May halos 2.7 milyong tagapag-alaga o carer sa Australya. Ang mga tagapag-alaga ay nagmumula sa iba't ibang edad, kasarian, at pamumuhay. Ngunit may isang bagay na pare-pareho sa kanila ay ang kanilang dedikasyon sa isang tao sa kanilang buhay na nangangailangan ng suporta.
Samantalang ang iba ay biglang naging tagapag-alaga matapos ang aksidente o sakit nagkasakit ang kaanak, may iba naman na ipinanganak na may kapansanan. Sa ilang mga kaso, ang pagiging tagapag-alaga ay isang proseso na unti-unting nangyayari.
"Ang mga tagapag-alaga ay mga taong nagbibigay ng libreng pangangalaga at suporta sa isang tao na nangangailangan ng tulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, na may kapansanan, kondisyon sa mental health, nakababahalang karamdaman, problema sa alak o droga, o mga taong mahina dahil sa kanilang edad," paliwanag ni Patty Kikos, counsellor at social worker.
Ang isang carer o tagapag-alaga ay hindi isang care worker o support worker na kumikita ng sahod sa pagpunta sa mga tahanan ng mga tao at nag-aalok ng suporta.Patty Kikos, counsellor, social worker at podcast host.
Ang hamon sa pag-aalaga
Ang pagiging isang tagapag-alaga ay karaniwang isang pangmatagalang responsibilidad na sakop ang lahat. Ang mga responsibilidad ng isang tagapag-alaga ay maaaring magkakaiba, mula sa pagbibigay ng pisikal at personal na pangangalaga hanggang sa emosyonal at sosyal na suporta.
Ang mga karaniwang tungkulin ay maaaring kabilang ang pagbihis, pagpapaligo, pagpapakain, paglilinis, at pag-aasikaso ng mga gamot. Ang mga tagapag-alaga ay maaari ring mag-ayos at dumalo sa mga appointment, tumulong sa mga bangko, at sa mga oras ng emerhensiya. Habang dumarami ang mga responsibilidad na hinaharap ng isang tagapag-alaga, lalo namang lumalaki ang pasanin nito.
"Ang papel ng pag-aalaga ay maaaring maging magulo... Ito ay karaniwang nauugnay sa, 'ay Diyos ko, nangyari na naman ito!'... Kaya ibig sabihin nito, kailangan mong patuloy na maging malikhain sa mga pag-aayos sa iyong iskedyul," sabi ni Kikos, na host rin ng .

Caring hands Credit: AMCS
"Kapag ikaw ay malapit na pamilya ng iyong inaalagaan, nagbabago ang buong personal na buhay mo. Kung minsan, magiging anak ka ng iyong inaalagaan minsan naman ginagampanan mo ang pagiging asawa.
"Kung minsan, papel mo ang magiging isang ina sa mga anak ay independiyente at lumalaki na, pero bigla kang naging tagapag-alaga ulit. Epekto nito ang pagkabilga ng iyong sistema at sa totoo lang hindi ito madali," dagdag ni Kikos.

Ang mga sistemang medikal at suporta sa lipunan ng Australya ay hindi kakayanin kung walang kontribusyon ng mga hindi-bayad na tagapag-alaga, kaya't kinikilala ng pamahalaan ang kahalagahan ng pagsuporta sa mga tagapag-alaga upang mapangalagaaan din ang kanilang sarili. Credit: Erdark/Getty Images
Mga supporta ng carers na maaari nilang makuha
Maraming mga tagapag-alaga ang hindi nagkakakilala bilang ganoon, kaya't maaaring hindi nila pinapansin ang mga panganib ng pag-aalaga. Maaaring hindi nila alam na may mga serbisyong suporta upang tulungan silang malabanan ang mga emotional stress, pinansyal na kahirapan, social isolation, at mga praktikal na pasanin na kaakibat ng papel na ito.
Ang ilang mga tagapag-alaga ay maaaring maging karapat-dapat sa pagtanggap ng isang fortnightly allowance para sa mga tagapag-alaga at iba pang mga suporta sa pamamagitan ng , at ang .
Ang halaga ng allowance ay maaaring katulad ng Age Pension, ngunit depende ito sa personal na kalagayan, dahil ang mga suportang ito ay tinutukoy base sa kita at ari-arian ng taong nag-aalaga at ng taong tinatanggap ang pangangalaga.

Ang ay isang ina ay gumagawa ng art kasama ang anak na may Cerebral Palsy Credit: ferrantraite/Getty Images
Ang ,, isang suportang network para sa mga tagapag-alaga na sinusuportahan ng pamahalaan ng Australya, ay nagbibigay ng iba pang mga libreng serbisyo para sa mga tagapag-alaga na hindi isinasailalim sa pagsusuri ng kita.
"Kapag tumawag ka sa national number, ito ay awtomatikong magkakonekta sa lokal mong service provider. Maaari kang makakuha ng mga serbisyo tulad ng emergency respite, carer-directed support, peer support, counselling, facilitated coaching, at mayroon din kaming programa para sa mga batang tagapag-alaga," paliwanag ni Kikos.
"Mayroon din kaming mga regular na online na workshop na maaaring makatulong sa iyong papel bilang tagapag-alaga, tulad ng pag-unawa sa proseso ng pagluluksa, sesyon sa paglilinis, nutrisyon, kalusugan, yoga, meditasyon, at kahit mga klase sa art therapy," dagdag niya.

Credit: Westend61/Getty Images
Si Haya Alhilaly, isang Carer Coach ng Carer Gateway, ay ipinanganak sa Iraq at nagsilbi bilang tagapagturo sa ng mahigit na dalawang taon.
Tulad ng marami sa kanyang mga kasamahan, siya ay nagmamotibo na suportahan ang mga tagapag-alaga batay sa kanyang sariling karanasan. Sa kanyang kaso, siya ay tumanggap ng pangangalaga matapos magkaroon ng malubhang pinsala.
"Kapag nag-uusap ang mga tagapag-alaga sa akin tungkol sa kanilang papel bilang tagapag-alaga, naaalala ko ang pinagdaanan ng aking ina," aniya.
"Ang mga serbisyong Carer Gateway ay tungkol sa tagapag-alaga. Mayroong maraming mga serbisyo para sa mga taong kanilang inaalagaan, tulad ng My Aged Care at NDIS, ngunit ang Carer Gateway ay nakatuon lamang sa tagapag-alaga, na kung minsan ay napakahirap unawain para sa mga tagapag-alaga, dahil palaging nakatuon ang atensyon ay nasa taong kanilang inaalagaan, kaya ito ay isang bagong konsepto kapag mayroong lumalapit sa kanila at sinasabi, 'ano ang mahalaga sa iyo? Ano ang iyong nais?'"

Ang nakalatalikod na babaeng caregiver, ay niyayakp ang isang lalaki na nasa bahay bilang isang pagbati. Credit: Klaus Vedfelt/Getty Images
Ang mga carer coach tulad ni Haya ay nagtatrabaho upang palakasin ang mga tagapag-alaga mula sa iba't ibang pinagmulan. Sinasabi niya na maraming mga tagapag-alagang migranteng hindi nakikilala ang kanilang mga kakayahan at hindi pinahahalagahan ang kahalagahan ng pangangalaga sa sarili, pagtatakda ng mga layunin, at pagpapayo.
"Mahirap ipaliwanag kung ano ang empowerment at coaching. Sa unang o ikalawang sesyon namin, iyon ang aming usapan. Ito ay tungkol sa pagbibigay ng edukasyon kung paano namin sila pinahuhusay upang maging pinakamahusay na bersyon ng kanilang sarili, upang magawa nilang alagaan ang taong iyon.
"Ang ikalawang hamon ay ang stigma at kahihiyan na madalas na kaakibat ng pag-aalaga sa isang miyembro ng pamilya na may kapansanan. Maraming mga tagapag-alaga ang hindi nakikipag-ugnayan sa kanilang komunidad dahil sa pag-aalaga sa isang miyembro ng kanilang pamilya na may kapansanan."

Source: SBS
Sinabi ni Paul Koury na sinimulan niya ang publikasyon matapos siyang maligaw sa kanyang sariling paglalakbay sa pag-aalaga sa kanyang mga nakatatandang magulang.
"Nilalakbay mo ang isang buong mundo nang walang anumang mapa. Ito ay inilathala namin dahil ang mga tagapag-alaga hanggang ngayon ay naramdaman na hindi napapansin, hindi pinahahalagahan, at napabayaan. At hindi nila alam kung saan makakakuha ng diretsahang suporta tulad ng respite, home care... Kung saan makakakuha ng mga boluntaryo... Isinasama namin sa listahan ang lahat ng mga serbisyo at suportang iyon. [Nais naming] gawing madali ang pagtawag at pagkuha ng tulong," aniya.

Isang batang babae ang naglalaro ng doktor-doktoran na nagpapaganggap na nagbigay ang injection gamit ang laruan na syringe sa isang teddy bear. Credit: Donald Iain Smith/Getty Images
Ang self-care ng mga carers ay mahalaga
Sinabi ni Patty Kikos na mahalaga para sa mga tagapag-alaga na maunawaan na sila ay makipag-ugnayan sa iba pang mga kasapi ng komunidad ng mga tagapag-alaga. Ipinapahiwatig niya na ang pagkakaroon ng regular na pahinga ay mahalaga.
"Ti'yakin na nakapaligid ka sa isang komunidad na magkakatulad ang pag-iisip," aniya.
Mahirap na (para sa mga tagapag-alaga) na humingi ng tulong... Ang pagbibigay-prioridad sa pahinga at pagpaplano nito ay tunay na mahalaga, dahil kung hindi mo ito isasama sa iyong schedule, hindi ito mangyayari.
"Ang papel ng pag-aalaga ay maaaring maging napakabigat sa puso. Kaya, upang maipantay ito, mahalaga na gawin ang mga bagay na nagpapagaan sa iyong kalooban. At kung ibig sabihin nito ay panonood ng nakakatawang palabas sa TV, o pagguhit ng kalahating oras araw-araw, o paglalakad kasama ang isang kaibigan, o pagiging mag-isa, napakahalaga na gawin ito para sa iyong kalusugan sa pag-iisip.
"Maging mahusay sa pag-aayos ng iyong mga personal na hangganan. Hindi mo palaging magkakaroon ng kakayahang magpakita sa ibang aspeto ng iyong personal at propesyonal na buhay gaya ng dati, kaya mahalaga na ipaalam sa mga tao na maaaring hindi ka gaanong available," pagtatapos ni Kikos.