Alamin kung paano itinuturo ang sex health sa mga paaralan sa Australia

Teenage girl shares with mother in support group

Experts say evidence shows that talking about sexual health matters often and early in a supportive environment helps young people make better choices. It also tends to delay sex initiation, and ensures they obtain the correct information. Credit: SDI Productions/Getty Images

Isang malaking hamon para sa mga magulang na talakayin ang sex education sa kanilang mga anak. Paano nga ba malalampasan ang nararamdamang hiya kapag pag-usapan ang tungkol sa relasyon, pagdadalaga at pagbibinata?


Key Points
  • Itinuturo ang sexual health sa mga paaralan sa Australia mula pre-school hanggang year 12.
  • Ang mga age-appropriate sex related na konsepto ay itinuturo ayon sa development ng isang bata
  • Inirerekomenda ng mga eksperto na dapat maaga at madalas kausapin ng mga magulang ang mga anak tungkol sa sexual health
  • Inirerekomenda ng mga eksperto na dapat maaga at madalas kausapin ng mga magulang ang mga anak tungkol sa sexual health
  • Sa kabila ng maraming resources ng sex education sa Australia maraming tinedyer ang nangangalap ng impormasyon sa internet, mga kaibigan o sa pamamagitan ng pagbisita sa GP
Bahagi na ng pangkalahatang buhay at kapakanan ng bawat tao ang sexual health. Higit pa ito sa usaping pakikipagtalik, paglilihi at pagbubuntis.

Samantalang, ang sex education naman ay kasama sa aspeto ng paglaki ng bata hanggang sa pagtanda, kalinisan,pagkapalagayang- loob at pagmamahal. Ito rin ang pundasyon kung paano mapanatili ang positibo at maayos na mga relasyon.

Itinuturo ang sexual health sa mga paaralan sa Australia mula pre-school hanggang year 12.

Ang pambansang syllabus ay batay sa teoryang pag-unlad ng bata o paglaki nito, na isinasaalang-alang ang pisikal, emosyonal, at sikolohikal na mga yugto ng maturity ng isang tao.

“Ito ay bahagi ng sexual development ng mga bata ano man ang kanilang edad," ayon kay Renee West, isang advisor sa sekondarya NSW Department of Education.

“Ang mga esources ay nakabatay sa UNESCO’s international guidance sa sexuality education. Ito ay pinag-aralan ng ilang dekada para masiguro na nakalinya ito sa kung ano ang dapat itinuturo sa mga bata."

Ano ang natutunan ng mga bata, at kailan

Mula kindergarten, ang mga bata ay tinuturuan ng mga tamang pangalan ng bahagi ng katawan at kung ano ang kanilang mga papel na ginagampanan.

Sa primary school, itnuturuan sila tungkol sa reproductive health, ang mga pagbabago sa katawan kapag nasa puberty stage at mentruation o buwanang regla.

Sa secondary school, habang tumatanda sila umuusad din ang aralin hanggang sa pagbubuntis, sexual behaviours, paglilihi, at ang sexually transmitted infections (STIs) o sakit na nakukuha sa pakikipagtalik ng maraming partners.

Habang nagiging mature ang pag-iisip at emosyon ng mga estudyante bilang mga tinedyer, tinuturuan sila ng mas kumplikadong mga paksa tungkol sa relasyon, pagpayag at pagpapalagayang-loob.

“Natutunan din nila ang tungkol sa mga pribadong bahagi ng katawa at body autonomy, at higit sa lahat paano ito bigyan ng proteksiyon,"dagdag ni West.

“Ang curriculum ay nakatutok sa kung ano ang makakabuti sa mga bata...tulad ng alamin at unawain ang nangyayari sa kanilang katawan at ano ang mga pagbabago pati ang papel nito sa loob ng isang relasyon. Kaya ang konsepto ng privacy sa kindergarten ay iba sa konsepto mayroon para sa mga malalaking bata."
States and territories are slowly staggering face to face lessons at school.
Education experts Ms West and Ms Zemaitis say children learn about relationships and boundaries regarding affection at a very early age, so these are important topics to discuss in the context of sexual health. Source: Getty / Getty Images
Sinasabi ni West na iniangkop ng mga guro ang kurikulum sa konteksto ng kultura at relihiyon ng kanilang paaralan, habang binabalanse ang kahalagahan ng pagkakaiba-iba at pagsasama-sama ng mga komunidad.

“Karamihan sa mga bata ay mausisa na at gusto nilang malaman kung ano ang nangyayari , kung normal ba ito at kung ang ibang kabataan ay nakakaranas din ng ganito,"paliwanag ito ni West ang mga eskwelahan ay madalas nagiging lugar upang pag-usapan ang mga isyu na hindi pinag-uusapan sa bahay.
Ang mabisang sex education ay nagpapaantala sa pagsisimula ng pakikipagtalik. Kapag maaga silang naturuan, marami ang ating naituturo sa kanila, magiging dahilan ito para gumawa sila ng mas maayos na desisyon sa kanilang buhay.
Renee West, PDHPE Advisor Secondary Education, Educational Standards Directorate
Ayon naman kay Cathy Zemaitis na isang Director ng Curriculum for Secondary Learners sa New South Wales Department of Education, mahalagang maglalaan ng panahon ang mga magulang para pag-usapan ang tungkol sa sexuality sa bahay, para maramdaman din nila na suportado sila sa kanilang pinagdadaanan. At paraan din ito para komportable silang magbahagi tungkol sa sexual health, personal hygiene at mga relasyon.

“Hinahamon ko talaga ang mga magulang na simulan ang usapan," sabi niya.
Kung hindi komportable ang bata, may posibilidad na maghanap online para sa mga sagot, at maaaring hindi nila mahanap ang tamang impormasyon.
Cathy Zemaitis, Direktor ng Kurikulum para sa Secondary Learners, NSW Kagawaran ng Edukasyon.
LISTEN TO
Antenatal YAAAS image

Antenatal care in Australia: what is it and why it’s important?

SBS English

10:42

Humingi ng tulong sa GP

Para sa mga magulang na hindi sigurado kung paano tatalakayin ang sexual health sa mga anak ay maaaring humingi ng suporta mula sa mga paaralan ng kanilang mga anak. Maaari din silang kumunsulta sa kanilang family doctor o GP.

Ayon kay Dr Magaly Barrera na 30 taon ng GP sa Western Sydney, maraming tinedyer ang sa kasamaang palad ay nakasalamuha nya na humihingi ng payo dahil sa palagay ng mga ito ay hindi bukas ang kanilang mga magulang na pag-usapan ang tungkol sa sex sa kanilang sariling bahay.

"May ilang pasyenteo na nakikipag-usap sa ... o sumama sa nanay na kumunsulta para sa mga isyu na may kaugnayan sa sekswal," pagdaing ni Dr Barrera.

Sinabi din niya na maraming mga teenager ang lihim na humihiling na masuri sa STI o birth control, dahil sila ay masyadong natatakot o nahihiya na makipag-usap sa kanilang mga magulang. Subalit, hinihikayat niya ang mga ito na ipaalam sa kanilang mga pamilya o guro, lalo na kapag sila ay mas bata sa 16 taong gulang.
GP
Dr Barrera encourages parents and young patients to discuss sexual health within a positive and scientifically-informed framework foremost, but without dismissing the family's own cultural values. Source: iStockphoto
Dagdag paalala ni Dr Barrera para sa mga sexually active na tineyder na gumamit ng contraceptives tulad ng condoms para maiwasan na mabuntis at STI na nagiging dahiling ng pagtigil sa eskwela.

Paunawa pa nito kapag hindi maturuan ng tama ang mga bata sa usaping sexual health posibleng maghanap ito ng kasagutan sa mga kaibigan o online na maaaring humatong sa maling impormasyon.

Sabi pa ng doktor karamihan sa mga magulang ay sinasamahan ang kanilang mga anak para pag-usapan ang sexual health kapag nakatungtong na sa punto kung saan ang babae ay nagsisimula na ang buwanang dalaw o regla, sa mga lalaki naman kung nagsisimula na silang mag-masturbate o kapag nakakaranas na sila ng isyu kaugnay sa pagdadalaga at pagbibinata.

Sinasamantala din nito ang pagkakataong ito para masimulan na pag-usapan ang sexual health, subalit madalas niyang nahaharap ang hamon ang pagsalungat ng paniniwala o relihiyon ng pamilya.

Dagdag ng doktor nalalampasan nito ang ganitong hamon sa pamamagitang ng paggalang sa anuman ang pinaniniwalaan ng mga magulang, nananatili din siya sa tunay na siyentipikong impormasyon at sa pamamagitan ng paggamit ng props.

Palagi akong humihingi ng pahintulot sa bata na suriin sila. Kung sasabihin nilang 'hindi', hindi.
Dr Magaly Barrera, Family GP
She shows patients models or pictures and asks them to point to the image that best describes their situation or ailment.

"Iyan ay nakakarelaks sa kanila at nagtuturo sa kanila [pagsang-ayon]."

Inirerekomenda ni Dr Barrera sa mga magulang gawing simple at totoo ang mga pakikipag-usap tungkol sa sexual health sa mga anak para maiwasan ang pagkalito ng mga bata.

"Huwag na huwag kang magsisinungaling sa kanila. Kung hindi mo alam ang sagot, hanapin mo... Kadalasan, kapag diretso ang sagot mo, doon natatapos ang pag-uusap. Hindi kailangan na i-detalye ang paraan ng pakikipatalik."


Mga gabay na resources para sa magulang

Ayon kay Dereck McCormak na Direktor ng , ito ay isang organisasyon na bumubuo ng mga resources upang gabayan ang mga magulang kung paano gawin ang pakikipag-usap na naangkop sa edad tungkol sa sexual health ng kanilang mga anak.

Sabi pa ni McCormak maraming magulang na ang pag-uusap tungkol sa sex ay mahirap, dahil maaari silang "nakakaramdam ng awkward o hindi handa para sa mga paksang maaaring lumabas pa."

Payo niya sa mga magulang malalampasan ang ang kawalan ng kapanatagan o kompyansa sa pamamagitan ng madalas na pag-uusap tungkol sa sex, dahil darating ang panahon magiging mahusay sila sa pakikipag-usap sa kanilang anak kapag sanay na.

Dagdag pa nito ihanda ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng paghahanap ng mga impormasyon bago kausapin ang mga anak at simulan din ang pagtatanong sa kanila kung ano ang kanilang nalalaman.

“Para sa mga bata , maaari silang magtanong kung bakit magkaiba ang mga pagbabago sa katawan ng babae at lalaki [at] saan nanggaling ang mga bata," sabi nito.

Maaaring may mga tanong tungkol sa sekswalidad at mga relasyon, masturbesyon, at lahat ng bahagi ng normal sexual development para sa mas .”

At ang pinakahuli at mahalagang payo ng education expert na si Renee West sa mga magulang na nahihiyang simulan ang pag-uusap: "Ang pinakamagandang oras para makipag-usap ay nasa kotse: hindi mo kailangang tumingin sa isa't isa, ngunit hindi ka makakatakas."

Share