Ano ang mga karapatan at ipinagbabawal sa mga nagpoprotesta sa Australia

Australia Explained - The Right to Protest

SYDNEY, AUSTRALIA - SEPTEMBER 20: Young girls protest in The Domain ahead of a climate strike rally on September 20, 2019 in Sydney, Australia. Credit: Jenny Evans/Getty Images

Linggu-linggo, may mga Australians na malakas ang loob na pumupunta sa mga kalsada upang magprotesta ukol sa mahahalagang isyu. Ang pagpoprotesta ay hindi labag sa batas, ngunit kapag labis ang pinapakitang kilos o pag-uugali may posibilidad na masangkot sa problema.


Pinaniniwalaan ng karamihan, na may karapatan ang mga Australians na dumalo at magdaos ng protesta, subalit hindi ito malinaw na nakasaad sa Konstitusyon.

Sa halip, mayroon tayong karapatan sa kalayaan ng pampulitikang pagpapahayag ayon sa Konstitusyon.

"May ilang mga halimbawa ng tuwirang pagkilala sa karapatan sa mapayapang pagtitipon sa mga hurisdiksyon na may mga Human Rights Acts tulad ng Victoria, ACT, at Queensland," ang sabi ni Professor Luke McNamara, Faculty of Law and Justice sa UNSW.

"Ngunit para sa karamihan ng bahagi ng bansa at sa pambansang antas, wala namang partikular na lugar na nagsasabi na may karapatan ka sa pagpoprotesta, at gayunpaman, bahagi ng ating tradisyon ng common law ay ang pagtanggap sa ideya ng karapatan sa pagpoprotesta.

Ang mga batas sa pagpoprotesta ay nag-iiba sa buong Australia. Ang Queensland at Western Australia, halimbawa, ay may malalaking industriya ng pagmimina na nagdudulot ng maraming pagsusuri mula sa publiko, kaya may mas matibay na batas laban sa protesta sa kanilang mga lugar."

Ang anti-protest laws ay maaaring malaki at malawak.

Bagaman hindi ka maaaring kasuhan para sa pagdalo sa isang protesta, maaari kang kasuhan para sa di-kanais-nais na pag-uugali na ginagawa habang nagpoprotesta.
Australia Explained - The Right to Protest
TOPSHOT - Protestors march on the streets of Sydney's central business district against US President Donald Trump's travel ban policy on February 4, 2017. Source: AFP / SAEED KHAN/AFP via Getty Images

Anong mga pag-uugali ang isinaalang-alang na hindi katanggap-tanggap o 'unacceptable behaviour'?

Ang antisocial behaviour, tulad ng makakasakit sa iba at nakakapinsala ng ari-arian ay itinuturing na isang hindi dapat gawain sa panahon ng pagpoprotesta

Ang pagdadala ng flares, patalim o anumang armas ay labag sa batas.

May mga multa kapag nagpoprotesta sa mga pangunahing daaan, daungan o logging area na nagiging dahilan ng pagka-antala ng trabaho sa ilalim ng anti-protest laws.

Australia Explained - The Right to Protest
MELBOURNE, AUSTRALIA - AUGUST 21: A man holds a banner reading "Freedom" atop a tram stop during an anti-lockdown protest on August 21, 2021 in Melbourne, Australia. Credit: Getty Images
Ayon kay Dr Sarah Moulds, isang Associate Professor ng Law sa  University of South Australia, dahil sa paglabag sa batas posibleng maparusan ang isang protester kabilang ang pagkakakulong.

"Sa Adelaide ngayon ay posible nang ikulong sa bilangguan ng tatlong buwan kung ikaw ay mag-obstruct sa isang pampublikong lugar," aniya. "At ito ay isang napakalawak na batas kaya ang mga nagprotesta sa kalsada o harap ng mga gusali o Parlamento ay maaaring maparusahan."

Karamihan sa mga tao na inaaresto ay lumabag sa a batas, —halimbawa, ang pagkakakandado nila ng kanilang sarili sa isang gusali o pagbubukas ng isang bandila sa isang tulay.

Kumuha ng permit

Isang mahalagang bahagi ng isang pagtitipon o protesta sa Australia ay ang pagkuha ng opisyal na permit o pahintulot.

Kung ikaw ay nagplaplano ng isang malaking pagtitipon sa publiko, maaari kang humiling ng pahintulot sa pamamagitan ng pagsulat sa pulis o sa lokal na pamahalaan.

Ang pahintulot ay nagbibigay ng kapanatagan ng loob na hindi makikialam o aalisin ng pulis ang mga tao. Sa halip, ang pagdalo ng mga pulis a lugar ay maaaring tiyakin na ang protesta ay maayos na magaganap at na ang mga nagpoprotesta ay magiging ligtas.


Australia Explained - The Right to Protest
SYDNEY, AUSTRALIA - MAY 06: Climate activists march through the CBD during the 'School Strike 4 Climate' on May 06, 2022 in Sydney, Australia. Credit: Lisa Maree Williams/Getty Images

Ano ang mangyayari kung inaresto ng pulis?

Samantala kung sa hindi inaasahang pangyayari ikaw ay inaresto, titiyakin ng mga Community Legal Centres na ang iyong mga karapatan ay hindi nalalabag.

Maari kang makulong o kaya ay pagmumultahin na aabot ng ilang daang dolyar.

Tayo ay maswerte na naninirahan sa isang lipunang kung saan talagang pinahahalagahan ng mga pulis, piskal, at hukom ang kalayaang ito kaya hindi pa nila ipinapataw ang pinakamabigat na parusa.
Dr Sarah Moulds, Associate Professor, Law, University of South Australia

Alamin ang iyong karapatan

Ang mga organisations tulad ng , at ang iyong local Council for Civil Liberties ay nagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa pagpoprotesta at batas sa buong Australia.

Share