Key Points
- Ang mga interes rate at bayarin ay nag-iiba depende sa lender, uri ng utang, at iyong kalagayan.
- Ang iyong credit score ay nagsasabi sa lender kung kaya mong mabayaran ang utang.
- Ang mga lender ay mahigpit na interesado lamang sa iyong Australian credit history.
Ang personal loan ay nagbibigay-daan sa iyo na manghiram ng halagang pera, na iyong binabayaran, kasama ang interes, sa loob ng isang takdang panahon.
Karaniwang ang personal loan ay ginagamit para sa isang partikular na layunin tulad ng isang kotse, bakasyon, kasal, o bayaran ang ilang utang.
"Ang tunay na kalamangan ng personal loan ay nagbibigay-daan sa iyo na magkakalat ng iyong mga gastos sa loob ng isang itinakdang panahon, at ito ay nakakatulong sa iyo na maglaan ng badyet at pamahalaan ang iyong pera," ayon kay Andrew Dadswell mula sa Moneysmart ng ASIC.
"Ang downside ay mayroong bayad ang personal na mga loan at siyempre ay sisingilin ka ng interes."
Ang karaniwang halaga ng utang ay mula $2,000 hanggang $100,000, at ang mga panahon ng pagbabayad ay umaabot mula sa 2 hanggang 7 taon.
Kwalipikado ka ba para mag-apply ng personal loan?
"Upang mag-apply, kinakailangan kang maging isang permanent resident o Australian citizen e na may edad 18 pataas.
"May ilang sitwasyon kung saan, bilang isang temporary visa holder, maaari kang makakuha ng personal na loan, ngunit may karagdagang mga kinakailangan," sabi ni Dadswell.
"Ang mga lender ay interesado lamang sa iyong Australian credit history. Hihingi sila ng mga detalye tungkol sa iyong trabaho, patunay ng iyong pagkakakilanlan, at kung anong mga ari-arian at iyong mga utang, kasama na ang credit cards.
"Titingnan din nila ang iyong 'credit score'."

Credit report form on a desk with other paperwork. There are also a pen, glasses and a calculator on the desk Credit: courtneyk/Getty Images
Ano ang credit score?
"Isipin ito bilang isang snapshot sa iyong Australian credit history," sabi ni Amy Bradney-George, isang eksperto sa personal na pananalapi sa Finder.
"Ang iyong credit score ay isang numero na karaniwang nasa pagitan ng 0 at 1000, at ito ay nagbibigay ng benchmark sa mga lender para sa iyong kakayahan na responsableng pamahalaan ang credit."
Ang mas mababang credit score ay nangangahulugang mas mataas ang panganib para sa mga lender kaya't itataas nila ang interest rate.Amy Bradney-George
Ang iyong credit score ay bababa kung nakaligtaan mong bayaran ang iyong credit cards o mga nakaraang loans.
Bagaman maaaring nakakatukso na mag-apply sa ilang lenders nang sabay-sabay, maaaring bumaba ang iyong credit score dahil ito ay nagpapahiwatig na ikaw ay nasa ilalim ng financial stress.

Credit: Jacobs Stock Photography Ltd/Getty Images
Anong mga uri ng personal loans ang pwedeng ma-avail?
Dapat simulang mong mag-reaserch tungkol sa lenders, interest rates, mga bayarin, requirements, at loan terms o ilang taon babayaran ang utang.
Ang mga financial institution tulad ng mga bangko at mutuals ay nag-aalok ng iba't ibang uri ng personal loan na may competitive na mga interest rates.
"Ang mga bangko at mutuals ay nakatali sa mga regulasyon ng responsible lending upang tiyakin na kayang bayaran ng nagpapautang ang utang," paliwanag ni Paul Farmer mula sa Heritage and People's Choice na isang nagpapautang.
"Ang mga non-bank lenders ay nag-aalok din ng personal loan at karaniwan, mas madali ang kanilang mga kinakailangang dokumento para sa loan kumpara sa mga bangko. Gayunpaman, asahan mong magbayad ng mas mataas na interest rates o fees para dito."
May dalawang pangunahing uri ng personal loan na kailangan mong isaalang-alang: secured (may kasamang collateral) at unsecured (walang collateral).
- Secured loans ay ginagamit upang bilhin ang malalaking ari-arian tulad ng mga sasakyan. Ginagamit ng nagpapautang ang iyong ari-arian bilang collateral o garantiya - upang bawasan ang anumang panganib sa kanila kung hindi mo masusunod ang mga pangakong pagbabayad ng utang. Kung hindi mo nababayaran ang iyong utang, maaari nilang kunin ang iyong ari-arian. Karaniwan, may fixed na interest rates ang mga secured loans.
- Unsecured loans ang mga unsecured loans ay hindi nangangailangan ng ari-arian bilang collateral, kaya't karaniwan mas mataas ang interest rates.
"Iiiklian ng nagpapautang ang halaga na maaari mong utangin," sabi ni Ginoong Farmer. "Karaniwan, ang laki ng utang ay mula $2,000 hanggang $20,000."Pa-apply para sa isang loan
Kung tiwala ka na kayang pamahalaan ang mga pagbabayad ng utang, maaari kang mag-apply sa iyong piniling nagpapautang sa online at isama ang iyong mga dokumento.
Hindi kakaiba na ma-reject ang isang aplikasyon.
Sa pagsusuri ng iyong aplikasyon, maaaring sabihin ng nagpapautang na maliit ang iyong kita para sa mga pagbabayad, babala ni Ms. Bradney-George.
"At kaakibat sa kita, kung ikaw ay nasa hindi stable na trabaho, o hindi ka pa masyadong matagal sa iyong trabaho, maaaring isaalang-alang ng mga ito ang mga dahilang upang tanggihan ang iyong aplikasyon."

You can always discuss financial hardship options with your lender if times get tough. Source: iStockphoto / Atstock Productions/Getty Images/iStockphoto
Paano kung hindi ka makabayad sa itinakdang oras?
Ang late repayments ay may kaukulang mga additional fees.
Kung may mga pagbabago sa iyong finances at nahihirapan kang makabayad sa utang, mahalagang agad makipag-ugnayan sa nagpapautang sa iyo o lender.
Ang o tagasalin na serbisyo ang ang maaaring tumawag sa Helpline para sa iyo.
Mag-ingat sa scams
"Kapag ikaw ay kinokontak tungkol sa personal loan, suriin ang mga credentials ng kumpanya o ng taong kausap mo," sabi ni Andrew Dadswell ng Moneysmart.
"Huwag pumayag agad sa anuman. Palaging gawin ang iyong due diligence at kung ikaw ay may alinlangan, humingi ng tulong."
ay makakatulong para kilalanin ang scams at nagbibigay din sila ng payo kung ikaw ay tinatarget ng mga manloloko.