Key Points
- Ang legal age sa Australia ay 18, para sa ilang partikular na bagay, ngunit ang edad para sa mga karapatan at responsibilidad ay maaaring magkaiba sa mga estado at teritoryo.
- Ang eligibility para sa social security payments ay nagbabago pagkatungtong sa edad 18 para sa mga kabataan at kanilang pamilya.
- Ang transition sa adulthood ay gradual o paunti-unti at ang mga social markers, kabilang ang malayang pamumuhay, ay madalas nakakamit sa bandang huli ng buhay.
Sa ilalim ng batas, kapag nakatungtong sa edad na labing-walo, wala ng responsibilidad ang mga magulang o tagapag-alaga sa iyo.
si Kate Richardson ang Senior solicitor ng Youth Law Australia, na syang pambansang online community service na naghahatid ng libreng legal na imporasyon at serbisyo sa mga kabataang may edad 25 taong gulang pababa.
Ipinaliwanag niya kung ano ang pagkakaiba ng isang nasa hustong gulang sa ilalim ng batas.
Bilang isang nasa hustong gulang o adulthood, ikaw ay nagsasarili. Ibig sabihin, responsable ka para sa iyong sarili at sa iyong mga kinikilos at pag-uugali. Habang ikaw ay wala pang 18 taong gulang, sa ilang mga sitwasyon, ang bata o kabataan ay nabawasan ang kapasidad sa ilalim ng batas.Kate Richardson, Senior solicitor ng Youth Law Australia
Legal na edad at nasa hustong gulang
Sa buong Australia, nagiging compulsory ang pagboto kapag nakatungtong 18 taong gulang. Ito din ang legal age para maaari ng ng magsugal, makabili ng sigarilyo at makabili ng alak.

Magkaiba man ang kultura at tradisyon ng mga pamilya, ngunit, sa pangkalahatan dito sa Australia ang ika-18 kaarawan ay itinuturing na milestone na pagdiriwang, na susundan ng ika-21at ika-30. Credit: Getty Images/BFG Images
"Maliban kung ang alak ay ibinibigay ng isang magulang o tagapag-alaga, o isang taong binigyan ng pahintulot ng magulang o tagapag-alaga.
"May ilang maliliit na pagkakaiba sa iba't ibang estado at teritoryo, lalo na tungkol sa pag-inom sa ilalim ng pangangasiwa ng isang nasa hustong gulang sa pribadong lugar," sabi ni Ms Richardson.
Ayon kay Steven Roberts na isang Propesor ng Education and Social Justice sa Monash University, at nagpakadalubhasa sa transition ng mga kabataan, mula bata hanggang adulthood.
Sinabi nito nag-aalala man ang mga magulang sa panganib na dala ng pag-inom ng alak , makakabuting turuan ang mga anak sa panganib, at dapat maging makatotohanan ang payo tungkol sa pag-inom.
Mungkahi nito dapat ipakita ang best practice sa mga anak kabilang na ang pag-inom na may disiplina o drink responsibly. Sa ganung paraan, makakatulong ito para maging maayos ang transition ng mga anak.
"Maaari rin nilang kausapin ang kanilang mga anak tungkol sa paghahanap ng mga paraan upang bantayan ang isa't isa sa kanilang grupo sa pagkakaibigan kung saan naroon ang paggalang at pangangalaga s group. Sa hugtong ito mahalaga ang pagtitimpi, komunikasyon at pag-unawa."
Centrelink payment eligibility sa edad na 18
Kapag ang anak ay nakatungtong na sa edad na labing-walo, maapektuhan na ang access ng pamilya sa social security na mga benepisyo mula sa gobyerno.
Ayon kay Hank Jongen (yongen), ang General Manager of Services Australia, halimbawa dito ang , kung saan nakakakuha ng benepisyo ang magulang habang pinapalaki ang mga anak.
Ang Part A ang bawat bata ay binibigyan ng benepisyo o pera ng gobyerno at tinatapos ito kapag tapos na sa Year 12 o ang equivalent qualification, habang ang Part B ay ang gobyero ay nagbibigay ng benepisyo o pera sa bawat pamilya.
"Ito ay talagang depende sa mga indibidwal na kalagayan ng pamilya, kung gaano katagal ang Part A at Part B ay magpapatuloy, ngunit ang mga ito ay tinasa nang hiwalay,” sabi ni Jongen.

Ang pagpasa sa income test ay kabilang sa kinakailangan para makakuha ng Family Tax Benefit. Credit: Getty Images/Traceydee Photography
Sa legal term kapag labing-walo na ay independyente na o maaari ng magsarili pero sa usaping payment eligibility dapat may mga magulang pa din na nakatutok dito, dagdag paliwanag ni Jongen.
Alinman bilang full-time na estudyante,o naghahanap ng trabaho isina-alang-alang pa din ang mga ito na dependent hanggang sa edad 22 taong gulang. Ibig sabihin nito isina-alang-alang natin ang kita ng magulang sa pag-assess ng eligibility,Hank Jongen, General Manager ng Services Australia
Hinihikayat ni Jongen ang mga batang nasa 18 taong gulang na , para tamang impormasyon at makapag-apply sila para sa sarili ng suporta mula sa gobyerno.
“Kapag ang wikang English ay second language, at kailangan ng interpreter, tumawag lang sa amin sa numbero 131 202. Libre ang interpreter service sa higit 200 na lengwahe.”

Ang mga batang may edad 16 hanggang 24 taong gulang na full-time Australian Apprenticeship ay maaaring eligible para sa Youth Allowance. Credit: Getty Images/JohnnyGreig
Ang transisyon sa pagiging adult ay unti-unti
Kapag anf isang bata aymaktungtong na sa 18 taong gulang sa Australia, ito ang legal na edad para sa ilang partikular na bagay, tulad ng pagmamaneho, ay maaaring mas bata at magkaiba sa bawat estado.
Sinabi ni Propesor Roberts na ang mga unang binibigay na karapatan at obligasyon ay ginagawang unti-unti at minsan ay kumplikado sa transisyon ng adulthood.
“Halimbawa, ang mga batang nasa 16 taong gulang ay may pahintulot na makikipag-talik, subalit hindi to pinapayagang manuod ng pelikula na puno ng kalaswaan hanggang sa edad na 18. At kapag 18 taong gulang na, mas tataas na sahod kumpara noong 16 o 17 taong gulang sila, pero ang full adult pay ay matatamasa nila hanggang sa edad na 21 taong gulang."
Sabi ni Propesor Roberts, ang pagkakaroon ng full-time job, mamuhay ng mag-isa o independent o magkaroon ng sariling pamilya ay isang social marker na hindi na uso sa mga kabataang nasa 18 taong gulang ngayon, kumpara sa mga nakalipas na mga henerasyon.
Karaniwan para sa mga social marker ng adulthood ay makakamit sa ibang pagkakataon at panahon, sa kanilang 20s, o kahit 30s.Steven Roberts, Propesor ng Education at Social Justice sa Monash University
Sa ilalim ng batas, sabi ni Richardson, ng pagtungtong sa ika-18 ay hindi nangangahulugan na kinakailangang gawin mo ang lahat ng bagay.

Sinabi ni Prof Roberts dumarami ang bilang ng mga kabataan na hindi lamang inaantala ang pagkamit ng mga social marker, tulad ng pagpapakasal, dahil marami sa kanila ay tinatanggilan itong gawin. Credit: Getty Images/FatCamera
“Hindi ibig sabihin na nakatungtong ka na sa edad na labing-walo ay kailangan mong gawin ang …
- pakikipagtalik
- magkaroon ng trabaho
- magkaroon ng sariling bank account
- umalis sa eskwelahan o hindi na mag-aral
- magsarili at umalis ng bahay
- masampahan ng kaso dahil sa kremin
- makakuha ng libreng legal advice na wala ang mga magulang o guardian
- pahintulot para sa medikal na pagpapagamot”
"Halimbawa, ang isang indibidwal ay maaaring mabigyan ng pahintulot para gawin ang medical treatment habang nasa 18 taong gulang na, kung iniisp ng doktor na naiintindihan nito ang mga pakinabang at panganib ng treatment, at kapag gumagawa ng desisyon ito, isinasaalang-alang ng doktor ang iba't ibang mga kadahilanan," sabi ni Ms Richardson.
Laging ipinapayong suriin kung ano ang naaangkop para sa iyo o sa iyong anak batay sa iyong kalagayan, kapag walang batas na tumutukoy sa legal age.

Sa edad na 18 taong gulang, maaari ng makakuha ng pasaporte kahit walang pahintulot ng magulang o guardian. Naaangkop din ito para sa mga wala pang 18 taong gulang sa hanay na may mga espesyal na pangyayari o sitwasyon. Credit: Getty Images/MStudioImages
Ikaw ba ay isang young adult o magulang na nangangailangan ng tulong suporta?
- Binalangkas na resources para sa mga karapatan ng young adult maaari itong ma-access sa
- Ang ibang estado ay may itinalagang youth Legal Services kabilang ang , at .
- Para sa pambansang factsheets tungkol sa mga legal problems at payo sa mga kabataan bisitahin ang .
- Ang mga magulang ay makakahanap din ng kapaki-pakinabang na impormasyon sa tungkol sa batas at karapatan ng mga bata. Ito ay isang government-funded online parenting resource, .
- Para sa libreng tawag at online counselling kabataang nasa edad 5 – 25 taong gulang, tumawag sa sa 1800 55 1800.