Ano ang mga digmaan sa Australia at bakit hindi ito kinikilala ng kasaysayan?

AusWars_16x9.jpg

The Australian Wars documentary Credit: Blackfella Films

Ang Frontier Wars ay isang terminong tumutukoy sa mahigit 100 taon ng marahas na mga labanan sa pagitan ng mga kolonyal na mananakop at mga Indigenous noong panahon ng pananakop ng mga Briton sa Australia. Bagaman kinikilala ng Australia ang pakikilahok nito sa mga digmaang sa ibang bansa, hindi pa nito kinikilala ang pakikibakang humubog sa bansa kung ano ito ngayon.


Key Points
  • Ang mga Australian Wars ay maaari lamang kilalanin matapos hamunin at ibasura ang proklamasyon ng ‘Terra Nullius’ sa legal na paraan.
  • Ang mga Australian Wars ay naganap sa buong kontinente, mula sa pagdating ng first fleet noong 1788, hanggang kalagitnaan ng dekada 1930.
  • Ang mga kolonyal na talaan at mga ebidensyang arkeolohikal na natuklasan ng mga pangkat ng mga eksperto ay nagpapakita ng kakila-kilabot na uri ng labanan.
Babala sa Nilalaman: Ang episode na ito ay naglalaman ng mga pagbanggit sa karahasan na maaaring makapagbigay ng pagkabalisa sa ilang tagapakinig.. 

Nang unang sa baybayin ng tinatawag na ngayong Australia, idineklara niya ang malawak na lupaing ito bilang 'Terra Nullius', o no mans land. Gayunpaman, ang kontinente ng isla ay tahanan ng daan-daang iba't ibang mga bansa at angkan ng mga Aborihinal at Torres Strait Islander — daan-daang libong mga katutubo na agad na itinuring na ‘mga alipin’ ng Bristish Crown.

Ito ang naging mitsa ng mga , ang malulupit na labanan sa pagitan ng mga katutubo at mga mananakop na nagbigay-daan sa pundasyon ng Australia. Isang kasaysayan na ngayon pa lamang nagsisimulang kilalanin.

Ang Rachel Perkins, ay isang Arrernte at Kalkadoon woman na may lahing Europian. Ipinrodyus niya ang “The Australian Wars,” isang serye ng dokumentaryo na naglalarawan sa kalikasan ng pakikibaka ng mga Indigenous peoples sa pagtatanggol ng kanilang mga lupain mula sa mga mananakop na Briton.
Ito ang mga digmaan na naganap sa Australia, at ito ang mga digmaang talagang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng modernong estado ng Australia.
Rachel Perkins, Filmmaker.
Ang mga ay naganap sa buong kontinente, mula sa pagdating ng first fleet noong 1788, hanggang kalagitnaan ng dekada 1930, ngunit ang mga labanan na ito ay hindi itinuturo sa paaralan o kinikilala bilang digmaan hanggang huling bahagi ng ika-20 siglo.

ay isa sa mga pinakapinapahalagahang historian sa Australia at isang eksperto sa digmaan. Nang magsimula siyang magturo ng kasaysayan noong 1966, halos walang mga sanggunian tungkol sa mga katutubong tao sa mga aklat ng kasaysayan.

“Dalawang beses lamang binanggit ang mga Aboriginal, at iyon ay parang napadaanan lamang, at wala man lang kahit isang entry sa talaan ng nilalaman,” sabi niya.

Panoorin ang trailer ng The Australian Wars:
Sinabi ni Propesor Reynolds na ito ay bahagi dahil ang mga Frontier wars ay hindi nakikitang ganap na digmaan noong kalagitnaan ng ika-20 Siglo, sapagkat ang labanan ay katulad ng giyera ng gerilya.

"Ang pananaw ay na ito ay masyadong maliit at pinalawak upang ituring na may kahalagahan ng digmaan. Wala itong mga uniporme, walang mga nagmamartsa na sundalo... Hindi talaga ito kaso ng malalaking pagtitipon at mga laban sa klasikong kahulugan, ngunit sa kabila nito, malinaw na ito ay isang anyo ng digmaan."

Ang , isa pang eksperto sa mga Frontier Wars ng Australia, ay sumasang-ayon. Sinasabi niya na ang maling pagkaunawa na ito ay resulta ng unang at ikalawang digmaang pandaigdig, na nagbago sa paraan kung paano iniisip ang digmaan.

Gayunpaman, ang mga ganitong uri ng malalaking digmaan ay bihirang mangyari sa kasaysayan ng sangkatauhan.

"Alam nila ito bilang isang digmaan noon. Lahat ng mga dokumento ng kolonyal ay tinukoy ito bilang digmaan, ngunit sa ika-20 at ika-21 siglo, nawala na natin ang pananaw na iyon. At sa tingin ko, mayroon ding ilang mga pangunahing politikal na dahilan kung bakit maraming tao ang hindi makakakilala dito bilang isang digmaan," paliwanag ni Dr. Clements.

Ang mga politikal na dahilan na iyon ay nagmumula sa isang legal na kontradiksyon sa pagitan ng proklamasyon ng 'Terra Nullius' at batas ng Britanya. Tinukoy ang mga Aboriginal bilang mga nasasakupan ng Crown, kaya't ang Imperyo ay hindi maaaring "opisyal na magdeklara ng digmaan... ang gawin ito ay magpapahiwatig na sila ay nagdedeklara ng digmaan laban sa kanilang sariling mamamayan," sabi ni Rachel Perkins.

"Gayunpaman, ginamit ng mga Briton ang puwersang militar upang tiyakin na matagumpay ang kanilang pagtatangkang okupasyon ng kontinente," dagdag niya.

Frontier War
Frontier conflicts took place across the nation. Source: Supplied / Australian War Memorial Source: Supplied

Mabo at ang Pagpapawalang-bisa 'Terra Nullius'

Ang Australian wars ay maaari lamang kilalanin matapos hamunin at ibasura ang proklamasyon ng ‘Terra Nullius’ sa legal na paraan, noong mga unang 1990s, sa tinatawag na makasaysayang Mabo decicion.

“Hanggang sa panahong ito, ang pananaw ay ang mga Aboriginal ay hindi nagmamay-ari ng lupa, kaya't hindi maaaring ang labanan ay tungkol sa kontrol sa lupa dahil wala silang anumang legal na titulo sa lupa. Pagkatapos ng 1992 at ang desisyong iyon, ang estado ng digmaan ay kinakailangang magbago dahil malinaw na ito ay tungkol sa mga isyu na kung ano ang laging naging usapin ng digmaan: ang kontrol sa teritoryo,” sabi ni Propesor Reynolds.

Sinabi ni Dr. Clements na ang pagkabigo ng Britanikong Imperyo na kilalanin ang pag-aari ng mga katutubo sa lupa sa Australia ay isang kasaysayan na anomalya.

“Sa mismong puso ng kolonisasyon ng Britanya sa Australia ay isang kahinaan na kumikilos. Hindi tulad ng lahat ng ibang bansa na sinakop ng Britanya, hindi nila kinilala ang sobereya ng mga katutubo dito sa Australia. Dahil dito, walang mga kasunduan, walang pagtatangkang makipag-usap sa mga lokal na tao at hanggang sa araw na ito, naghihirap tayo mula sa pananaw ng batas na maunawaan kung ano ang kanilang karapatan sa lupa.”

At ang pagkabigo na makipagkasunduan ay nagdulot ng brutal na pagdanak ng dugo.

Ang colonial records a archaeological evidence na natuklasan ng mga pangkat ng mga eksperto ay nagpapakita ng kakila-kilabot na labanan.

Tanging na may hawak sa higit sa 400 labi ng mga ninuno ng mga Aboriginal. Marami sa mga ito ay nagpapakita ng ebidensya ng pagkamatay sa pamamagitan ng mga execution, pagputol ng ulo, at masaker.

Kaya sinabi ni Rachel Perkins ang mga buhay sa natitirang angkan ay siguradong hindi makakalimot.
Maraming mga katutubong tao ang naging daluyan ng kasaysayan. Ang mga Aboriginal people ay ipinasa ang mga kwento ng kung ano ang nangyari sa kanila, sa amin, sa aming mga pamilya. Kaya, lumaki ako na alam ang tungkol sa masaker ng aking mga tao sa Queensland at alam ko ang tungkol sa marahas na panggagahasa sa aking lola sa tuhod, at iba pa.
Rachel Perkins, Filmmaker.
Rachel Perkins - The Australian Wars
Rachel Perkins - The Australian Wars Credit: Dylan River/Blackfella Films

Ang Black War

ay ang itinuturing na pinakamatinding giyera sa kasaysayan ng Australia.

“Sa panahon ng Black Wars, mas maraming Tasmanian ang napatay kaysa sa bilang ng mga Tasmanian na namatay sa Korea, Malaysia, Indonesia, Vietnam, at mga peacekeeping missions na pinagsama-sama,” sabi ni Rachel Perkins sa seryeng The Australian Wars.

Sabi ni Dr. Nicholas Clements, ang antas ng karahasan mula sa magkabilang panig ay napakatindi, ang mga awtoridad at mga naninirahan ay “natakot ng labis.”

“Ang pakikipaglaban ng mga Aborihinal ay kapansin-pansin. Lahat ay may kilalang tao sa kolonyal na mundo na napatay o nasugatan ng mga Aborihinal, na ang kanilang mga sakahan ay sinunog. Talagang nakakatakot ito,” sabi niya.
Sa katunayan, ang mga seryosong tao ay nag-iisip na kailangan nilang iwanan ang pananakop.
Dr Nicholas Clements, Australian Historian.
Ngunit nananaig ang mga Europeo, at halos ganap na pinuksa ang mga katutubong Tasmanian.
Ang hidwaan ay lumalalim dahil sa karahasan sa sekswal.

“Ang pampatid sa karahasan, ang mga sulo na nagpaapoy, ay ang karahasan sa sekswal,” dagdag ni Dr. Clements.

Ang panggagahasa at pang-aabduct sa mga kababaihang Aboriginal ay napakalaganap, na siya niyang itinuturing ang pagpapahayag ng ilang mga klan ng mga Aborihinal sa panggagahasa.

“Sa isang buhok lamang na lapad tayo may mga kaanak na Aborihinal sa Tasmania ngayon, dahil halos lubos na natupok sila, lalo na sa pamamagitan ng karahasan,” sabi ni Dr. Clements.
What is Native Title explainer NITV Eddie Koiki Mabo
Eddie Mabo with his legal team. Source: SBS Credit: National Museum of Australia

Labanan ng apoy sa apoy

Upang wakasan ang pagmamatigas at pakikipaglaban ng mga Aboriginal sa maraming bahagi ng Australia, lumikha ang mga mananakop ng Native Police, isang sinanay na pwersang paramilitar na ginamit upang maghasik ng takot.

“Kumuha ka ng mga katutubong sundalo, at ginamit sila bilang puwersang militar. Ito ang walang duda na pangunahing puwersa sa pagwasak, laban sa mga Aboriginal,” sabi ni Propesor Reynolds.

Ang mga kalalakihan ay binigyan ng mga uniporme, baril, at mga kabayo. Naniniwala si Dr. Clements na sila ay ginamit ng mga puting opisyal, na ginamit sila para sa kanilang tradisyunal na kaalaman ng mga Aboriginal at kakayahan sa kagubatan.

“Ang bilang ng mga napatay ng Native Police sa Queensland lamang ay nasa sampu-sampung libo. Ang mga pagtataya ay umaabot sa 60,000 hanggang 80,000, sa tingin ko, na talagang nakakagulat, at ito ay mali o hindi marangal na pangyayari,” sabi niya.

Australian Aboriginal camp in the nineteenth century
A nineteenth century engraving of an aboriginal camp - Marmocchi Source: Getty Source: Getty
Si Rachel Perkins ay kailangang harapin ang lahat ng kasaysayang ito habang ginagawa ang seryeng dokumentaryo na "The Australian Wars."

“Nakahanap ako ng isang recording na ginawa ng aking lola na nagsasalaysay tungkol sa pamilya ng kanyang ina na minasaker, na hindi ko pa naririnig noon, at hindi ko pa napuntahan ang lugar kung saan ito nangyari, at hindi ko talaga nalaman kung saan ito nangyari hanggang sa ginawa ko ang seryeng dokumentaryo,” sabi niya.

Si Dr. Clements, na ang mga ninuno ay mga mananakop, ay naniniwala na lahat ng mga Australyano ay kailangang malampasan ang pakiramdam ng kahihiyan at ilantad ang mga nakaraang kawalan ng katarungan.

“Kung ang mga ninuno man ng isang tao ay kasangkot o hindi, tayong lahat ay mga tagapagmana ng lupaing Aboriginal, na isang ninakaw na lupa. Lahat tayo ay may papel na gagampanan sa pagpapahayag ng kasaysayang ito, pagtanggap sa kasaysayang ito, at pagganap ng isang papel sa positibong hinaharap.”
Nowhere was resistance to white colonisers greater than from Tasmanian Aboriginal people, but within a generation only a few had survived the Black War.
Nowhere was resistance to white colonisers greater than from Tasmanian Aboriginal people, but within a generation only a few had survived the Black War. Source: The Conversation / Robert Dowling/National Gallery of Victoria via The Conversation Source: The Conversation / Robert Dowling/National Gallery of Victoria via The Conversation

Bakit hindi ginugunita ang kasaysayang ito?

Naniniwala si Propesor Reynolds na ang Australia, isang bansa na nagbibigay-pugay sa mga nasawing sundalo sa maraming war memorials, ay kailangang hayagang kilalanin ang katotohanan na ang Frontier Wars ay nangyari at puno ng mga krimen laban sa sangkatauhan.

“Bakit hindi natin matanggap ang mga Australian war?” tanong niya.

“Hindi ito ang kaso sa Estados Unidos, kinikilala nila ang lahat ng labanan sa mga Katutubong Amerikano bilang opisyal na mga digmaan. Malinaw na hindi ito ang kaso sa New Zealand, ang mga digmaan ng Maori ay palaging isang napakahalagang bahagi ng kasaysayan.”

Sabi ni Rachel Perkins, ang dahilan sa pagkakaibang ito ay simple lang.

“Ang Australia ay isa sa mga natatanging lugar sa mundo kung saan hindi umalis ang mga mananakop,” sabi niya.
Ang mga mananakop o ang mga naninirahang dumating kasama nila ay nanatili sa kapangyarihan, kaya sa tingin ko, mas mahirap para sa bansa na kilalanin o ipagdiwang ang mga nagtanggol sa bansa dahil ang mga mananakop na pwersang sumakop ay hindi umalis!
Rachel Perkins, Filmmaker.
Dr Clements believes that ‘lest we forget’, the phrase commonly used to honour Australian fallen soldiers, should be extended to those warriors who fought against the British occupation of their lands.

“I would feel so much prouder if my country acknowledged with courage its own past, the wrongs of its predecessors, and fully committed to righting those wrongs to the best of its ability in the future … I want my children to go up where, in the landscape, whether it's with memorials or whether it's with dual naming, Aboriginality is there, it's present, it’s acknowledged.”



Naniniwala si Dr. Clements na ang ‘lest we forget’, ang pariralang karaniwang ginagamit upang parangalan ang mga nasawing sundalo ng Australia, ay dapat ding ipagkaloob sa mga mandirigma na lumaban laban sa pananakop ng Britanya sa kanilang mga lupain.

“Mas magiging proud ako kung ang aking bansa ay buong tapang na kikilalanin ang sarili nitong nakaraan, ang mga pagkakamali ng mga nauna sa atin, at buong pusong magsusumikap na itama ang mga pagkakamaling iyon sa abot ng makakaya nito sa hinaharap... Gusto kong lumaki ang aking mga anak sa isang lugar kung saan, sa tanawin, maging sa mga alaala o sa mga pangalan ng lugar, ang pagka-Aborihinal ay naroon, nararamdaman, kinikilala.”


Maaaring panoorin ang serye ng sa SBS On Demand sa limang wika: Simplified Chinese, Arabic, Traditional Chinese, Vietnamese, at Korean. Ang serye ay maaari rin mapanood na may mga audio description/subtitles para sa mga bulag o may kahinaan sa paningin na manonood.
Ang nilalaman na ito ay unang inilathala noong Setyembre 2022

Share