Key Points
- Mga City Council sa Australia naghahatid ng libreng hard waste disposal services, ngunit kailangang sundin ang mga limitasyon at patakaran sa pagtatapon.
- Alamin ang mga impomasyon tungkol sa hard waste disposal at collection sa bawat city council, lalo’t iba iba ang patakarang ipinapatupad dito.
- Ang pagkukumpuni, pagbebenta at pagmimigay sa iba ay ang mabisang paraan para maiwasang maitapon sa landfill ang mga itinuturing na hard waste.
Sa Australia, karamihan sa mga City Councils ay nagbibigay ng libreng serbisyo para sa hard waste collection sa mga nasasakupang komunidad.
Ngunit ang hindi alam ng marami, malaki ang epekto nito sa kapaligiran. Sa , ang bansang Australian ang kasama sa pinakamalaking producer ng basura sa buong mundo.
Karamihan sa mga basura, kabilang na ang itinuturing na hard waste ay itinatapon sa landfill.
Ang karaniwang mga itinuturing na hard waste ay itinatapon lang sa landfill. Credit: Getty Images/Ingrid Nagy / EyeEm
Ang mga muwebles ay karaniwang halimbawa ng mga non-recyclable hard waste dahil ang buong bagay na ito ay gawa mula sa magkakaibang materyales.
“Talagang imposible na ma-recycle [ ilang mga muwebles] ng tama or hirap mabenta."Alejandra Laclette, Senior Recycling Campaigns Manager, Planet Ark
Dito sa Australia, may dalawang uri ng hard rubbish collections: area-wide o may partikular na lugar na tapunan o pwede ding magpabook para kolektahin ng Council.
Isa sa mga nagbibigay ng libreng hard waste collection sa nasasakupan dito sa Sydney ay ang Blacktown City Council.
Kinakailangang lang na magpa-book ang sinumang naninirahan sa lugar, para makuha ng council ang hindi nare-recycle na mga basura.
Pinapaliwanag naman ni Maria Hondrogiannis ang Projects and Systems Officer for waste operations ng Council kung paano ito gumagana.
“Ang mga residente ay kailangan na tumawag o magpunta online at kami na bahala magbigay sa pinakamaagang booking na petsa para kolektahin ang basura nila."
Aniya kung magpa-book para ipa-kolekta ng Council ang mga basura kailangan lang sumunod ang mga residente sa ilang partikular na kundisyon, kabilang ang mga limitasyon sa dami at uri ng basura at mga paraan ng pagtapon.

Dapat alamin sa council kung paano dapat maglagay ng hard waste para i-kolekta, dapat isaalang-alang din na maging ligtas ang paraan at hindi maiiwang nakahambalang sa daan. Credit: Getty Images- Stuart Murdoch/EyeEm
Ang patakaran sa pagtapon ng hard waste
Karaniwang patakaran ay dapat ilabas ito sa bahay sa gabi bago ito i-kolekta sa umaga.
“Ito ang paraan para hindi sumabay ang mga kapitbahay sa pagtapon ng mga basura na hindi dapat isama dun sa itatapong hard waste," paliwanag ni Hondrogiannis.
Kapag hindi sumunod sa patakaran ng konseho, may karampatang mabigat na multa.
Dapat ding tandaan na hindi parehas ang mga tinatanggap na basura para sa koleksyon sa bawat konseho.

Ang pagtatapon ng mga basura sa hindi tamang lugar o illegal dumping ay may may karampatang malalaking multa. Credit: Getty Images/Tobias Titz
- muwebles ng bahay, kama at mattresses
- white goods, tulad ng washing machines, dishwashers, fridges at freezers
- carpets at carpet underlay
- scrap metal, kahoy, at sheet glass
Ang mga bagay na hindi maituturing na hard rubbish ay nga langis, gulong, polystyrene, at materyales sa konstruksyon
Kung may konstruksyo o renovation sa bahay mo, huwag ilabas ang lahat ng gusto mong palitan o inalis na materyales, dapat kumuha ng rubbish services para magtapon sa iyong mga kalat, para itapon sa tamang paraan.Councillor Mark Riley, Merri-bek City
E-waste ay iba sa hard waste sa Australia.
Paliwanag ni Matt Genever ang Interim CEO ng Sustainability Victoria.
“ Ang lahat ng may batter o power cord ay bawal na itapon sa landfills. Kaya ang mga TV, baterya at hair dryer at mga fridge, kailangang itapon sa tamang paglalagyan hindi sa landfill.”

Ang ilang council sa Australia ay tumatanggap ng e-waste sa pamamagitan ng hard waste collection. Credit: Getty Images/KSChong
“ Ang mga maliliit na bagay tulad ng baterya, mobile phones ay maraming paglalagyan sa buong bansa. Tumatanggap ang mga malalaking tindahan tulad ng Harvey Norman o Supermarkets, Officeworkss dahil may disposal point sila para sa mga e-waste na ito," dagdag ni Genever.
Samantala ang mga pintura ay talagang bawal at hindi tinatanggap sa hard waste collection. Subalit maaari itong tanggapin pati na ang pakete nito ng Paintback.
Ang Paintback ay isang libreng serbisyo sa buong bansa na tumatanggap ng expired at hindi gamit na mga pintura mula sa mga kabahayan para hindi matapon sa mga landfills at daluyan ng tubig.
Samantala, ang mga estado at teritoryo ay nagpapatakbo din ng mga libreng programa para sa ligtas na pagtatapon ng mga nakalalasong gamit sa bahay, kabilang ang mga kemikal. Dahil ang mga ito ay hindi maituturing na hard waste.

Chemicals including cleaners, bleach, insect sprays, pesticides, any fuel, or gas canisters, shouldn't be put out as hard waste, nor put in your bin or tipped down your drain. Credit: Getty Images/Fertnig
Ang basura sa iba ay maaaring mapapakinabangan pa
Gayunpaman, ang pangangalakal sa mga hard waste sa inyong lugar o mga itinapon ng iyong kapitbahay ay ipinagbabawal ng council at itoy may karampatang multa. Kaya mainam na suriin kung ano ang naaangkop sa inyong mga lugar.
Hinihikayat naman ng Konsehal mula Merri-bek na si Mark Riley, bigyan ng second life o ipamigay ang mga hindi na kinakailangang gamit sa bahay sa iba, lalo’t kung maayos at ligtas pa ang kundisyon nito para mapakinabangan.
Responsibilidad mo talaga na suriin kung ito ay ligtas na gamitin muli lalo na kung ito ay isang de-koryenteng bagay.Councillor Mark Riley, Merri-bek City
May mga online 'hard rubbish rescue’ groups naman kung saan ang mga myembro ay maaaring magpost ng larawan na maaaring ipamigay para sa mga nangangailangan nito.

Ang mga natatanging muwebles sa bahay ay maaaring ipaayos para hindi maitapon sa mga basurahan. Credit: Getty Images/AJ_Watt
Maaaring i-post online na libre, maaari ding ibenta, o i-donate sa mga charity shops.
“Dapat lang isapuso na kapag ipamigay o i-donate sana ay maayos at mapapakinabangan pa, dahil kung hindi mapupunta din ito sa mga landifills at gagastos pa ang mga charity dahil sila mismo ang magpapatapon dito."
Maliban sa mga local councils, nag-aalok din ng maraming impormasyon , tungkol sa recycling at kung paano at saan ang mga lugar na paglagyan sa mga hard wastes.
“Karamihan sa mga maituturing na hard waste ay hindi recyclable. Ibig sabihin, maaaring kukunin ito at itapon sa landfill. Dapat tandaan lamang na ang mga basura ay nagiging basura lamang kapag sinayang mo o hindi mo binigyan ng pagkakataon na mapakinabangan ng iba."
Further information
- Bisitahin ang inyong local council website para sa updated na impormasyon at resources kung saan maaaring itapon ang mga kemikal mula sa mga kabayahan sa inyong lugar.
- Ang mga estado at teritoryo ay may hazardous waste depots, tulad ng sa ,, , , and the
- May drop-off point din ang Paintback sa mga pintura at pakete sa mga .
- Maaari ding bisitahin ang para sa karagdagnag impormasyon at iba't ibang solusyon sa pagtatapon ng basura sa Australia.