Bakit mahalaga ang pagtuturo ng paglangoy sa mga bata sa Australia?

Elementary Students Taking a Swim Class

Ang water competency ay higit pa sa natuto kang lumangoy. Ang ligtas na paglusong at paglabas ng tubig, pagkontrol sa paghinga, paglutang at pagtukoy sa peligro ay mga halimbawa ng mga pangunahing kasanayan sa aquatic Credit: FatCamera/Getty Images Credit: FatCamera/Getty Images

Ang water safety at ang matutong lumangoy ay mahalagang kasanayan na kinakailangan ng bawat bata sa Australia. At narito ang dapat malaman ng mga magulang tungkol sa kahalagahan ng swimming lesson at ang ilan pang mga opsyon na maaaring magamit.


Key Points
  • Dapat isama ang water survival at safety skills sa pagtuturo sa paglangoy
  • Ang kakayahan ng mga bata na maka-survive sa tubig ay nakasalalay sa kanilang edad
  • Ang mga eskwelahan ay may programa sa paglangoy at water safety skills, habang ang estado at teritoryo ay nagbibigay ng sports voucher para matutong lumangoy ang mga bata
Mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga Australians ang tubig, ngunit sa kabila nito, ang pagkalunod ay pangunahing dahilan pa din ng pagkamatay at sakuna lalo na sa mga pinakabatang myembro ng bawat pamilya.

Ang mga batang may edad limang taong gulang pababa ay may pinakamataas na panganib ng pagkalunod, sa katunayan nasa average na 23 ang namatay at 183 ang na-ospital bawat taon sa buong Australia.

Gayunpaman, ang hindi kanais nais na insidenteng ito ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng water safety skills at pagtuturo sa mga bata sa paglangoy.

“Kadalasan sinasabi natin, 'hindi mangyayari ito sa akin' Dapat hindi ganyan ang ating pag-iisip. Dahil maaari itong mangyari kahit kanino, lalong lalo na sa mga batang may edad zero hanggang limang taong gulang at nangyayari ito kahit sandali lang nawala ang atensyon mo sa bata," sabi ni Dr SV Soundappan, isang trauma surgeon ng Children's Hospital sa Westmead.
Caucasian boy jumping from canoe into lake
Kapag marunong lumangoy at alam ang water safety skills, siguradong ma-enjoy ang maraming libangan sa labas dito sa Australia. Credit: Mike Kemp/Getty Images/Tetra images RF
At nitong nagdaang taon ng 2022, tumaas ang bilang ng mga bata na nadala sa mga ospital sa Sydney dahil sa insidente ng pagkalunod. Bagay na nag-udyok sa panibagong babala mula sa mga eksperto mula Sydney Children’s Hospital Network at ng New South Wales Ambulance.
Ang Australia ay isang bansang mapagmahal sa tubig, mahal namin ang aming mga water sports, beach, at pool. Gusto lang naming tiyakin na nandiyan kami sa oras upang paalalahanan ang mga tao na panatilihing ligtas ang mga bata sa tubig.
Dr SV Soundappan, Children's Hospital sa Westmead
Kahit pa ang insidente na muntik lang nalunod ay may epekto sa kalusugan ng mga bata, saad pa ni Dr Soundappan.

“Alam nating lahat na kahit tatlong minuto ka lang nalubog sa tubig o higit pa dun, siguradong may pinsala na sa iyong utak. Pero dapat intindihin ng lahat kahit mas mababa pa ang oras dun, may epekto na ito sa kakayahan ng bata na matuto."

Mother teaching her son how  to swim
Para sa maliliit na bata, ang aktibong pangangasiwa ay nangangahulugan kasama sa tubig ang isang magulang o guardian na nasa hustong gulang at naaabot ng braso ang bata. Source: Moment RF / Yasser Chalid/Getty Images

Ano ang 'pinakatamang' edad para magsimulang turuan ang bata na lumangoy?

Ayon kay Stacey Pidgeon, ang National Manager for Research and Policy at Royal Life Saving, maraming magagawa para maiwasan ang pagkalunod.

Para sa mga batang may edad limang taong gulang pababa, kinakailangan ang active supervision, dapat may sapat na kaalaman ang magulang sa CPR first aid skills, at limitahan ang access nito sa tubig o takpan ang mga balde o palalagyan ng tubig.

Anuman ang edad ng bata, ang water safety ay kinakailangang bahagi ng pagtuturo ng paglangoy o swimming lessons at ito ay dapat na isaalang-alang ng mga magulang para sa kanilang mga anak.

“Tulad ng matutong magpalutang ang mga bata o float, marunong sumisid sa ilalim ng tubig, marunong magligtas ng ibang tao na hindi nalalagay sa panganib ang sarili, at higit sa lahat alam o sa lifesavers.”
Children naturally curious around water
“Likas na mausisa ang mga bata sa tubig; gayunpaman, hindi nila naiintindihan ang mga panganib na maaaring idulot nito," sabi ni Dr Soundappan. Source: Moment RF / Isabel Pavia/Getty Images
Sa ngayon, binabalangkas ng ang isang komprehensibong listahan nga mga kasanayan na dapat na paunlarin o i-develop ng mga bata na ayon sa kanilang edad.

Dagdag ni Pidgeon may tatlong pangunahing benchamark para sam mga bata na nasa edad 6, 12 at 17 taong gulang.
Sa edad na 12, ang isang bata ay dapat na lumangoy ng 50 metro, lumutang ng dalawang minuto, at magsagawa din ng rescue at isang survival sequence na may damit.
Stacey Pidgeon, National Manager for Research and Policy at Royal Life Saving
“Gusto naming makasiguro na pagkatapos ng elementarya ang mga bata ay may sapat na kaalaman na sa ganung kasanayan."

Sa buong bansa, ang kurikulum ng paaralan ay nag-aalok sa mga bata ng pagkakataong dumaan sa isang programa sa paglangoy at water safety habang nasa elementarya pa ang mga ito.

Iminungkahi din sa mga magulang na dapat samantalahin ang mga sports voucher na ipinamimigay ng mga estado at teritoryo ng bansa para ipasok sa swimming lesson ang mga anak.

“Ang bawat estado at teritory ay may iba't-ibang eligibility criteria, kasama ang dalawang estado na may detalyadong vouchers para sa swimming at water safety na programa," paliwanag ni Pidgeon.
Swim Instructor Working with a Little Girl
Hinihikayat ang mga magulang na tiyakin na ang kanilang mga anak na hindi hihinto ng maaga sa swimming lessons bago maabot ang pinaka-minimum na kakayahan para sa kanilang edad. Credit: FatCamera/Getty Images

Ang responsibilidad ng mga magulang

Ayon kay Brendon Ward ang CEO ng Australian Swimming Coaches and Teachers Association, ang water familiarisation o turuan ang mga bata na maging komportable s tubig ay maaaring magsimula kahit sangol pa, sa edad na anim na buwan, may ibang swimming schools naman mas maaaga pa ang pagsisimula.

“Tinuturuan lang ang mga bata na maging komportable sa tubig hanggang sa ramdam na ng mga magulang at trainor na handa ng simulan ang pagsasanay."

Dagdag ni Ward sa pagitan ng edad na tatlo at apat maraming bata na ang nagsisimulang makabuo ng pangunahing kasanayan sa water safety at handa na itong matutong lumangoy.

Ang mga magulang ay maaaring magkaroon ng aktibong papel sa pagtulong sa kanilang mga anak na maging safety swimmers sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga patakaran at kamalayan sa panganib mula sa murang edad.
Asian father and baby at swimming pool, happily clapping
Ang pagpapakilala sa iyong sanggol sa pakiramdam ng tubig ay maaaring maging isang espesyal na karanasan sa pagbubuklod ng magulang at anak. Source: Moment RF / Navinpeep/Getty Images
“Tiyak na para sa mga bata na nakita kong natutong lumangoy at ang aking mga anak, gumawa ka ng routine para malaman nila na hindi sila pwedeng pumuta sa tubig maliban kung nakasuot sila ng kanilang mga swim wear, alam nila na hindi pwedeng lumusong sa tubi mag-isa, maliban kung may kasama silang matanda.”

Importante din sa mga magulang na maging komportable at may kakayahan din sa paglusong sa tubig o marunong lumangoy para maging mas epekto ang kanilang pagbabantay sa mga anak na nag-aaral pa sa paglangoy.

Pero may mga magulang na nandito sa Australia at wala naman karanasan sa paglangoy mula sa kanilang pinanggagalingang bansa.

Saad pa ni Dr Soundappan, tinatayang nasa isa sa limang bata na nasangkot sa insidente ng pagkalunod ay galing sa komunidad na may iba't ibang kultura at pinagmulan.

Hinihikayat din ang mga magulang at kahit mga nasa wastong edad na na mga bata na dapat magsimulang matutong lumangoy sa madaling panahon.

"Nag-aral ako para marunong akong magpalutang-lutang sa tubig, kaya naniniwala ako na bilang mula sa komunidad na diverse ang backgroudn, maraming mga magulang ang hindi marunong lumangoy."

"Sa kabutihang-palad sa Australia, maaari nating maipasok ang mga bata sa tubig sa safety na environment, may mga swimming lessons para sa mga mas bata. Kaya, ang pagsisimula ng maaga ay talagang mabuti dahil kapag nakatira sila dito, malamang pumupunta sila sa mga tubig sa paligid, at i-involve nila ang sarili sa mga water activities na pwedeng libangan."
Kids Entering the Pool
Ang sanayin ang mga bata na magsuot ng swim wear bago ang pagsisimula ng swimming lesson ay makakatulong sa kanila na maging komportable at nasasabik tungkol sa paparating na klase. Credit: FatCamera/Getty Images
At tulad ng anumang aktibidad, ang pag-enroll sa mga bata sa swimming lesson ay nangangailangan ng ilang pananaliksik.

Kaya may pahabol na payo ang CEO na si Brendon Ward sa mga magulang para sa pangunahing pamantayan na dapat mahanap kung saan naroon ang kanilang mga anak.

  • Ang swimming school ba ay may kwalipikadong mga guro sa paglangoy? 
  • Ang mga swimming instructor na ito ay may sapat na kaalaman at accreditation?
  • Ang swim school ba ay tugma sa iyong mga pinaniniwalaan at kaugalian? 
  • Malinis at maayos ba ang swimming school? 
  • May magandang ratings o testimony ba ang swimming school na ito?
Voucher Schemes para sa swimming/sports sa buong estado at teritoryo

NSW 
para sa mga batang may edad 3 – 6 taong gulang. 
NT
para sa mga batang nasa elementarya.
para sa mga batang may edad 5 taong gulang pababa.
QLD 
SA
para sa mga batayng may edad 5 – 15 taong gulang.
TAS
vouchers.
VIC
Voucher Program
WA
program 

Share