Ano ang Ramadan at Eid at paano ipinagdiriwang sa Australya?

Lantern With Moon Symbol And Mosque Shape Background. Ramadan Kareem And Islamic New Year Concept.

Photo taken in Bangkok, Thailand Credit: Songyuth Unkong / EyeEm/Getty Images

Alam mo ba ang kahalagahan ng Ramadan at Eid sa kulturang Islam? At, gaano kahalaga ang mga pagdiriwang na ito sa iyong mga kasamahan, kaibigan, o kapitbahay na Muslim?


Key Points
  • Ang Ramadan ang pinakabanal na buwan para sa mga mananampalataya ng Islam, ang mga maayos ang pangangatawan at nasa hustong gulang ay nag-aayuno simula madaling araw hanggang dapit-hapon.
  • Eid al-Fitr ay ang tatlong araw na pagdiriwang sa pagtatapos ng pag-aayuno.
  • Dinadala ng mga Muslim Australian ang kanilang mga natatanging kultural na kasanayan sa pagdiriwang ng Eid.
Ang Australia ay tahanan ng higit 813,000 na populasyon sa 1.97 bilyong mananampalataya ng Islam o Muslim sa buong mundo.

Sa isang multikultural na bansa tulad ng Austalia, siguradong maraming mananampalataya ng Islam ang iyong nahalubilo, naging kaibigan o naging katrabaho .

Kaya ang pag-unawa at pagpapahalaga sa relihiyon at kultura ng bawat isa ay isang pangunahing aspeto ng isang magkakaugnay na multikultural na lipunan.

Sa panahon ng Ramadan ang mga Muslim sa Australia at sa buong mundo ay nagsisimula ng isang buwang paglalakbay ng pagsamba at pag-aayuno.
Man praying in the sunset (Pixabay).jpg
Ang Islamic Hijri calendar, ay nakabatay sa cycle o pag-ikot ng ng buwan sa mundo. Credit: Pixabay

Ano ang Ramadan?

Ang Ramadan ay ang ika-siyam na buwan ng Islamic lunar calendar.

Ibig sabihin dito, ang mga Muslim na maayos ang pangangatawan at nasa hustong gulang ay kinakailangang mag-ayuno o fasting mula madaling araw hanggang sa takipsilim sa loob ng isang buwan.


Ayon kay Associate Professor Zuleyha Keskin at kasalukuyang Associate Head ng Centre for Islamic Studies and Civilisation ng Charles Stuart University sa Melbourne.

Aniya, isang malaking proseso ng kaalaman, o pag-unlad at pagdidisiplina ang nagaganap para sa mga Muslim sa buwan ng Ramadan.
Ang Ramadan ay itinuturing na pinakabanal at ginagawa itong isang napaka-espesyal na buwan ng taon para sa mga Muslim.
Associate Professor Zuleyha Keskin, Associate Head ng Centre for Islamic Studies and Civilisation sa Charles Stuart University, Melbourne.
Ang Islamic calendar, na kilala ding Hijri calendar, ay nakabatay sa pag-ikot ng ng buwan sa mundo at dahil ito ay 10 hanggang 12 na mas maikli kaysa solar year, ang petsa sa Islamic na okasyon ay nag-iiba taun-taon.

Nagyong taon, ang banal na buwan ng Ramadan ay natataon sa pagitan ng ika-22 ng Marso hanggang ika- 20 ng Abril.
Shot of a young muslim woman pouring drinks for her family
Ang pagsasalu-salo ng magpamilya sa panahon ng Ramadan. Source: iStockphoto / PeopleImages/Getty Images/iStockphoto

Bakit kinakailangan ng mga Muslim na mag-ayuno?

Ang pag-aayuno (Sawm isa wikang Arabic) o fasting ay tinaguriang isa sa tinatawag na 'Five Pillars of Islam', ito ay ang Pananampalataya, Panalangin o pagdaraasl, pagbibigay ng limos, Pag-aayuno at Hajj o pilgrimage.


Kapag Ramadan ang mga Muslim ay kinakailangan na pigilin o umiwas sa paninigarilyo, pakikipagtalik, pagpapakita ng galit o pakikipagtalo. Ipinagbabawal din ang paggawa ng immoral na gawain o pagpapakasala.

Bagkus ay hinihikayat ang mga ito na ituon ang sarili sa mga gawain sa pagsamba, tulad ng pagdarasal, pagbabasa at pag-unawa sa Quran at gawaing kawang-gawa.

Dahil dito makikitang maraming Muslim ang dumadalo sa mga moske pagkatapos ng kanilang pag-aayuno o ‘Iftar’.

Dagdag pa ng Director of the Centre for Arab and Islamic Studies at the Australian National University, Professor Karima Laachir, maliban sa relihiyosong tungkulin, ang pag-aayuno ay mayroon ding benepisyo sa kalusugan ng tao.


“Ito ay buwan ng pananampalataya, panahon ng paglalaan ng bawat Muslim para sa kanilang Diyos," paliwanag ni Professor Laachir.
Ito ay isang buwan kung saan muling natututo tayong maging mahabagin na tao, upang maunawaan ang mga pangangailangan ng mga taong mahihirap, na hindi kayang kumain at makipag-ugnayan muli sa mundo sa paligid natin.
Professor Karima Laachir, Centre for Arab and Islamic Studies, ANU
Dagdag pa ni Professor Laachir, maliban sa relihiyosong tungkulin, ang pag-aayuno ay mayroon ding benepisyo sa kalusugan ng tao.

“Physically, ito ay maganda para sa metabolism ng isang tao, nililinis din nito ang katawan sa toxins. Maganda ang naidudulot nito sa katawan ng tao, tulad ng sikat ngayon na intermittent fasting."
Friends gathering for eating dinner together
Ang mga nasa hustong gulang o adult na nasa maayos ang pangangatawan ay kinakailangang mag-ayuno mula madaling araw hanggang sa takipsilim sa panahon ng Ramadan. Source: Moment RF / Jasmin Merdan/Getty Images

Ano ang Eid?

Matapos ang isang buwang pag-aayuno, ito na ang tinatawag na Eid.

Ang Eid ay isang Arabic na salita na ang ibig sabihin ay ‘festival’ o ‘pagdiriwang' at may dalawand Eids sa Islamic calendar: Eid al-Fitr at Eid al-Adha.

Eid al-Fitr ay tinutukoy ‘Smaller Eid’, kung saan tatlong araw na ipinagdiriwang ang mga nagawa o nakamtan ng isang tao sa panahon ng Ramadan.
Ang Eid al-Fitr ay isang pagkakataon upang ipagdiwang ang nakamtan ng isang tao sa buwan ng Ramadan.
Dr Zuleyha Keskin, Centre for Islamic Studies and Civilisation, Charles Stuart University
Habang ipinadiriwang ang Eid, kinakailangan ang mga Muslims ay magbigay sa mga charity, na tinuttukoy na Zakat al-Fitr para sa mga mahihirap na hindi makapagdiwang.

Sabi ni Professor Laachir ang, Eid al-Fitr ay isang pagdiriwang ng “pagsasama-sama at pagpapatawad” dahil pinasisigla nito ang diwa ng komunidad at hinihikayat ang mga Muslim na humingi ng kapatawaran.

Higit pa rito, nag-aalok ito ng magandang pagkakataon para sa mga bata na magsaya, magkaroon ng mga bagong kaibigan, at maging pamilyar sa kultura.
Tradicionalni muslimanski roditelji i njihova djeca dijele lepinju tokom iftara u Ramazanu
Karamihan sa mga bansang may mga mananampalataya ng Islam o Islamic countries, ang Eid al-Fitr isang public holiday. Source: iStockphoto / Drazen Zigic/Getty Images/iStockphoto
Dagdag nito karamihan sa mga Muslim ay bumibili ng bagong damit, lalo na para sa mga bata, pati paglilinis ng bahay at paggawa ng espesyal na pagkain at sweets bilang isang malaking bahagi ng paghahanda sa Eid.

Nitong taong 2023 ang pagdiriwang ng Eid al-Fitr ay itataon sa ika-21 o 22 ng Abril, depende sa pagpapakita o sighting ng buwan. Karamihan sa mga Muslim coutries, ang Eid al-Fitr ay dineklarang public holiday.

Samantala ang Eid al-Adha, na kilala ding ‘Eid of Sacrifice’ o ‘Greater Eid’, ito ay pagkatapos ng taunang Hajj pilgrimage at ipinagdiriwang ang kahandaan ni Abraham na sundin ang utos ng Diyos na isakripisyo ang kanyang anak na si Ismael.
EID AL FITR  SYDNEY
Mga myembro ng Muslim community ay nagdiriwang ng Eid al-Fitr, bilang pagtatapos ng isang buwang pag-aayuno sa pagdarasal sa Lakemba Mosque sa Sydney. Source: AAP / DEAN LEWINS/AAPIMAGE

Paano ipinagdiriwang mga Muslim sa Australya ang Eid?

Ang pagdiriwang Eid al-Fitr ay sisimulan sa mga espesyal na pagdarasal sa umaga sa unang araw ng ika-10 buwan ng Islamic calendar.

Ang mga pagdarasal na dinadaluhan ng komunidad ay isinasagawa sa mga lokal na moske at sentro ng komunidad kung saa binabati ng mga tao ang isa’t isa ng ‘Eid Mubarak’, na ang ibig sabihin ay ‘Happy Eid’.

Sa panahong ito ang magpapamilya at magkakaibigan ay magsasalu-salo.

"Ang pagdiriwang na ito ay isang salu-salo ng pamilya kung saan binibisita ng lahat ang iba, at nagpapakasawa sila para sa tatlong araw ng pagdiriwang ng Eid al-Fitr sa mga espesyal na cake at pagkain," dagdag ni Prof Laachir.

Gayunpaman, ang mga Muslim sa Australya at sa ibang pang bansa ay iba-iba ang pagdiriwang batay na din sa kanilang kultura at tradisyon.
RAMADAN EID SYDNEY
Napuno ang Mosque sa Lakemba at marami pa ang pumila sa mga lansangan upang markahan ang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan sa Sydney. Source: AAP / JANE DEMPSTER/AAPIMAGE
Si Ali Awan isang Pakistan- Australian ay abala tuwing Eid al-Fitr, dahil siya ang nag-oorganisa ng isa sa pinakamalaking multicultural Eid festival sa buong bansa bawat taon.

Sinabi niya mayroong "malaking" pagkakaiba sa kultura sa pagitan ng mga Muslim na may iba't ibang pinagmulan.

Ang kanyang trabaho bilang tagapangulo ng Australian Multicultural Eid Festival ay pagsama-samahin silang lahat sa isang lugar.

"Ang ibang mga tao nagluluto ng ibang pagkain, iba din ang kanilang mga suot sa araw ng Eid. At sa pagdiriwang naman iba iba ang mga kaganapan, "paliwanag ni Awan.
Sa panahon ng Eid festival, sinisikap naming pagsama-samahin ang lahat ng iba't ibang pagtatanghal, iba't ibang kultura sa isang lugar at iyon ang kagandahan ng Australia.
Ali Awan, Australian Multicultural Eid Festival
Sumasang-ayon si Propesor Laachir, na nagsasabing ang mga pagdiriwang ng Eid sa Australia ay higit na magkakaibang at makapangyarihan kaysa sa maraming mga bansang may mananampalataya ng Islam.

"Ang maganda sa komunidad ng Muslim sa Australia ay ang karamihan sa mga pagdiriwang ay nangyayari sa mga sentro ng komunidad at sa mga lokal na moske, para pagsasama-samahin ang lahat ng mga komunidad na ito, na may iba't ibang pinagmulan."

Share