Ano ang migratory grief? Maari mo bang malampasan ang pangungulila bilang migrante?

Silhouette of young Asian mother and cute little daughter looking at airplane through window at the airport while waiting for departure. Family travel and vacation concept

Ang migratory grief ay kadalasang nauugnay sa mga nakikita at hindi nakikitang bagay na nawala na nararanasan ng mga migrante kapag lumipat sila ng mga bansa. Source: Moment RF / d3sign/Getty Images

Ang paglipat sa ibang bansa ng mahabang panahon ay may nakakabit na malaking hamon sa emosyonal na aspeto ng isang tao. Bilang mga bagong salta o migrante haharapin mo ang isang bagong kultura at kapaligiran. Alamin kung papaano malampsan ang ganitong nararamdaman at muling mararamdaman ang pagkabuo ng iyong pagkatao.


Key Points
  • Ang migratory grief ay kumplikado.
  • Kapag ang emosyon o nararamdaman mo ng pagkawala ay hindi nakikita, nagiging mas mahirap itong i-manage.
  • Ang prolonged grief o sobrang kalungkutan sa mahabang panahon ay nakakaantala sa mahalagang decision-making at makahadlang ang katatagan sa hinaharap.
  • Ang pagpapagaling ay maaaring kumplikado at ito ay isang personal na proseso, ngunit maraming suporta na magagamit.
Ang kalungkutan sa konteksto ng migration ay napakalawak at komplikado.

Dahil sa kabila ng mararanasang culture shock, nariyan pa ang homesickness o pangungulila, language barriers kaya kadalasan sa mga migrante at refugees ay apektado ang kanilang pamumuhay at pakikitungo sa iba o relasyon.

Ang lahat ng nararamdamang ito ay madalas itinuturing na migratory grief.

“Kapag ang isang tao malulungkot o nagluluksa, nagiging blangko o nawawala sila at karaniwan nakikita ito. Kung namatayan ng mahal sa buhay o nawalan ng alaga o bahay, nararamdaman ito ng tao sa iyong paligid, na malungkot ka, masama ang loob mo at galit ka sa nangyayari. Pero ang nararamdamang ito ay lilipas din." paliwanag ni Dr Grant Blashki, ang Clinical Lead ng Beyond Blue.

Subalit ang mga migrants, Ang migratory grief ay kadalasan may kasamang tinatawag na ‘ambiguous loss’ o hindi malinaw ang lahat. Sa ganitong emosyon, nararamdaman ng isang tao na parang nawalan sya pero hindi malinaw at matukoy kung ano.

Gayunpaman, ang mga migrante ay nakakaranas din ng iba pang mga uri ng pinagsama-samang mabigat na pakiramdam, na parang nawawala sila, hindi malinaw at hindi natukoy. Ito ay kilala bilang 'ambiguous loss'.

" Nangyayari ang 'ambiguous loss' o hindi maliwanag na pagkawala ay kapag mayroong hindi malinaw o kawalan ng kalinawan tungkol sa pagkawala, kaya napakahirap na i-manage ang kalungkutan na iyon at tanggapin ang mga bagay," dagdag ni Dr Blashki.

[Migrants] may find their sense of identity has changed. They may find they have a drop in their social status … They also have the challenge of communication — everything from formal language through to understanding everyday banter.
Dr Grant Blashki, Beyond Blue Clinical Lead
Malungkot at nalulumbay na babae na gumagamit ng smartphone sa bahay.
Ang likas na katangian ng ambiguous loss ay nangangahulugan na ang emotional closure o paghilum ay nagiging mailap. Source: Moment RF / Maria Korneeva/Getty Images
Ayon sa Uruguay-born Clinical Psychologist na si Jorge Aroche na kasalukuyang CEO ng NSW Service for the Treatment and Rehabilitation of Torture and Trauma Survivors o STARTTS. Ang organisasyong ito ang nag-aalok ng mental health support para sa mga bagong salta na refugee.

Sabi nito naniniwala sya na ang migratory grief ay kadalasa’y nagmumula sa kumbinasyon ng parehong katotohanan at hindi nasusukat na pagkawala, tulad na lang ng pagkawala ng pakiramdam ng pagigigng pamilyar o attachment sa lugar, at ang pakiramdam na wala ng support network o belongingness.

"Maaari nating marandaman ang kalungkutan o dalamhatiin ang ating mga kaibigan, ang ating mga kamag-anak, ang mga taong mahal natin, ang mga lugar na mahal natin. At iyon ay isang kalungkutan tungkol sa mga bagay na naiwan natin at hindi na natin ma-access."

Asian mother and daughter talking to family on laptop
Credit: Ariel Skelley/Getty Images
"Ngunit ang migratory grief ay nauugnay din sa mga bagay na hindi gaanong nakikita, tulad ng pagkawala ng pagkakakilanlan at katayuan na mayroon tayo dati, alinman sa isang pormal na setting, tulad ng trabaho, na nauugnay sa kung ano ang kinikilala ka sa iyong bansa, pati din ang impormal na katayuan maaaring mayroon ka sa iyong social network."

Idinagdag pa ni Aroche sa ilang mga kaso ang migratory grief ay nauugnay sa idealisasyon ng kung ano ang maaaring nangyari kung ang isang tao ay hindi umalis o nanatili sa lugar.
May migratory grief tungkol sa iyong mga ilusyon o pantasya tungkol sa kung ano ang maaari mong makamit o magawa kung nanatili ka sa bahay o iyong pinagmulan.
Jorge Aroche, Clinical Psychologist at STARTTS CEO.
"Marami sa mga bagay na ito ay hindi kailangang maging makatwiran, at maraming mga tao kung minsan ay nakadama ng guilty tungkol sa pakiramdam na tulad nito dahil nakikita nila na, malamang na mas mahusay sila sa kanilang bagong bansa," dagdag niya.

Sabi din nito ang hamon na maaaring haharapin lalo na ng mga refugees ay ang pakiramdam ng kalungkutan sa panahon ng kanilang mga tagumpay o hindi maipahayag ang kanilang pagdadalamhati publiko dahil stigma o survivor’s guilt.

“[Mahihirap na migrants at refugees] nakakaramdam ng guilty kung magreklamo sila ... dahil iniisip nila ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay ay naiwan pa sa bansa at mas mahirap ang kalagayan at minsan nasa peligro pa ang buhay,” dagdag paliwanag ni Aroche.

Gayunpaman, pinapaalalahanan niya ang mga migrants na dapat kilalanin at ipaalam ang kanilang naramdaman na kalungkutan at pangungulila para magawan ng paraan.
Young man looking out of the window in flying airplane during sunset
Source: Moment RF / Alexander Spatari/Getty Images

Coping mechanisms

Ayon din sa India-born R-U-OK Chair Kamal Sharma na CEO ng Rezilum, isang consultancy firm na nag-aalok ng strategic leadership at resilience training, nang unang makarating sya sa Australia, nahirapan syang maunawaan kung saan siya nababagay.

Ngunit sa paglipas ng panahon, natutunan niya kung paano makayanan ang mga kanyang nararamdaman na displacement sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanyang pagkakakilalan bilang iba sa nakapaligid sa kanya.

Pero kinikilala ni Sharma na ang palilibang kasama ang mga taong kaparehas ng iyong kultura at tradisyon ay nagbibigay ng isang malaking kaginhawaan o comfort at katiyakan sa mga bagong migrante. Dahil dun naunawaan niya na mahalagang maging bukas sa mga bagong tao sa paligid at sa karanasan na maihahatid nila sa buhay.

“ Naniniwala ako na may positive coping mechanisms, at mayroon ding negative copy mechanisms,” sabi ni Sharma.
Ang mga positive mehcanism ay tungkol sa pagtuklas sa iyong sarili sa bagong kapaligiran. Ang pagpapabaya sa mga bagay na maaaring hindi magsilbi sa iyo, pagkuha ng mga bagong ideya at bagong konsepto na makakatulong sa iyong pag-umunlad.
Kamal Sharma Rezilum CEO and R U OK? Chair.
"Ang mga negatibo naman ay yong nananatili ka sa iyong grupo at hindi ka na-challenge, nananatili ka sa kung ano ka noon, dun sa ibang bansa.

"Sa tingin ko ito ay talagang kritikal na hamunin ang iyong sarili sa mga bagong ideya, pagtuklas kung sino ka, kung ano ka, at tuklasin ang iyong pagkakakilanlan sa ibang kultura."
Young couple embracing in airport, man in military uniform
Credit: Mike Powell/Getty Images

Sabi din ng mga eksperto sa mental health, ang ilang mga migrante ay patuloy na nakakaranas ng kawalan ng katiyakan at magkahalong emosyon, na maaaring makaka-apekto sa kanilang pagdesisyon sa buhay at maaaring mahadlangan ang kanilang katatagan para sa pagharap sa hinaharap.

At ang kawalan ng suporta ay kadalasa’y nagpapalala ng pakiramdam ng kalungkutan, pagkabalisa at pagkamayamutin.

Dagdag ni Kamal Sharma na nagsanay bilang isang monghe, ay nagsabi na ang pakikilahok sa lokal na kultura kung saan nakatira at ang paghahanap ng paraan upang pagsamahin ay isang paraaan upang malampasan an mga isyung ito. Sa kanyang kaso ginawa niya ito sa pamamagitan ng paglahok ng team sports.
Ngunit sa kabila ng pagsasagawa ng mga praktikal na hakbang kabilang ng pagsali sa isang aktibidad o club, pag-eehersisyo o pagninilay -nilay, may ilan pang mga pilosopikal na diskarte na maaari mong ipatupad , depende sa kung mas gusto mo ang Eastern o Western na pamamaraan.

“Sa Western literature tinutukoy dito ang pagbabago, dapat umangkop ka sa mga pagbabago, sabi ni Sharma.

“Ang pinagtutuunan namin ng pansin ay ang hindi permanenteng bagay, dahil kailangan ng pagbabago na pumunta ka sa isang steady state, Ang impermanence ay tungkol sa kung paano ka ‘magsu-surf’ at sasamantalahin ang mga takbo ng buhay. Kaya, para sa akin, ang pagdaloy sa impermanence at pagtanggap ng impermanence ay mas makapangyarihan.”
Two women sitting in armchairs and talking. Woman psychologist talking to patient
Ang migratory grief ay maaaring naipapakita sa pisikal at sikolohikal. Maaaring kabilang sa mga pisikal na sintomas ang nahihirapang matulog, pagkapagod, at pakiramdam na nawawalan ng gana. Source: Moment RF / Fiordaliso/Getty Images

Suriin ang iyong sarili

Mental health experts recommend checking-in with how you’re feeling regularly to create a sense of self-awareness. If feelings become overwhelming, reach out for help.

“A lot of people who are grieving find they have sort of secondary fallouts sometimes, whether conflict at home, at work, or sometimes alcohol [abuse],” Dr Blashki warns.

Sabi naman ni Dr Blashki ang mga sintomas ng nadaramang kalungkutan ng mga migrante ay kadalasan bumabalik pero kapag mahabang panahon na ang iyong nararamdaman dapat magpatingin sa espeyalista dahil baka mas seryoso ang iyong pinagdadaanan.

Dagdag paliwanag ni Dr Blashki na ang mga tanda ng clinical depression ay kinabibilangan ng malawakang pakiramdam ng kawalan ng pag-asa na magpapatuloy sa loob ng ilang buwan, at nililimitahan ang kakayahan ng tao na makihalubilo, magtrabaho at makisali sa mga interpersonal na relasyon.

“ Malungkot sila sa lahat ng nangyayari sa paligid. Iniisip nila wala ng pag-asa."
Woman psychologist talking to patient
Ang mga dumaranas ng matinding sintomas ay dapat bumisita sa kanilang doktor (GP) o tumawag sa isang mental health hotline, gaya ng Lifeline, o Beyond Blue. Source: Moment RF / Fiordaliso/Getty Images
Gayunpaman, payo ng mga mental health experts importante din na hayaan ang iyong sarili na maramdaman at maunawaan ang iyong pag-iisa, kalungkutan …o ang walang katiyakang pagkakataon..

Dahil ang maranasan lahat ng ito ay hindi nangangahulugan na mahina o wala kang lakas ng loob. Dapat tandaan walang simpleng formula para i-manage ang damdamin ng pagkawala dahil ito ay personal at komplikado.

"Sa isang tiyak na antas, ang anumang pagkawala ay trauma, at ang trauma ay maaaring harapin sa dalawang paraan: maaari mong gamutin ang mga sintomas ng trauma, o maaari mong pagalingin ang trauma. Sasabihin ko na kailangan nating parehong gamutin at pagalingin ang mga sintomas ng pagkawala ng migration," sabi ni Sharma.

“Ang salitang ‘heal o paggaling’ ay nangangahulugan na mabuong muli, kaya simulan mo na mabuong muli sa bagong lugar.

“Bitawan mo ang mga nakaraan, at magsimula ng panibagong buhay. Ang pagpili ay may malaking papel sa proseso ng paggaling mo, sabi ni Dr Blashki.

Kung nangangailangan ka ng suporta , tumawag sa on 13 11 14 o sa 1800 22 46 36.

Share