Ano ang legal system ng Australia?

Australia Explained: Australian Legal System

Equality before the law and fairness are two of the basic principles observed in the Australian legal system. Source: Moment RF / Rae Allen/Getty Images

Pamilyar ka ba sa legal system ng Australia? May mga batas ay ipinapatupad sa buong bansa, pati na rin sa bawat estado at teritoryo.Bukod dito, may mga magkatulad na istruktura ng mga federal at state courts. Alamin kung paano gumagana ang sistema ng batas, mula sa pag-unawa sa mga batas ng Australia hanggang sa pag-access ng legal assistance.


Key Points
  • May iba't ibang uri ng batas na namamahala sa Australia, ito ay ang statute law na ginagawa ng parliyamento, delegated law na ginagawa ng gobyerno, at common law na ginagawa ng mga korte.
  • Ang legal system ng Australia ay may dalawang magkatulad na hanay ng panukalang batas at korte, ito ay nagpapakita ng katotohanang ang Commonwealth of Australia ay isang pederasyon ng mga estado at teritoryo.
  • Mayroong iba't ibang opsyon para sa pag-access ng legal advice at suporta, anuman ang iyong kalagayang pinansyal.
Ang legal system ng Australia ay binubuo ng iba't ibang mga indibidwal at institusyon. Sa kabila ng kanilang magkakaibang tungkulin at antas o hierarchy, lahat sila ay nagtutulungan upang mapanatili ang pundasyon ng legal system: ang rule of law.

“The rule of law means that the law applies equally to all people, it is applied by impartial, independent courts and… is passed in a procedural way,” paliwanag ni William Partlett, ang Associate Professor ng University of Melbourne Law School.
Australia Explained: Australian Legal System
The Constitution is Australia’s fundamental legal document, that sets up the structures of our government, including parliamentary procedures for creating legislation, Dr Partlett explains. Credit: Kokkai Ng/Getty Images
Ang Parliament procedures para sa paglikha ng batas sa parehong antas ng Commonwealth at estado ay nakasaad sa fundamental legal document, ito ay ang Konstitusyon.

Ang mga batas na ipinasa ng parliyamento, na kilala bilang Acts of Parliament, ay tinatawag na 'statute law'. Bukod dito, ang mga batas na nililikha sa pamamagitan ng mga interpretasyon ng hukuman ay tinatawag na 'case law'.

Australia Explained: Australian Legal System
In Australia, when a court decision is made, this is binding on future lower courts in the application of that law, unless Parliament changes it Credit: RUNSTUDIO/Getty Images
Mayroon ding 'delegated,' o subordinate, na panuklang batas na ginagawa ng executive government.

Halimbawa, ang mga Ministers ay gumagawa ng mga batas sa anyo ng mga regulasyon sa ilalim ng awtoridad ng isang Act of Parliament.

Federal at state laws at korte

Sa Australia, ang ilang mga batas ay ipinapatupad sa buong bansa, habang ang iba ay magkakaiba sa bawat hurisdiksyon.

Karaniwang halimbawa ng batas na nagbabago depende sa iyong estado o teritoryo ay ang mga batas trapiko sa mga kalsada.
Australia Explained: Australian Legal System
Most criminal cases are dealt with by state and territory courts in Australia. Credit: Light Bulb Works/Getty Images
Ang federal system ng Australia ay makikita rin sa court structures nito , kung saan ang High Court ang nagsisilbing ultimate forum of appeal sa lahat ng antas o lebel.

Pagdating sa criminal law, karamihan sa mga usapin ay tinatalakay sa estado o teritoryo.

Ganun din ang legal proceedings ng mga criminal cases na karaniwang sinisimulan sa estado. Pero hindi ganito ang civil case, na kinasasangkutan ng mga alitan sa pagitan ng mga indibidwal at organisasyon, tulad ng mga alitan sa ari-arian, breach of contract, at worker’s compensation cases.
Australia Explained: Australian Legal System
Disputes including breach of contract, motor vehicle accidents, worker’s compensation cases and property disputes are examples of civil law cases. Credit: Lighthousebay/Getty Images

Pag-access ng legal assistance

Hindi tulad ng mga civil cases, ang mga kasong kriminal ay binibigyang prayoridad sa mga government-subsidised , kabilang ang mga Legal Aid Commission sa bawat hurisdiksyon at mga Commonwealth legal financial assistance schemes.

Kung nangangailangan ng legal representation o abogado sa kanyang kaso ngunit hindi kayang magbayad at hindi din eligible para sa government-funded programs ay maaaring maghanap ng mga abogado sa kanilang lugar na nagbibigay ng pro bono assistance.

Sa anumang kaso, kapag kumukuha ng legal practitioner mainam na tiyakin ang bisa ng kanyang mga credentials.
Australia Explained: Australian Legal System
There are law firms who deal with cases on a no win - no fee basis, particularly in matters of personal injuries, motor vehicle accident cases and workers compensation cases, says Mr McIntyre. Credit: Jacobs Stock Photography/Getty Images
Ang isang pang opsyon ay ang community legal centre, kabilang dito ang sa bawat estado at teritoryo, na nag-specialise sa pagbibigay ng legal support para mga kaso ng family violence.
Australia Explained: Australian Legal System
Everyone has access to advice and information on their legal matter from the Legal Aid Commission in their place of residence, free of charge Credit: Thurtell/Getty Images
Sa mga maliliit na kasong kriminal o sibil, tulad ng kapag kinukuwestiyon ang isang multa sa korte o para sa mga alitan na may mas maliit na halaga ng pera, maaaring piliin ng mga tao na humarap sa korte na walang abogado at kakatawan sa kanilang sarili.

Huling payo ng mga eksperto na palaging kumuha ng legal advice, lalo na kung hindi ka pamilyar sa legal system ng Australia.

“But I would always encourage people to get some advice before dealing with the matter by themselves or going to court.”


Iba't ibang serbisyong pinondohan ng gobyerno ang maaaring makatulong sa mga tao na may mga isyu sa batas.


Bisitahin ang para sa komprehensibong listahan ng mga tagapagbigay ng legal na tulong, kabilang ang mga Legal Aid commissions at mga specialist domestic violence legal services.

Share