ang kaalamang iyon sa kanila, paliwanag ni Dr. Gall.
“Ang realidad ay ang aming kaalaman ay hindi protektado. Ibig sabihin, hindi ligtas para sa amin na ibigay nang malaya ang kaalamang iyon.”
Sabi niya na ang mga kompanya ng pharmaceutical, cosmetics, at sa agrikultura ay maaaring kunin ang kaalamang iyon, i-benta, at kumita nang malaki.
Dagdag niya Dahil dito, ang mismong mga tao na nagmamay-ari ng kaalamang ito ay maaaring hindi magkaroon ng access at mapakinabangan ito, na nagdudulot din ng mga alalahanin tungkol sa pagpapanatili.
Ang pangmatagalang layunin ni Dr. Gall ay magkaroon ng sistema na magpapahintulot na maibahagi ang kaalamang ito para sa kapakinabangan ng lahat ng tao sa buong mundo.