Ano ang gagawin mo kapag naligaw habang nagbushwalking?

Young man walking in arid desert landscape with photography backpack on an adventure in outback Australia

Ang bushwalking ang pinakamagandang paraan para masilayan ang malawak at katangi-taning ganda ng kapaligiran ng Australia ngunit, sa kabila ng mga pagsisikap marami pa ding mga tao ang naliligaw. Credit: Philip Thurston/Getty Images

Araw-araw may inililigtas na bushwalker sa Australia dahil naliligaw. Mababawasan ito sa pamamagitan ng maingat at sapat na paghahanda, ngunit kung naliligaw na alamin ang mga wais na paraan para mas madali kang mahanap.


Key Points
  • Maraming bushwalkers ang naliligaw araw-araw, ngunit ang maayos na pagpaplano ay makakapagligtas sa iyong buhay.
  • Kapag naligaw kumalma muna para hindi magkamali ng desisyon.
  • Kadalasan walang signal ang mga telepono sa bushlands, pero maaaring magrenta ng emergency beacon para sa kaligtasan.
  • Ang mga SES Bush Search and Rescue volunteers ay handang tumulong sa panahon ng pangangailangan.
Tinatayang nasa 95 porsyento ang nahahanap sa bushlands sa loob ng labing dalawang oras.

Ito'y sa tulong ng outdoor enthusiasts at volunteer tulad ni Caro Ryan Deputy Unit Commander ng NSW SES Bush Search and Rescue.

Si Ryan ay isang masigasig na tagapagturo sa paghahanda sa bushwalking.

"Mayroong isang madaling gamitin na acronym na dapat tandaan, at ito ay TREK o T-R-E-K."

T ibig sabihin Take o bitbitin ang kailanganin;
R para sa Register o i-rehistro ang iyong intensyons
E para sa Emergency communications o emergency beacon;
K para Know o alamin ang iyong rota at sundin ito.
Bushwalker with map_pixdeluxe Getty.jpg
Ang pagiging handa ay magpapataas ng posibilidad na agad mahanap kapag naligaw. Credit: pixdeluxe/Getty Images

Take - Bitbitin ang kinakailangan

Mga bagay na ilagaysa maliit na backpack:
  • Pakain kabilang ang snacks tulad ng mani at tsokolate 
  • Tubig – isang litro kada 3 oras 
  • Damit na makukulay para sa layers  
  • Sombrero at sunscreen 
  • Komportableng sapatos tulad ng pang-jogging o hiking boots
  • Raincoat 
  • Mapa at compass kung marunong kang mag-navigate, o i-download ang navigation app sa mobile phone  
  • First aid kit 
“At masarap kasama ang mga kaibigan," sabi ni Ryan.
Kapag mag-isang magbushwalking ay mapanganib, pero kung may kasamang iba mas mainam para may susuporta sa iyo.
Caro Ryan, Deputy Unit Commander, NSW SES Bush Search and Rescue
Ang apat na magkasama sa bushwalking ay tama. Dahil kapag may masugatan ang isa ay magiging kasama habang ang dalawa ay maghahanap ng makakatulong.
Asian Couple Exploring the Map
Mahalaga na ipaalam sa ibang tao ang iyong plano na pagbu-bushwalking. Credit: visualspace/Getty Images

Register - I-rehisto ang iyong intensyon

Maaari mong ipaalam sa National Parks and Wildlife Service, pulisya o matalik na kaibigan ang iyong pagbu-bushwalking.

Ibigay ang buong detalye kabilang ang rota na tatahakin at kung kailan inaasahan ang iyong pagbabalik. Ibigay din ang mga number ng kontak person mo.

Emergency beacons

Dahil kadalasan walang signal o reception ang mobile phone, ang mga bushwalker ay nagdadala ng Personal Locator Beacon (PLB).

Nagbibigay daan ito para matukoy ka ng satellite kung nasaan ang iyong lokasyon para na din makatawag ng saklolo kung kinakailangan.

“Kung magkakaroon ka ng malubhang problema maaari mong i-set off ang PLB,” sabi ni Kirsten Mayer, Executive Officer ng Bushwalking NSW.
Ang mga pulis ay gagawin ang lahat para hanapin ang mga naliligaw, maaaring gumamit ng helicopter para mahanap ang mga nawawala sa bushland kasama ang mga volunteers na nasa bushland.
Kirsten Mayer, Executive Officer ng Bushwalking NSW.
Ang device o PLB na ito ay maaaring ma-rentahan sa mga outdoor stores at national parks office o kaya sa mga police stations malapit sa national parks.

Maaari ding i-download ng libre ang . Bagama’t nangangailangan ito ng reception ng mobile phone para ito ay gumana, pero nagbibigay ito ng iyong lokasyon at makakatawag ka kung kailangan mo ng tulong.

Know - Alamin ang iyong ruta at sundin ito

"Nangangahulugan ito na alam mo kung saan ka pupunta at pati pagsunod sa mga palatandaan, mapa at higit sa lahat alamin kung anong oras lalabas sa lugar nang hindi binabago ang dinadaanan," sabi ni Caro Ryan.

“Tandaan ipinaalam mo sa iba ang iyong lakad para ang Emergency Services kung saan ka pupunta at hahanapin.
Dapat wais sa paghahanap ng bushwalk area na bagay sa iyong kakayahan.
Caro Ryan, Deputy Unit Commander, NSW SES Bush Search and Rescue
Ang isa sa mga pinakakaraniwang panganib na ginagawa ng mga tao ay ang pagpili ng maling terrain na bagay sa iyo.

“Iba ang hiking fitness, lalo na kapag maraming hagdan, matarik na terrain at may dala kaming backpack. Mas mahirap sa mainit na panahon."

Karaniwang mali ay inaakalanila kaya ng katawan nila pero hindi pala, sabi ni Ryan.

Suriin ang at kung baguhan sa hiking sa Australia, magsimula sa pinaka-madaling terrain.
SES Bush Search and Rescue, Blue Mountains_Nicole Bordes.jpg
Kung wala kang emergency beacon, gawin mo ang lahat ng iyong makakaya para madali kang makita kung naliligaw. Credit: Nicole Bordes

Ano ang gagawin kapag talagang naliligaw?

Ang una mong gawin ay umupo at kumalma. Uminom ng tubig at kung kakayanin gumawa ng tea, mungkahi pa ni Ryan.

“Habang nakaupo nakakatulong ito para makapag-isip ng tama at malinaw.”

"Ang pinakamasamang bagay na maaaring mangyari ay mawala ka sa konsentrasyon at nag-iisip na 'Sigurado ako na malapit na ito'. Iyon ang tinatawag nating 'baluktot ang mapa'."

Naaalala mo ba ang huling lugar kung nasaan ka? Marahil ay nakakita ka ng isang palatandaan o isang junction.

Kung maaari mong muling i-trace ang iyong mga hakbang sa isang maikling distansya, markahan ang iyong daan gamit ang mga bagay..

Kapag nanganganib ang iyong buhay, seguraduhing gawin mo ang lahat para madali kang mahanap. Hangga't may magandang panahon, ngpapalipad ang SES ng helicopter para hanapin ka.

SES volunteers_Raoul Wegat Getty .jpg
Humigit-kumulang 95 porsiyento ang natatagpuan na naliligaw sa loob ng 12 oras ng SES Bush Search and Rescue. Credit: Raoul Wegat/Getty Images
Ang pagsusuot ng makukulay na mga damit ay makakatulong para madaling mahanap mula sa himpapawid.

Maaari ding magsindi ng sulo o flash ng camera at ilatag ang mga makukulay na damit o bagay sa lupa para madaling makita mula sa itaas.

Kung ikaw naman ay nasugatan o naabutan ng masamang panahon, maghanap ng lokasyon na masisilungan.

Kung basa ang suot mong damit, magbihis at magsindi ng apoy o bon fire para mainitan, makakatulong din ito para mas madali kang mahanap.

Dapat sobra ang dalang supply na pagkain at tubig, dahil kapag nawala ka, kailangan mong may sapat na supply nito, dahil kailangan mong maghintay sa sasaklolo sa’yo.

Mga dapat kumpletuhin bago magbushwalking

Kumuha ng first aid course para maaaring maalagaan ang sairli at ang mga taong nakapalibot sa'yo.

At makisali sa bushwalking club, dagdag payo ni Kirsten Mayer.

" Dapat grupo kapag magbushwalking para maging ligtas. May mga tutulong sa inyo para turuan kayong gumamit ng compass at mapa, tuturuan din kayo ng basic first aid at kung paano maka-survive sa loob ng bushland. Higit pa rito, dadalhin ka nila sa mga kamangha-manghang lugar na hindi pinupuntahan ng karamihan ng mga tao."
Bushwalking group_andresr Getty.jpg
Isang magandang ideya na sumama sa bushwalking group para masilayan ang kagandahan ng bansang Australia. Credit: andresr/Getty Images

Resources

LISTEN TO
Bushwalking takes you closer to nature image

Bushwalking takes you closer to nature

SBS Filipino

11:42

Share