Key Points
- Ang solar energy ay mas popular sa Australia, 30 porsyento ng mga bahay ang gumagamit nito.
- Ang landlords at mga umuupa ang may opsyon na mag-install ng solar power; gayunpaman, maaaring hindi ito kasing kapaki-pakinabang para sa mga nangungupahan dahil mahirap mabawi ang gastos sa mas maikling panahon.
- May mga rebate at mga program ng gobyerno na makukuha sa iba't ibang estado at teritoryo ng Australia.
Ayon sa ulat ng sa taong 2021 hanggang 2022 , sa unang pagkakataon nalampasan ng solar at wind energy generation ang household electricity consumption sa Australia.
Ipinapakita nito kung gaano kahalaga ang mga renewable energy sources sa pagtugon sa pangangailangan ng kuryente ng bansa. Sinasalamin din nito ang mas malawak na paglipat patungo sa mga mas sustainable energy practices.
Ano ang benepisyo ng paggamit ng renewable energy
1. Ang Solar energy ay mas kilalang cost-effective na opsyon o mas mura kumpara sa conventional electricity.
2. Nababawasan din ang pressure sa grid, sa panahon na malaki ang konsumo ng mga tao lalo na tuwing tag-init at taglamig.
3. Ang pagkabit ng solar panels ay madali, pwede itong i-install sa mga bahay.
4. Mas malinis na paraan ng pag-generate ng enerhiya.
Sa ngayon ang carbon ay nagbibigay ng 60 porsyento ng produksyon ng enerhiya sa Australia.
Subalit nasa kalagitnaan na ng transition para sa pagbabago patungo sa renewable energy. Nangako ang pamahalaan ng Australia na 82 porsyento ng ating enerhiya ay magmumula sa mga renewable energy sources pagsapit ng 2035.
Both landlords and tenants have the option to install solar power; however, tenants may find it less advantageous, as the costs are difficult to recoup within a shorter timeframe. Credit: Cavan Images / Robert Niedring p/Getty Images/Cavan Images RF
Sino ang maaaring magkabit ng Solar?
Ang mga homeowners ay maaaring magpakabit ng solar panels sa property, para makabenepisyo ang mga umuupa sa na-generate na electricity.
Rebates and schemes are available in different Australian states and territories. Source: Moment RF / owngarden/Getty Images
What rebates are available?
May mga rebates at incentives sa pagkakabit ng solar panels. Maaaring bisitahin ang government website na para sa tamang rebates at incentives sa inyong estado at teritoryo.
Bisitahin ang mga links sa baba:
Mag-subscribe o i-follow sa Australia Explained podcast para sa karagdagang mahalagang impormasyon at mga tips tungkol sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia. Mayroon ka bang mga tanong o ideya sa paksa? Mag-email sa