Uminit na ba ang ulo mo sa pagmamaneho sa Australia o nasangkot sa road rage? Alamin kung paano ito harapin

Australia Explained - Road Rage

Credit: Jacobs Stock Photography Ltd/Getty Images

Alamin ang mga inaasahan sa ligtas at responsableng pagmamaneho at kung ano ang dapat gawin kapag ikaw o ang iyong mahal sa buhay ay nasangkot sa isang road rage.


Key Points
  • Ang agresibong pagmamaneho at road rage ay maaaring ma-trigger ng parehong personal at external factors.
  • Huwag magtangkang gumanti kung ikaw ay nakakaranas ng road rage.
  • Unawain ang mga driver sa daan kapag sila ay nagkakamali.
Ang pagkakaroon ng lisensya sa pagmamaneho ay may kaakibat ng pagiging magalang sa ibang mga drayber.

Ngunit may iba't ibang choice ang mga driver kapag sila ay galit o frustrated na maaaring magdulot ng gulo sa daan at jeopardise road safety.

Bagaman walang opisyal na data tungkol sa mga road rage isang survey sa survey noong 2024 na isinagawa ng comparison site na Finder ay lumabas na tatlo sa apat na mga Australians ay nakaranas road rage habang nasa daan.

Australia Explained - Road Rage
Impatient woman gesturing while driving car during rush hour in the city Credit: freemixer/Getty Images
Ayon kay Associate Professor James Kirby ng University of Queensland School of Psychology ay nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa sikolohiya sa likod ng road rage.


Sinabi niya na ang agresibong pag-uugali sa pagmamaneho ay maaaring dulot ng mga personal na paniniwala at prejudice, batay sa kasarian at edad ng ibang mga drayber, halimbawa, o indibidwal na interpretasyon ng isang driving-related event.

Nariyan din ang external stressors.

"Ang time pressure ay isa sa mga pangunahing dahilan. Para sa mga taong nagmamadali mula sa isang lugar patungo sa isa pa, kung mayroong isang bagay na magpapabagal sa kanila sa trapiko, ito ay maaaring maging sanhi ng road rage."

Dahil dito maaaring maging sanhi ito ng maraming aksidente.

" "Kaya, iyon ay isang problema siyempre, iniisip ng isang driver na mas magaling pa siya sa pagmamaneho kaysa ibang driver sa daan."

Australia Explained - Road Rage
Angry Middle Eastern man Attacking Another Driver Sitting In Car Credit: DjelicS/Getty Images
Pagharap sa mga agresibong driver sa daan

Kabilang sa mga karaniwang pag-uugali ng road rage ang biglaang pagpreno o pagpapabagal upang inisin o harangin ang iba, paghabol sa ibang sasakyan, sobrang bilis na pagmamaneho, pag-flash ng ilaw upang pilitin ang ibang driver na tumabi, at tailgating.

Ipinaliwanag ni James Williams ang Head of Policy sa Royal Automobile Club of Victoria, nasa humigit-kumulang 2000 ang nabigyan ng multa dahil sa tailgating sa estado kada taon.

Ang mismong road rage ay hindi labag sa batas ; gayunpaman, ang mga aksyon na may kinalaman sa agresibong pagmamaneho na nakakapagkompromiso sa kaligtasan sa kalsada ay pinaparusahan.

Sa Victoria halimbawa, ang tailgating ay maaaring magresulta ng multa na hanggang $248 at pagkawala ng isang demerit point.

Sabi ni William kung sakaling maipit ka sa isang insidente ng road rage, mahalagang unahin ang kaligtasan.

Angry Woman Gestures in Car
Road rage in itself is an offence, however actions associated with aggressive driving compromising road safety are penalised. Credit: John W. Banagan/Getty Images
Kapag nasangkot sa isang sitwasyon ng road rage, mahalagang manatiling kalmado at gumawa ng mga hakbang upang mapawi ang tensyon bago ito lumala.

Kung ikaw ang biktima ng galit, pinakamainam na gawin ay manatiling kalmado at umiwas sa sitwasyon.

Maaari itong mangahulugan na padaanin ang nasangkot na driver, mag pull over sa ligtas na lugar, o gumawa ng hakbang para pakalmahin ang sitwasyon.

Road rage at insurance

Sa ganitong pagkakataon kung may pinsala sa sasakyan dahil sa road rage sabi ng insurance expert ng Finder na si Tim Bennet karaniwang ang insurance company ng may kasalanan ang magbabayad ng gastos.

“Ang ideal outcome ay… ang dalawang sasakyan ay huminto at mag exhange ng kanilang mga detalye, pero kung agresibo ang isang partido, agad subukang kunin ang plate number ."

Australia Explained - Road Rage
Cyclists and pedestrians are road users who are also potential targets of road rage behaviours. Credit: olaser/Getty Images
Dagdag pa nito ang salarin sa isang insidente ng road rage na nagreresulta sa isang claim ay karaniwang makakaranas ng increase ng kanilang insurance premiums.

Sa kasamaang-palad, maaari rin itong mangyari sa driver na biktima ng road rage.

Ano gagawin kung ikaw ay pasahero ?

Kung ikaw ay pasahero ng salarin ng road rage, napaka-stressful ito sa iyo dahil maaari kang walang magawa o malagay sa panganib ang buhay.

Ang pinakamainam na gawin ay nakadepende sa maraming dahilan kasama dito ang relasyon mo sa driver.

Iminumungkahi ni Prof Kirby ang ilang mga estratehiya upang ilihis ang atensyon at pakalmahin ang driver nang hindi ginagamit ang katagang 'kalma ka lang’.

Australia Explained - Road Rage
You can try several strategies as a passenger to calm down the driver amidst a road age incident, but their effectiveness will depend on the nature and quality of your relationship. Credit: PixelsEffect/Getty Images
Sa huli, ang ligtas at responsableng pagmamaneho ay nangangailangan ng pagiging maingat at may pang-unawa sa bawat pagkakataong ikaw ay nasa likod ng manibela.

"Sa kasamaang palad, ang mga pagkakamali sa kalsada ay mapanganib at kaya minsan ay napapalabis ang ating reaksyon," sabi ni Prof. Kilby.

"Ang aking payo ay subukang huwag agad humusga at maging mapagpatawad hangga't maaari. Walang dahilan upang pumatol o gumati."
Australia Explained - Road Rage
If a person consistently engages in road rage behaviour, psychological therapy can help them deal with the management and expression of their anger, Prof Kirby says. Source: Moment RF / Fiordaliso/Getty Images

Kung pakiramdam mo ay hindi ligtas sa gitna ng isang insidente sa kalsada, makipag-ugnayan sa pulisya.

Ang masamang pag-uugali sa pagmamaneho ay maaari ring i-report sa pamamagitan ng pagtawag sa Crimestoppers sa 1800 333 000.

Share