Key Points
- Ang kagat ng anumang malaking black spider ay dapat ituring bilang isang medical emergency.
- Ang anumang kagat ng ahas ay dapat ituring bilang potensyal na banta sa buhay, kaya bilang first aid lagyan ng pressure immobilisation bandage.
- Maaaring ma-access ang medical assistance kapag nakagat ng hayop o insekto sa buong bansa, pati na sa mga malalayong lugar.
Ang bansang Australia ay kilala na tahanan ng mga pinakamakamandag na hayop sa buong mundo.
Pero sabi ni Dr Darren Roberts ang Medical Director ng New South Wales Poison Information Centre maituturing na mas mapalad ang Australia kung pag-uusapan ang panganib na dala ng gagamba o spiders.
“Ang funnel-web ay mapanganib, samantala ang redback spiders ay ganun din, may mga nadadala sa ospital, pero may mga naaagapan naman at hindi namamatay dahil mababa ang lason o kamandag na naiturok sa tao."

Pinabulaanan sa lumabas na resulta ng pananaliksik tungkol sa redback spider, bagama't naglalaman ang mga ito ng lason, hindi agad ito nararamdaman ng tao, maaaring ilang oras pa ito mararamdaman at karaniwang hindi kinakailangan ng medical attention, maliban kung may sintomas ng impeksyon o lumubha ang sintomas. Credit: Getty Images/Jenny Dettrick
Tinatayang nasa 100 sa 172 na uri ng ahas sa Australia ay makamandag, at lumalabas na dalawa ang namamatay kada taon.
“Alam namin ang ahas na mga ito ay nakakalat sa buong bansa, nariyan sila kung saan naroon din naninirahan ang mga tao, kaya malaki ang posibilidad na may encounter na mangyayari sa tao at ng ahas. Buti na lang ang makagat ng makamandag na ahas ay hindi madalas o pangkaraniwan," sabi ni Dr Roberts.

"Ang mga ahas ay may napakakaunting dahilan upang pumasok sa mga bahay ng mga tao." Sinabi ng propesyonal na snake catcher na si Gianni Hodgson na 90% ng mga tawag na natatanggap niya ay para sa pag-alis ng ahas mula sa likod-bahay Credit: Getty Images/Andrew Balcombe / EyeEm
First aid ng kagat ng gagamba
Habang karamihan sa mga gagamba sa Australia ay nagdudulot lang ng kaunting panganib sa tao, mahalaga pa rin na alam ang gagawin kapag nakagat ng mga ito.
Payo ni Dr Roberts sa pangkaraniwang kagat ng gagamba maliban na lang sa funnel-web spider, " hugasan ng antiseptic ang nakagat, suriin kung updated ang tetanus vaccine at hintayin ang mga sintomas na pinapakita ng pasyente pagkatapos makagat."
Kapag nakitaan ng sintomas o may impeksyon agad dalhin sa pinakamalapit na ospital.
Ang sakit kung saan nakagat ng gagamba ay karaniwan lamang pero dapat itong lagyan ng ice pack (balutin ng malinis na tela) o cold compress sa loob ng 15 minuto dahil nakakatulong ito para mapawi ang sakit.

Ang mga kagat ng gagamba (maliban sa funnel-web) ay maaaring maging napakaselan na hindi ito agad nararamdaman ng mga tao hanggang sa kalaunan, sabi ni Dr Roberts. Credit: Getty Images/Stefania Pelfini, La Waziya Photography
Kaya kapag nakagat ng ng big black spider o funnel-web dapat agad tumawag ng ambulansya at itakbo sa ospital ang biktima dahil namemeligro ang kanyang buhay.
Ang kagat ng funnel-web ay sobrang sakit, nagdudulot ng pagbilis ng heart rate, pagsusuka at pagkahilo, pagpapawis, hirap sa paghinga, nakakaramdam na ng tingling sa may labi, at minsan humihina ang kalamnan at nanginginig.Dr Shaun Francis, The Royal Flying Doctor Service, Queensland

Ang mga funnel-web spider ay matatagpuan sa paligid ng Sydney at sa silangang baybayin. Ang iba pang big black spider ay matatagpuan sa buong Australia. Credit: Getty Images/Image Created by James van den Broek
- “ I-apply ang pressure immobilisation bandage, itali ito sa buong parte ng nakagat, at paitaas at pababa.
- Dapat nakahiga ang nakagat na pasyent, habang naghihintay ng pagdating ng ambulansya
- Huwag silang ipatayo o ipalakad. Dahil possibleng magpapabilis ito ng pagkalat ng lason sa katawan.”
Hanggang sa dumating ang ambulansya, subukang i-immobilise ang nakagat na paa, mas mabuti sa pamamagitan ng splinting.

Ang isang pressure immobilization bandage, hindi isang tourniquet, ay ginagamit para sa kagat ng funnel-web spider pati na rin sa makamandag na kagat ng ahas upang ihinto ang sirkulasyon ng lason sa katawan. Credit: Getty Images/Lisa Maree Williams / Stringer
Anong mangyayari kapag nakagat at nasa liblib at malayong na lugar?
Ayon naman kay Dr Shaun Francis, myembro ng Royal Flying Doctor Service sa Queensland, na 24/7 nagbibigay ng serbisyo sa mga tao kahit pa sa mga malalayo at liblib na lugar.
Ang kagat ng gagamba ay pangkaraniwan sa outback o malalayo at liblib na lugar at kadalasan hindi nasasabi kung anong uri ng gagamba ang nakakagat sa kanila, sabi ni Dr Francis .
Sa una, mayroong mararamdamang antas ng sakit sa bahagi ng nakagat, ilang pamumula at pamamaga, at hindi nalalaaman kung anong uri ng kagat.Shaun Francis, The Royal Flying Doctor Service, Queensland
Ang paglitaw ng mga systemic na sintomas, ay nagpapahiwatig ng nasa loob na ng tao ang lason at maaaring mag-trigger ng interbensyon sa kalusugan sa aeromedical na transportasyon ng pasyente, paliwanag ni Dr Francis.
"Kapag mayroong higit pa sa sakit, nagsisimula tayong mas mag-alala at kadalasan ay maaaring magsimula sa pagpapawis. Ang isang funnel-web bite, halimbawa, ay uunlad sa pamamanhid sa paligid ng bibig, posibleng pagduduwal at pagsusuka, pananakit ng tiyan o dibdib.
"Iyon ay isang trigger para sa amin upang mamagitan at pagkatapos ay higitan ang pangangalaga, kung ihahambing sa isang kagat ng ahas, kung saan kahit na wala ang mga sintomas na iyon, ililipat namin ang isang pasyente sa mas tiyak na pangangalaga," sabi ni Dr Francis.

Sa outback, lahat ng emergency na tawag para sa kagat ng ahas ay nag-trigger ng medical response para sa pinaghihinalaang pagkalat ng lason sa katawan ng tao. Credit: Getty Images/kristianbell
First aid ng kagat ng ahas
Ang ilang kagat ng ahas ay dry, ibig sabihin, ang ahas ay nangagat ay walang kamandag na inilalabas.
Ngunit nagbabala si Dr Francis na maaaring mapanganib na ipalagay na ang kagat ng ahas ay hindi makamandag. Dapat sa lahat ng pagkakataon ang kagat ng ahas ay dapat ituring bilang potensyal na banta sa buhay.
Narito ang tatlong hakbang na dapat gawin kapag nakagat ng ahas:
- I-apply ang pressure immobilisation band
- I-immobilize ang nakagat na paa, mas mabuti sa pamamagitan ng splinting
- Tumawag sa triple zero (000).
Ayon sa propesyonal na snake catcher na si Gianni Hodgson, kahit na ang hindi makamandag na kagat ay maaaring magdulot ng mga problema.
“Maaaring ang mga alagang hayop na naka-encounter sa kanila, baka nakagat ang bata. At maaaring hindi makamandag ang ahas ngunit maaari silang magkaroon ng bakterya."
Ano ang hindi dapat gawin kapag nakakita ng ahas
Ang mga ahas ay posibleng hindi umatake maliban kung nakakaramdam sila ng panganib o takot. Karamihan sa nangyaring pag-atake ng ahas kapag sinubukan ng mga tao na patayin o hulihin ang ahas.
Ang pinaniniwalaang ang ahas ay nanghahabol ng tao ay mali at isang kuru-kuro, sabi Hodgson.
Ang tanging pagkakataon na masasabing ang ahas ay parang lumalapit sa iyo kapag sinusubukan nilang umalis para pumunta sa ligtas na lugar. At kahit nasa harap ka nila hindi nila alam na naroon ka.Gianni Hodgson, professional snake catcher
Mga tips na dapat gawin kapag nakakita ng ahas, ayon kay Hodgson:
- “Huwag gumawa ng ingay, dahil kapag nalaman ng ahas na naroon ka agad nagbabago ang kanilang mode at agad itong maging defensive mode, dahilan para umatake sila.
- Kumilos papalayo sa lugar.
- Kapag hindi mo sinasadyang nakatayo malapit sa ahas, huwag gumalaw (play dead). Hayaan mong umalis papalayo ang ahas, dahil hindi pa nila naramdaman na naroon ka sa lugar.
Sinong matatawagan kapag nakagat ng ahas o gagamba
- Kung hindi alam kung ano ang gagawin matapos makagat ng gagamba, tumawag sa nationwide Poisons Information centre helpline sa 13 11 26.
- Kapag nakagat ng kahit anong uri ng ahas at sa lahat ng kaso ng emergency, tumawag sa triple zero (000).
- Kung naninirahan sa malalayo at liblib na lugar malayo sa ospital, makipag-ugnayan sa Royal Flying Doctor Service sa 1300 My RFDS (1300 69 7337).