Key Points
- Sa taong 2019, 77 porsyento ng kababaihan ang dumalo sa antenatal care sa loob ng unang tatlong buwan ng pagbubuntis
- Ang mga babaeng galing ibang bansa at mga mas batang buntis ang hindi dumadalo sa antenatal care sa first trimester
- Ang regular screening ay nakakatulong para maiwasan ang komplikasyon tulad ng alta-presyon at diabetes sa mga buntis
Para maging malusog at makaiwas sa sakit ang ina at batang nasa sinapupunan kailangang sumailalim sa antenatal care ang mga buntis.
Ayon kay Dr Adele Murdolo ang Executive Director ng Multicultural Centre for Women’s Health sa Melbourne, ang pagpapatingin sa health practitioner sa panahon ng pagbubuntis ng mas maaga ay makakatulong para maging maayos ang kondisyon ng isang ina at ng bata.
"Mahalagang magpabook agad ng appointment sa doktor para masuri, kung may problema sa pagbubuntis," sabi ni Dr Murdolo.
Sa datos mula sa sa taong 2019, 55 per cent ng buntis ang sumailalim sa antenatal care sa loob ng unang sampung linggo ng pagbubuntis.
Dagdag ni Dr Murdolo sa ang mga babaeng migrants ay kadalasa'y pinapaliban ang antenatal care kaysa dito na lumaki sa bansa.
Inirerekomenda ng gobyerno na ang bawat buntis ay dapat sumailalim sa antenatal care sa loob ng 10 linggo ng pagbubuntis. Napag-alaman natin na kahit higit 20 weeks na ang pagbubuntis, 20 porsyento sa mga migrant na buntis ang hindi dumadalo sa antenatal care.Dr Adele Murdolo, Executive Director at Multicultural Centre for Women’s Health, Melbourne.
Ang datos na ito ay sa buong Australia "pero sa may lugar na marami ang mahihirap mas mababa pa ang rate doon," dagdag ni Dr Murdolo.
Dahil may ibang grupo ng kababaihan na migrant ang hindi nagpapa-antenatal care.

Some groups of migrant women in Australia don't get any antenatal care. Source: Getty / Getty Images/Dean Mitchell
Kapag agad nalaman ang kondisyon ng isang buntis mas maagapan ang problema ng mga buntis dahil ang mga health practitioner ay may malaking maitutulong sa kanila at sa bata.Dr Murdolo
Dagdag naman ni Amanda Henry isang Associate Professor sa Obstetrics and Gynaecology sa University of New South Wales (UNSW) at kasalukuyang Obstetrician sa St George Public Hospital at Royal Hospital for Women sa Sydney.
Saad ni Professor Henry, ang tama talaga kapag mabuntis dapat magpasuri sa doktor o GP sa loob ng 10 linggo ng pagdadalang tao hindi pagkatapos ng 14 na linggo.
Kabilang sa karaniwang tests ng mga buntis ay:
- ultrasounds,
- blood at urine tests, at
- cervical screening, pasusuri ng blood pressure, pagsuri sa kondisyon ng mental health
Kapag nalaman ng babae na sya ng buntis, kadalasan nagpapakonsulta ito sa doktor para makompirma, ang GP na din ang nabibigay ng paunang pagtatasa sa kondisyon ng buntis.Amanda Henry, Associate Professor in Obstetrics and Gynaecology at UNSW.
Ang paunang assessment na ito ay karaniwang kinabibilangan ng pagsusuri ng blood pressure para masigurong walang sakit na maka-apekto ng kanyang pagbubuntis.
Isasailalim din sa blood at urine test ang mga buntis sa unang pagbisita sa GP.
Sa unang pagkakataon, pinapaliwanag din ng mga doktor ang paraan ng public at private care sa mga babae.
Ultrasounds
Ang mga ultrasounds na isinasagawa sa mga buntis:
- 8–9 weeks: dating scan
- 11–13 weeks: first trimester screen
- 18–20 weeks: morphology scan
- Dagdag na ultrasounds ay inirerekomenda ng doktor pagkatapos ng 20 weeks para sa high-risk na pagbubuntis o para makita ang paglaki ng sanggol sa sinapupunan.

Regular screening can prevent early complications. Source: Getty / Getty Images/Chris Ryan
Gayunman, maraming kababaihan ang sumasailalim sa dating scan at ang first trimester scan.
Ang dating scan
Maaaring makita ng paunang scan na ito ang kung paano umuusad ang iyong pagbubuntis, kung ito ba ay nasa tamang lugar o sa loob ng matris o wala – ito ang kondisyon na tinatawag na ectopic pregnancy.
Ang first trimester scan
Ang scan na ito ay ang 11-13 week scan at tinawag ito ng maraming pangalan gaya ng : "the nuchal translucency scan", "the first trimester screening scan" o "the early anatomy scan," paliwanag ni Prof Henry.
"Layunin ng untrasound na ito ay para makita ang potensyal na chromosome problems partikular ang Down Syndrome at para makita ang buong istraktura ng sanggol tulad ng development ng utak, kidneys o mga bato pati ang kanyang puso," sabi ng propesor.
"Para maagang makita ang development ng sanggol makikita ito sa 18-20 week scan."

Only 50-65 per cent of all structural abnormalities in the baby would be picked up at the 20 week scan. Source: Getty / Getty Images/Karl Tapales
Ang morphology scan
Ang morphology scan ay isang ultrasound kung saan sinusuri ang iba't-ibang bahagi ng katawan ng sanggol at ang mga nakapalibot nito sa loob ng sinapupunan, kabilang dito ang :
- spine o gulugod,
- ulo at utak,
- abdominal wall,
- puso,
- tiyan,
- bato at pantog,
- braso,binti, paa, kamay at arms,
- placentao inunan,
- pusod, at
- amniotic fluid
Subalit paliwanag ni Dr Henry karaniwang nasa 50 hanggang 65 per cent ng mga abnormalities ng sanggol ang natutuklasan sa 20 weeks-scan.
Paunawa pa ng doktor walang isang test o kahit kombinasyon ng mga test para maging 100 per cent na tiyak maayos ang kondisyon ng bata.

Pregnant Women who don’t speak English can have an interpreter during antenatal consultation. Source: Getty / Getty Images/sturti
Mayroong tiyak na porsyento, sa tulong ng health practitioners at ng ina maiwasan ang stillbirth o pagkamatay ng bata sa sinapupunan, kaya dapat itong ipaalam ng mas maaaga sa mga ina.Dr Murdolo.
Ang bagay na ito ay partikular na nakakaapekto sa mga migranteng kababaihan, ang binibigyang diin niya.
"Sa pangkalahatan, sa mga migrant women may grupo nga na may pinakamataas ng bilang ng pagkamatay ng sanggol sa kanilang sinapupunan."
Ipinapaalam din nito sa mga buntis na hindi makapagsalita at makaunawa ng wikang English ay maaaring kumuha ng interpreter sa panahon ng antenatal care.
Tandaan din na iba't-iba ang protocols sa bawat estado at teritoryo sa pagkuha ng interpreter pero sa pangkaniwan, ang mga buntis na nangangailangan ng interpreter dapat ipaalam ng maaga sa klinika pagka-book ng appointment, sa gayun handa na sa panahon ng itinakdang appointment sa antenatal care.