Key Points
- Ang HELP loan ay nagpapaliban ng iyong mga bayarin sa kinukuhang kurso para sa kolehiyo o uni hanggang sa makahanap ka ng trabaho.
- Hindi ka magsisimulang magbayad ng iyong loan hanggang ang iyong kita ay umabot sa $51,550 bawat taon.
- Upang maging kwalipikado, dapat kang isang Australian citizen o may tiyak na visa o permanent resident.
- Ang mga hindi nabayarang Help loan ay lumalaki ayon sa Consumer Price Index.
Kapag nag-desisyon kang mag-aral ng higher education sa Australia, ibig sabihin tutuloy ka sa kolehiyo, vocational course, unibersidad o uni kailangan mong mag-set ng mga kasunduan sa pagbabayad para sa iyong mga kurso.
Bagaman may ilang mag-aaral na kayang magbayad ng buo ng kanilang mga bayarin sa kurso o upfront upang maiwasan ang utang, ngunit ang karamihan ng estudyante ay mag-apply ng government loan para mabayran ang buong tuition.
Ang programang government loan na ito ay tinatawag na Higher Education Loan Program, o HELP.
May limang scheme sa HELP, pinaka-karaniwan ang HECS-HELP at FEE-HELP.
Ayon kay Renee Hindmarsh ang Acting Chief Executive ng Universities Australia.
Kung ikaw ay eligible para sa isang HECS-HELP o FEE-HELP loan, ang proseso ng aplikasyon ay simple at madali.
Kailangan mo lamang mag-apply isang beses sa isang buong kurso.
“Eligible students will be required to submit a Request for HECS-HELP form, which is provided by their university. And within this form they'll need things like a Tax File Number or confirmation of an application for a TFN, as well as their unique student identifier.”
Para sa karagdagang impormasyon para sa government assistance pambayad sa pag-aaral para sa uni o kolehiyo, bisitahin ang .