Highlights
- Ang colour-coded Fire Danger Rating System at ang Warning System ay makahalintulad lamang.
- Ang Australian Fire Danger Rating System ay ginagamit upang tukuyin kung gaano kapanganib ang isang sunog.
- Ang Australian Warning System ay ginagamit upang ilarawan ang laki ng pinsala ng sunog.
Nabulabog ang buong mundo Disyembre taong 2019 ng sumiklab ang sunog sa sa maraming lugar dahil sa bushfire dito sa Australia, nangyari ito sa kasagsagan ng ‘Black Summer’.
Ilang linggo lang ang pagitan, sinundan naman ito ng pagbaha dahil sa walang tigil na pag-ulan dahilan upang umapaw ang maraming ilog at lawa.
Karamihan sa mga komunidad na nasunugan ay naging biktima din ng pagbaha.
Ayon kay Rob Webb ang CEO ng National Council for Fire and Emergency Services sa Australia at New Zealand, higit tatlumpung mga estado at teritoryo na emergency support services sa bansa ang nagtulungan at naghanda para tugunan ang tumataas na pangangailangan ng tulong at matinding mga natural disaster o sakuna.
“ Dahil sa climate change, nakikita natin na parami nang parami ang kalamidad," sabi ni Webb.
Patong-patong na yong kalamidad na nangyayari o kaya'y malaki at malawak ang pinsala na dala nito, samakatuwid, mas marami kaming hinahanap na kailangan naming magbahagi ng mga resources sa aming mga boarder.Rob Webb, AFAC CEO

Source: AAP
Ito ay upang matiyak na parehong nauunawaan ng mga ahensya ang pagtugon sa emerhensiya at ng komunidad sa pangkalahatan, kung ano ang ibig sabihin ng bawat kategorya ng panganib at malaman kung paano rumespondi sakaling magkaroon ng natural disaster saan man ang lokasyon o pangyayari.
Ang nationwide Australian Warning System ay itinatag noong Disyembre 2020 at patuloy na ipinapatulad para sa magkakaibang panganib. Samantala ang binagong Australian Fire Danger Ratings System ay ipinatupad simula Setyembre 2022.
Ang at ang ay makahalintulad, pero ginagamit sila sa ibat-ibang antas ang emerhensya at panganib.
Ang Australian Fire Danger Rating System ay ginagamit para bigyang babala ang mga komunidad kung kailan sila dapat maghanda kung may dalang peligro na sunog.
Habang ang Australian Warning System ay ginagamit para abisuhan ang komunidad sa kung anong lebel ng panganib na nangyayari na .
Ano ang Fire Danger Ratings at ano ang kahulugan nito?
Ang Australian Fire Danger Rating System ay ginagamit para ilawan kung gaano ka panganib ang sunog kung mangyayari sa ilang lugar, batay sa panahon at kondisyon sa paligid nito.
“ Ang Fire Danger Rating system ay partikular para sa mga paghahanda sa sunog. Nangangahulugan ito na kailangan nating kumilos para maging handa kung sakaling magkasunog,” paliwanag ni Fiona Dunstan, ang National Community Engagement Manager para sa Bureau of Meteorology (BOM).
Ang apat na colour-coded categories ng Fire Danger Ratings:
- Moderate (berde): Magplano at maghanda
- High (dilaw): Maghanda para kumilos
- Extreme (kahel o dalandan): Kumilos na para isalba ang buhay at ari-arian
- Catastrophic (pula): Iligtas mo ang iyong buhay, umalis na sa bush fire risk areas.
Sa panahon ng 'Moderate' at 'High' ratings, ang mga komunidad ay dapat maghanap ng tamang impormasyon sa kondisyon ng panahon at manatiling konektado sa kanilang local emergency sevices para sa updates.
Kung ‘Extreme’ rating ito ay nangangahulugan na kailangan mo ng umaksyon sa iyong personal bushfire survival plan. Ang 'Catastrophic’ rating naman ay nangangahulugan na ang mga bombero ay nahihirapan ng kontrolin o patayin ang apoy, kaya pinakaligtas na gawin ay lumikas na sa lugar kung saan naroon ng bushfire.

Dagdag nito ang iyong bushfire survival plan at kung paano tumugon ay nakadepende sa partikular na mga pangyayari o sitwasyon.
Ang ilan sa mga mataong lugar sa Australia na madalas nagkakasunog sa panahon ng tag-init, at ibagn bahagi ng bansa tulad ng nasa hilaga na nakakaranas ng sunog sa panahon ng taglamig o winter.

Pinapalaki ng malakas na hangin ang bushfires sa Victoria. Source: AAP
Ayon kay Elisabeth Goh n amatagal ng volunteer para sa . Sabi nito napakahalagang naintindihan ang mga ratings na ito, dahil kapag hindi ang mga emergency personnel na ang pumupunta sa lugar para sa mga hindi umaalis ng lugar kahit delikado.
“Madalas ang mga tao ay hindi pa din umaalis sa kanilang lugar kahit masyado ng malaki ang apoy.… Pahirapan ito sa mga bombero at ibang volunteers pati resources dahil kailangan naming hanapin ang mga tao , dahil kailangan nating alagaan ang mga ito, suportahan ang mga taong nagsisikap na makaalis sa mga mapanganib na sitwasyon."

Mga likas na sakuna sa Australia Source: AAP
Ang Australian Warning System at ano ang dapat gawin
Ang Australian Warning System ay ginagamit para ilarawan ang tindi ng pangyayari, emerhensya o sakuna na nangyari.
Ito ay gamit para sa maraming klase ng natural na kalamidad, hindi lang sa sunog o bushfires.
“[Ito ay] dinisenyo upang isama ang iba't ibang uri ng mga warnings sa panganib: baha, sunog, bagyo, init, atbp.,” dagdag ni Dunstan.
Nagbibigay [ito] ng antas ng babala depende sa banta sa buhay ng mga tao o sa kanilang mga tahanan o negosyo.Fiona Dunstan, AFSM

Examples of the three-tiered Australian Warning levels.
Kapag nagkaroon ng bushfire o ibang pang mga sakuna, sisimulan ang 3-level na Australian Warning System. Ang mga kategorya ay:
- Advice (yellow o dilaw): Nagsimula na ang pangyayari, nangangahulugan na may nagbabadyang panganib subalit hindi pa nangangailangan ng agarang aksyon.
- Watch and Act (orange): Mataas na ang lebel ng panganib. Ito ay nangangahulugang nagbabago ang mga kondisyon at dapat kang kumilos upang protektahan ang iyong sarili at pamilya.
- Emergency Warning (red o pula): Emergency Warning ito na ang pinakamatas na antas ng panganib. Nangangahhulugan itong nasa panganib na ang iyong buhay at ang pagkaantala ng aksyon ay maglalagay sa iyong buhay sa panganib.
Sabi din ni Fiona Dunstan kung paano ka dapat tumugon sa bawat babala ay depende rin sa uri ng emergency na iyong kinalalagyan.
Sa kaso naman ng pagbaha o sunog, maaaring kailanganin mong lumikas sa lugar. Gayunpaman, kung ang peligro ay matinding init o mga bagyo, maaaring kailanganin mo ng pansamantalang masisilungan.
Sa sitwasyong ito, mahalagang alam ng iyong buong pamilya kung paanong tumugon sa ganitong pagkakataon. At kung may mga hindi naintindihan dapat ipaliwanag para makapaghanda sa emergency plan, kung sakaling maglabas ng alerto:
- Saan kami pupunta?
- Ano ang aming bibitbitin?
- Ano ang aming gagawin sa mga bata o alagang hayop?
Pahabol na payo ni Webb, dapat makipag-ugnay ang lahat ng residente sa kanilang local emergency services upang makakalap ng impormasyon sa mga nagbabadyang panganib na maaaring mangyari sa kanilang lugar.
Bumabaha ba sa inyo? May dumadaan bang bagyo? Nagkakasunog ba sa inyo? Tuklasin ang mga panganib sa inyong lugar at maging maalam para mabawasan ang mga panganib at iyong ang pinakamahalaga.Fiona Dunstan, National Community Engagement Manager, BOM
“Maglaan ng kahit kaunting panahon para alamin at intindihin ang mga panganib sa inyong lugar, dahil nakakaligtas ito ng iyong buhay, dagdag ni Dunstan.
Para sa karagdagang impormasyon:
- Suriin ang Australian Fire Danger Ratings System Fact Sheets sa (sa ibabang bahagi nitong pahina).
Kung may emerhensya, tumawag sa triple zero (000)