Key Points
- Ang Hari ng United Kingdom ay pinuno din ng estado ng Australia
- Lahat ng bansang sakop ng Commonwealth ay nagsasarili na mga bansa
- Ang Hari ay hindi direktang sangkot sa pang-araw-araw na pagpapatakbo ng gobyerno ng Australia
- Naniniwala ang Australian Republic Movement na dapat ang mga Australian ang hahalal sa mga pinuno ng estado
"Ang Australia ay itinatag bilang isang kolonya ng Great Britain, kaya may nahiram o hinango na mga tradisyon ng Britanya," iyan ang sabi ni Campbell Rhodes, isang mananaliksik sa Museum of Australian Democracy.
“At isa doon ay ang monarkiya,” kaya ang Hari ng United Kingdom ay Pinuno din ng Estado ng Australia.
Si Elizabeth Alexandra Mary Windsor ay ang Reyna ng UK at ng 14 na kasapi Commonwealth mula noong nagsimula ang kanyang panunungkulan noong Pebrero 1952.
Si Elizabeth II ay nagsilbing pinakamatagal na naglingkod na monarko sa kasaysayan ng Britanya. At sa kanyang paglisan, ang anak nitong si Charles ang kinoronang hari, na maglilingkod bilang si King Charles III.
Paliwanag ni Sandy Biar, ang National Director of the Australian Republic Movement (ARM), ang lahat ng mga bansa ng Commonwealth ay mga nagsasariling mga bansa na may sariling batas at gobyerno.
At ang istruktura at kapangyarihan ng ating gobyerno ay binalangkas ng Konstitusyon ng Australia.
“Ang Australia ay may nakasulat saligang-batas at ito ay isang batas na nagmamahala sa lahat ng ibang pang batas, at ang pinakanakakataas na tao sa Konstitusyong iyon ay ang Reyna o Hari ng United Kingdom- ang ating Pinuno ng Estado. At dahil ang ating Pinuno ng Estado ay nakatira sa kabilang panig ng mundo, nagtalaga sila ng isang kinakatawan sa Autralia na kumikilos sa kanilang ngalan-ang Gobernador Heneral.”

Sa pagkamatay ni Queen Elizabeth II, naging Hari ang kanyang anak na si Charles. Sinimulan na nya ang kanyang paghahari bilang si King Charles III. Credit: Carl Court/AP/AAP Image
Ang ating monarko ay Pinuno ng Estado, kaya ang Australia ay tinutukoy bilang isang ‘constitutional monarchy’.
Ang ating Pinuno ng Estado ay epektibong isang seremonyal na posisyon, sabi ni Judith Brett, Emeritus Professor ng Politics sa La Trobe University.
“Wala silang executive power, samantalang ang pinuno ng gobyerno ang may executive power. Kaya, mayroong isang dibisyon sa pagitan ng sumasagisag sa Pinuno ng Estado na kumakatawan sa pagkakaisa ng bansa, at ang pinuno ng pamahalaan na bukas sa kompetisyon.”
Ayon kay Campbell Rhodes, ang Hari ay hindi direktang kasama sa pang-araw-araw na pagpapatakbo ng bansang Australia, at wala nang direktang impluwensya sa lipunan, ekonomiya o gobyerno ng bansa.
Gayunpaman, nanatili siyang may alam sa lahat ng nangyayari at usapin sa Australia at maaaring gumalaw bilang isang tagapayo at katiwala ng Punong Ministro.
Ano ang papel ng Gobernador Heneral?
Si King Charles III ay kinakatawan dito sa Australia ng Gobernador Heneral sa Canberra at ng bawat Gobernador ng kabisera ng estado.
Ang Gobernador Heneral ay hinirang ng reyna o hari sa tagubilin ng pamahalaan ng Australia. Ang kasalukuyang Gobernador Heneral ay ang Kagalang-galang na si David Hurley.
Tulad ng isang Hari, si Gobernador Heneral Hurley ay hindi kasama sa pang-araw-araw na pamamahala ng gobyerno, subalit ayon kay Sandy Biar may mahalagang responsibilidad na ginagampanan.
Sa tuwing ang isang batas ay ipapasa ng Parliament, o magsasagawa ng isang halalan, kailangan nito ang... pagsang-ayon ng kinatawan ng [Hari].Sandy Biar, National Director ng Australian Republic Movement.
Ang representante ng monarkiya ang nag-turnover ng Prime Minister sa Australia "na karaniwan, ngunit hindi palagi, mula sa partido na nanalo ng pinakamaraming puwesto sa Parliament noong nakaraang halalan.”

Queen Elizabeth II watches Tjapukai Aboriginal ceremonial fire performance near Cairns, 2002. Credit: Torsten Blackwood/AFP via Getty Images
Pagputol sa ugnayan
Noong 1986, sa pamamagitan ng Australia Act, opisyal na pinutol ang huling ugnayan sa pagitan ng gobyerno ng Britanya at Australia, maliban na lang sa Monarch.
Sa panahon ng paglilingkod ni Queen Elizabeth II, maraming bansa sa ilalim ng kolonya ng Britanya ang naghangad ng kalayaan at pinutol ang kanilang ugnayan sa monarkiya.
Ang pinakahuli ay ang Barbados noong Nobyembre, na may natitira pang 15 mga kaharian ng Commonwealth.
Ayon kay Sandy Biar, mula sa Australian Republic Movement na nagsusulong ng pagbabago, ramdam na umano ng maraming tao na ang bansang Australia ay nagpapakita na ng diwa o interes ng isang republika.
Naniniwala ang Australian Republic Movement na sa halip na magkaroon ng hari o reyna ng UK bilang pinuno ng ating bansa, dapat tayong magkaroon ng Australian na pinili ng mismong mga Australian.Sandy Biar of ARM
“At naniniwala kami dito dahil makatuwiran na ang lahat ng desisyon sa isang independiyenteng bansa tulad ng sa amin ay ginawa sa demokratikong paraan at inuuna ng aming mga kinatawan ang interes ng Australia,” dagdag ni Sandy Biar.
Nagbabago din ang monarkiya ng Britanya, sabi ni Judith Brett.
Ang dalas ng paglalakbay ng mga celebrity ay nagresulta sa hindi gaanong kasiglahan sa mga pagbisita ng hari sa Australia kaysa sa nakalipas na mga dekada.

The Duke and Duchess of Cambridge visit Taronga Zoo, Sydney during their official 2014 tour to New Zealand and Australia Credit: Anthony Devlin/PA Images via Getty Images
Habang nagsisimula ng mag-ugat ang mga kilusang republika sa ilang bansang Commonwealth , kinilala kamakailan ni King Charles III ang pagbabago, sa pagbubukas ng Commonwealth Heads of Government Meeting (CHOGM) sa Rwanda at sinabing ang Commonwealth- na kumakatawan sa isang-katlo ng sangkatauhan-ay palaging magiging “isang malayang samahan ng mga bansang nagsasarili at self-governing nations.”
"Nais kong sabihin nang malinaw, tulad ng sinabi ko noon, na ang konstitusyonal na kaayusan ng bawat miyembro, bilang republika o monarkiya, ay isang bagay kung saan ang bawat miyembrong bansa ang magpasya," sinabi niya sa mga pangulo at punong ministro."
Sa nakalipas na taon, ang ARM ay sumangguni sa higit sa 8,000 Australian upang maunawaan kung ano ang maaaring hitsura ng isang Australian republic at inanunsyo ang noong Enero 2022. Kung saan inilalarawan dito kung anong mga pagbabago ang kailangang gawin sa saligang-batas ng Australia, upang ang pinuno ng estado ay mahalal ng mismong mga residente ng Australian.