Key Points
- Ang lupa ay bahagi ng mga First Nations people na bumubuo sa kanilang pagkakakilanlan at pakiramdam ng pagiging bahagi ng komunidad.
- Ang ugnayan ay nagmumula sa mga kwento na ipinamana sa pamamagitan ng mga henerasyon.
- Dapat bisitahin ang mga sagradong lugar para sa dagdag kaalaman at kahalagahan nito.
Ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander people ay naninirahan sa Australia higit 60,000 taon, ngayon pilit niyayakap nito ang nagbabagong anyo ng kapaligiran.
Ayon kay Aunty Deidre Martin isang Walbanga woman mula sa Yuin Nation, bilang isang respetadong Elder at isang Aboriginal discovery ranger na nagtatrabaho sa National Parks and Wildlife Service sa sa New South Wales.
Ang lupa ay hindi isang bagay na pag-aari, kundi isang bahagi ng kanyang pagkatao na dapat igalang at alagaan.
Hindi namin pag-aari at hindi kailanman magiging pag-aari ang lupa. May tungkulin kaming protektahan ang lupa. Ang aming Bayan sa lupa ay nagbibigay sa amin ng pagkain, tubig, tirahan, at marami pang iba.Aunty Deidre Martin
"Ang lupa ay isang terminolohiya, ngunit ito'y dumadaloy sa ating mga ugat. Ito ang ating unang hininga, at ito rin ang huling," ang sabi niya.
Aunty Deidre Martin is an Aboriginal discovery ranger. Credit: Aunty Deidre Martin.
"Kapag nagbabalik ako mula sa Sydney, pagka ikot ko sa Kiama bend, tumitingin ako sa baybayin, at ang pakiramdam ng pagkakakilanlan ay biglang bumabalot sa akin, at iniisip ko... nasa bahay na ako," dagdag pa niya.
Si Desmond Campbell, isang proud Gurindji at Alawa-Ngalakan mula sa Northern Territory, ay nagpapahayag ng mga katulad na emosyon kapag bumabalik sa kanyang lupa.
Ang CEO ng , na ngayon ay nakabase sa Sydney, ay nagsasabi na nagkakaroon siya ng "goosebumps" kapag iniisip ang pagiging nasa kanyang Bayan o Country.
"Bagamat hindi kami lumaki roon nang permanente, para bang kahapon lang kami naroon. Kilalang kilala na namin. At nararamdaman mo lang ang kaligtasan. Pakiramdam mo nasa lugar ka na maaari kang maging ikaw kung sino ka bilang isang taong Aboriginal," paliwanag ni Campbell.
Bagaman nananatili ang koneksyon sa kanyang Bayan kahit sa malayo, binigyang-diin ni Campbell ang kahalagahan ng regular na pagbalik sa kanyang pinagmulang lupa, hindi lamang para sa pagpapatibay ng kanyang kultura at wika kundi pati na rin sa itinataguyod nitong malalim na espirituwal na koneksyon.
"Ito ay nagpupuno sa akin, nagpupuno sa aking espiritu. Ito ay nagpapahintulot sa akin na mabuhay sa isang lugar tulad ng Sydney at magtrabaho para sa isang organisasyon tulad ng Welcome to Country... Kailangan kong panatilihin ang aking kultura at wika at mayroon itong integridad. At maaari ko lamang gawin iyon sa pamamagitan ng pagbabalik sa aking pinagmulan paminsan-minsan," sabi niya.
CEO of Welcome to Country, Desmond Campbell. Credit: Desmond Campbell.
Ang kwento tungkol sa lupa
Ang koneksyon ay nagmumula sa mga kwento na ipinamana sa pamamagitan ng mga henerasyon, paliwanag ni Campbell.
Idinagdag niya na depende sa lupang pinanggalingan mo, ang mga kwento, ang mga espiritu, at ang mga koneksyon ay nag-iiba-iba.
"Ang aking panig na Gurindji, na nasa panig ng aking ama, ay dessert Country. Ang mga hayop ay iba, ang mga panahon ay iba, kaya ang mga kwento ay iba rin [sa panig ng aking ina]."
Sinabi ni Campbell na ang mga kwentong ito ay may kasamang kaalaman at mga aral tungkol sa lupa, tulad ng kung kailan at ano ang dapat hanapin at ang mga mangyayari kung magsiga ng apoy sa maling panahon.
Si Bradley Hardy ay isang proud Ngemba, Ualarai, Kooma, at Kamilaroi na lalaki at isang modern-day custodian ng na matatagpuan sa tabi ng Barwon River.
Iniuri niya ang ilog bilang kanyang "dugo at pagkakakilanlan".
Patuloy na nagkukuwento si Hardy ng mga kwento at kasaysayan ng kanyang lupa, habang nagtatrabaho bilang isang local guide para sa.
Sinabi niya, kailangan niyang panatilihin ang mga kwento sa pamamagitan ng pagpasa nito sa susunod na henerasyon.
"Ang paglalakbay ay hindi tungkol sa akin, kundi tungkol sa pagpaparangal sa aking mga ninuno, pagbabahagi sa mga kabataan, at pagtatag ng isang plataporma para sa mga kabataan upang ipagpatuloy ang pagbabahagi ng ating kasaysayan sa buong mundo, at ito ang ating tungkulin na gawin," paliwanag ni Hardy.
Bradley Hardy and Brewarrina Aboriginal Fishing Traps. Credit: Bradley Hardy.
Pag-unawa sa sagradong lugar
Ang mga Aboriginal fish traps sa Brewarrina ay isa sa pinakamatandang likas na gawa ng tao sa mundo. Binubuo ito ng mga bato na strategically na inilagay
sa U at C-shapes, hindi lamang upang itaboy at hulihin ang isda kundi pati na rin upang payagan ang ilang isda na makatawid at magpatuloy sa kanilang cycle ng buhay, paliwanag ni Hardy.
Dito rin nagtitipon ang maraming tribo.
Ito ay isang sagradong lugar, kailangan nating subukan at protektahan ito. Ito ay napakahalaga para sa ating mga tao. Ang aming pangunahing tungkulin ay hindi lamang ipaalam sa mga tao tungkol dito at panatilihin itong umuunlad sa gitna ng aming mga kabataan, kundi para sa buong mundo [na malaman] na ang mga ito ay espesyal na mga lugar.Bradley Hardy
Sinabi rin ni Aunty Deidre ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mga sagradong lugar bago bisitahin ang mga ito.
"Ito ay mga lugar na may kaalaman na hindi mo maaaring bisitahin hangga't hindi mo nakuha ang kaalaman, tulad halimbawa ng lugar para sa mga lalaki at babae," paliwanag niya.
Silhouette image of First Nation Australian aboriginal people, father and son, going to hunt seafood in Cape York, Queensland, Australia. Credit: Rafael Ben-Ari/Getty Images Credit: Rafael Ben-Ari/Getty Images
Sinabi ni Aunty Deidre na kanyang responsibilidad na ituro sa komunidad ang tungkol sa mga sagradong lugar na ito, at tunay na masaya siyang ibahagi ang kanyang kaalaman sa mga bisita.
Sa mas malalim na pag-unawa sa lupa ng mga First Nations at ang kahalagahan nito ay maaaring mabukas ang isang kayamanan ng kaalaman. Gayunpaman, mahalaga na harapin ang mga Indigenous sacred sites ng may respeto at humingi ng gabay mula sa lokal na Indigenous communities o land councils.
"Kung ito man ang mga fish traps o iba pang kasaysayan sa iba't ibang lugar, gusto namin na ang mga tao ay pumunta at tunay na makuha ang tamang impormasyon sa aming kasaysayan. Gusto namin na ang mga tao ay lumabas at matuto tungkol sa mga bagay na ito pati na rin na maging maingat at magrespeto sa aming mga bagay na aming gingawa," dagdag paliwanag ni Hardy.