Key Points
- Maraming hindi nakasulat na mga panuntunan sa kung ano ang itinuturing na magalang, angkop, o bastos.
- Ang pagkakaiba ng kaugalian ay posibleng maging hadlang sa mga migrante para makapasok sa tunay na mundo o propesyon ng mga Australian.
- Aminado ang ilang migrante, na nahirapan silang matutunan kung ano ang hindi katanggap-tanggap na kaugalian sa Australia.
Karaniwang binibigyang kahulugan ang kagandang asal bilang batayan, kung ano ang itinuturing na magalang na pag-uugali at mabuting asal sa isang partikular na lipunan, kultura o sa mga myembro ng isang pangkat ng lipunan o propesyonal na samahan.
Ayon kay Amanda King ang founder ng Australian Finishing School, tinuturuan niya ang lahat ng mga tao mula sa iba’t -ibang kultura kung ano ang katanggap-tanggap na pag-uugali sa konteksto ng Australia.
“Ang kagandahang-asal ay isang pag-uugali at mga pamantayan na inaasahan sa lipunan,” paliwanag ni King.
“Ang pagkakaroon ng mabuting pag-uugali ay nakabatay sa mga prinsipyo sa buhay at ito ang bumubuo sa imahe ng tao."
Gayunpaman, sabi ni Ms King dito sa Australia, ang mabuting asal ay nakasalalay sa iyong partikular na kapaligiran at mga pangyayari.
“Ang pagkatao ng mga Australians ay may impluwensya ng buong mundo. Ang batayan ng komunikasyon ay Ingles, subalit ang kultura ay may halong European at Americanism," dagdag nito.
Naniniwala kasi King na mahalagang matutunan at sundin ng mga migrante ang katanggap-tanggap at hindi nakasulat na protocols para makasabay propesyonal na samahan o sa mundo ng mga Australians.
Dagdag paliwanag nito may batayan na ABC's ang tuntunin ng magandang asal kabilang dito ang Appearance o labas na kaanyuan, Behaviour o pag-uugali, tamang asal sa pagkain o hapag kainan at pagkikipag-usap.
Ang susi ay komunikasyon-paano ba maging magaling sa pakikipag-usap. Sa totoo lang, mahirap ito kapag ang wikang Ingles ay hindi pangunahing wika.Amanda King, etiquette expert and instructor
Malaking bawal: Magtanong tungkol sa personal na buhay
Isa sa hindi nakasulat na patakaran na itinuturing na 'mabuting gawi' sa Australia ay ang pag-iwas ng pagtatanong ng mga bagay na kontrobersyal, hindi katanggap-tanggap o taboo, dahil hindi ito komportableng pag-usapan.
Kabilang sa mga sensitibong itanong ay tungkol sa impormasyon sa kung may asawa o wala, pera, relihiyon, politika at iba pang mga paksa.
“Karaniwang gustong makipag-usap ang tao, kaya kailangan may isa silang paksa na pag-uusapan para maka-connect sa isa't-isa. Kaya maghanap ng ibang paksa, at hindi kailangan pag-usapan ang makakasakit," paliwanag ni King.
Dahil ang bawat kultura ay mayroong magkakaibang standard kung ano ang nararapat o hindi. Pinagtanong namin sa migranteng matagal ng naninirahan sa bansa kung paano nga ba nasusukat ang etiquette o kagandahang asal ng isang tao.
May mga bagay at katanunangan na katanggap-tanggap sa kanilang kultura na itinuturing na masama o bastos sa Australia.
Sampung taon na dito sa Australia si Winmas Yu na mula pa sa bansang Hongkong.
Sabi nito sa China, karaniwang nagbibigay ng komento ang mga tao tungkol sa katawan ng iba.
“Ang ating mga magulang o mga lolo at lola ay sinasabihan na, 'sige kumain ka pa dahil payat ka o bawasan mo ang iyong kinakain dahil tumataba ka.' Pero nang dumating ako sa Australia, napag-alaman ko nakakasakit ang pagbigay ng komento tungkol sa pangangatawan o sa dami ng iyong kinakain."

Ang pag-alam sa mga alituntunin ng kagandahang-asal ay makakatulong na maiwasan ang pakiramdam ng awkward sa mga pagtitipon. Credit: Getty Images/CatLane
Dagdag nito, pangkaraniwan naman sa ilang kultura ng Arab ang pagtatanong sa mga taong kakilala lamang nila kung sila ay may asawa o wala, kung may anak sila o wala at bakit.
“Kapag ang mag-asawa ay higit na sa 9 na buwan na magkasama at wala pang anak, tanong ng ibang tao... 'bakit?' 'May problema ba? ' … at alam ko dito sa Australia hindi ito katanggap-tanggap, " kwento ni Sarah.
“Tinatanong pa sino ang doktor mo o sinasabihan ka pang dapat maghanap ng ibang doktor."
Ang kahalagahan ng etiquette sa panahon ng paghahanap ng trabaho
Ang mga hindi sinasabing tuntunin ng kagandahang asal ay posibleng maging hadlang sa mga migrante sa kanilang mga lugar na pinagtatrabahuhan o sa paghahanap ng trabaho.
Si Fabiola Campbell ay nakatira sa Australia ng labing walong taon, mula Venezuela itinayo nya dito ang Professional Migrant Women noong 2019.
“Layunin ng organisasyon na punan ang puwang sa pagitan ng migrasyon at paghahanap ng trabaho sa mga kababaihan na propesyonal, kasabay nito ang pag-unawa na maraming kababaihan na propesyonal na walang trabaho o kulang sa trabaho.
Ang mga kababaihang ito ay angkop at may kakayahan subalit ang kulang sa kanila ay hindi nila alam ang proseso ng recruitment sa Australia.”

Networking etiquette is crucial when job hunting or in the professional workplace. Credit: Getty Images/Kosamtu
“Maliban sa matutunan nilang ipakilala ang kanilang kakayahan at kahalagahan, tinuturuan din silang bumuo ng salaysay na naaayon sa pamamaraan ng paghahanap ng trabaho dito sa Australia.”
Ang lahat ng pagsisikap na ito ay nasa ilalim ng malawak na usapin sa kagandahan ng pag-uugali.
Naniniwala kasi si Campbell na ang pagkakaiba sa kultura ay maaaring maging hadlang para sa mga propesyonal na migrants sa kanilang lugar na pinagtatrabahuhan, pero ang networking at magandang ugali ay bahagi ng pagbuo ng magandang relasyon.
There are certain things you learn the hard way. Some people, maybe because of their culture, they want to be seen as taking the initiative, but can come across as being a bit pushy.Fabiola Campbell, Founder of Migrant Professional Women
Pinaliwanag nya na isang magandang diskarte sa networking ay hindi manghimasok sa ibang tao, at magalang na hilingin ang kanilang pahintulot bago kumonekta sa propesyonal na paraan. Isa pa, hayaan muna silang magsalita kapag nagkita kayo.
“Bigyan sila ng pagkakataon na makapag-salaysay ng kanilang kwento para matuto ka sa kanila. Maaaring magtanong ka paano mo nakuha ang unang mong trabaho? Paano ka umabot sa pagtatrabaho sa ganitong industriya? Subukang gawing magaan at masaya ng inyong pagkukwentuhan lalo na iyong kausap, gayundin dapat matuto sa kanilang karanasan."
Kabilang sa mga pangunahing tip ni Campbell para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan o makasakit ng damdamin ng iba, ay ang regular na paggamit ng salitang ‘please' o pakiusap at 'salamat’.
Pero hindi rin tama na gamitin ito ng labis para hindi ka maging ‘over the top’.

Sa ibang kultura, ang palaging paghingi ng paumanhin o pagsabi ng pagpapasalamat ay nangangahulugan ng mabuting pag-uugali. Dito sa Australia, nararapat itong sabihin ngunit hindi ito kailangan gawin ng paulit-ulit. Credit: Getty Images/RRice1981
Dagdag nito, maaaring matutunan ang mga pinong pamamaraan sa pakikipag-usap, gamit ang wikang Ingles at ang istilo ng komunikasyon dito sa Australia sa pamamagitan ng paghingi ng feedback.
Tinatanong ko sila kung nasaktan o hindi sila komportable sa aking sinabi, humingi ako ng feedback. Sa gayun, mapabuti ko pa ang aking pakikipag-usap sa kanila at masasabi ko ang nais kong sabihin ng maayos.
Pinapayuhan ng nagtuturo ng magandang kaugalian o etiquette na si Amanda King ang lahat na sa propesyonal na sitwasyon, napakahala na makarating sa pagtitipon sa tamang oras. Kung mahuhuli, ipaalam sa iyon sa iyong host nang hindi bababa sa 15 hanggang 20 minutes bago ang pagtitipon.
Gayundin, siguraduhing ipakilala ang iyong sarili nang malinaw at puno ng kumpyansa sa iba.
Gayunpaman, nais ni Campbell na maging komportable ang mga migrante, dahil marami sa Australia ang may karanasan sa pagkikitungo sa mga tao mula sa iba’t-ibang kultura at may linguistic backgrounds.
“Karamihan sa mga tao sa Australia ay nakakahalubilo ang mga migrants, partikular na ang mga migrants na second language ang wikang Ingles. At naiintindihan nila na minsan hindi ganun ang ibig sabihin ng mensahe ng kausap, dahilan nito ay wala silang kakayahan sa pakikipag-usap at pumili ng tamang salita gamit ang wikang English," pahabol na Campbell.