Cultural burning: Apoy ginagamit para protektahan laban sa sunog at buhayin ang kalikasan

GFX 110225 CULTURAL BURNING AUSTRALIA EXPLAINED HEADER.jpg

Fire work on Wunambal Gaambera Country, WA.

Alam mo ba na ang mga katutubong Australians ay gumagamit ng apoy para pangalagaan ang lupa nang libu-libong taon? Ang mga ebidensya ay nagpapakita na ang mga cultural burning practices ay hindi lang nakakatulong para mabawasan ang tindi at dalas ng mga wildfires, kundi mahalaga rin sa pagpapanatili ng malusog na ecosystem. Ibinabahagi ng mga eksperto ang mga bagong kaalaman tungkol sa likod ng sinaunang pamana na ito.


Key Points
  • Ang 'Cultural burning' isang tradisyunal na pamamaraan ng mga katutubo, ay mas pinapahalagahan ngayon bilang isang subok at epektibong paraan upang mabawasan ang panganib ng wildfires at mapanatili ang kalusugan ng kalikasan.
  • Dahil sa mga Native titles, nabibigyan ng pagkakataon ang mga komunidad ng mga Aboriginal na buhayin muli ang cultural burning ayon sa kanilang kaalaman, at may mga ebidensya na nagpapakita na ito'y epektibo.
  • Ang mga benepisyo ng cultural burning ay hindi lang tungkol sa pagpapababa ng mga wildfire, kundi pati na rin sa pagpapalakas ng buong kapaligiran o ecosystem. Ang mga First Nations ay gumagamit ng isang holistic na approach na nakatutok sa pagpapalakas ng kalikasan at kaligtasan ng buong komunidad.
Marami sa atin sa Australia ang tinitingnan ang apoy bilang isang banta—at tama lang, lalo na't naranasan natin ang matinding pinsala mula sa Black Summer ng 2019–20 at, kamakailan lang, ang mga malawakang wildfires ng 2024.

Pero para sa mga First Nations, ang apoy ay isang makapangyarihang kasangkapan na Mahalaga ito sa pamamahala ng lupa, pagpaplano ng pagkain, at sa pagprotekta ng mga kapaligiran, pati na rin laban sa mga wildfires.

inme56e0ocfv44qprqmgz.png
Wunambal Gaambera Aboriginal Corporation chair Catherine Goonack is among those holding the baton of the fire tradition in Australia today. She learnt cultural burning directly from her ancestors. Photo: Russell Ord for WGAC
Taun-taon, ginagamit ang apoy para linisin ang mga matataas na damo at iba pang mga materyales na naiipon sa lupa.

“My father, he told us every year around we got to burn for harvesting food.

“Cultural burning is the way of our ancestors, a way of life. They used fire to bring the Country alive again, to bring growth and stop the wildfires coming through,” sabi ni Catherine Goonack, Chairperson ng Wunambal Gaambera Aboriginal Corporation.

Ang pamamaraang ito—na kilala bilang cultural burning, firestick farming, o cool burning—ay hindi na gaanong isinagawa sa malawak at malaking lugar mula nang dumating ang kolonisasyon.

At kung bakit mas madaling magka-wildfire at mas vulnerable ang Australia sa mga mapanirang sunog.

“The old people know that it is important to burn the Country to keep it healthy,” dagdag ni Goonack.

Noong 2024, co-author siya ng isang pag-aaral na nagdokumento kung paano bumuti ang sitwasyon ng apoy sa malalayong bahagi ng hilagang Kimberley sa Western Australia, dahil sa muling pagpapakilala ng malawakang paggamit ng tradisyunal na pagsusunog.

“We’ve been monitoring for the last 10 years to stop the wildfires. We’ve had our ups and downs, but we are now back on track.”

Sinusuri ng pag-aaral kung paano napigilan ng apat na grupo ng mga tradisyunal na may-ari ng lupa ang malalaking wildfires na dati ay nangingibabaw sa tropical savanna ng rehiyon.
qlhrbgdvvzcyrv23y0nst.png
Skills of assessing the right timing, and how to burn the right way, survive to this day. Fire walk by Jeremy Kowan, Uunguu Ranger and Wunambal Gaambera Traditional Owner. Photo: Mark Jones for WGAC

Kung napatunayan na epektibo ang cultural burning, bakit hindi ito gawin sa lahat ng lugar?

Ang north Kimberley region ay isa sa mga ilang lugar sa Australia kung saan nagkaroon ng pagkakataon na magsagawa ng mga cultural burning program kasabay ng iba pang mga aprubadong pamamaraan, matapos ibalik ang mga titulo ng lupa sa mga Traditional Owners.

Tom Vigilante, ang lead author ng pananaliksik ay nagsabing ang pagbalik sa mga titulo ng lupa ay "big turning point".

“Because it then meant that people had those rights to manage the land the way they want to do it.

“The alternative is to have national parks or other types of land where government agencies are responsible for the burning. In those situations, Aboriginal people have to try and influence the way burning happens in those areas, but they don't have the right to do it themselves.”

Si Trevor Howard ay ang National Manager para sa Prescribed Burning sa Australasian Fire and Emergency Service Authorities Council (AFAC).

Nakikita niya ang pamamahala ng apoy ng mga katutubo sa Kimberley at sa mas malawak na rehiyon ng savanna bilang "isang magandang halimbawa ng kung ano ang pwedeng makamit sa ibang bahagi ng Australia."

“That landscape up there has been absolutely transformed over the last 20 years.

“It had a lot of very intense, very extensive bushfires, and now it’s much more managed and under control with low intensity, patchy fires at the right time of the year, led by Indigenous people, running programs supported by science.”
z1m3g1kh3myzpwcl1lcn9.png
Mr Vigilante elaborates on fire management techniques in North Kimberley: “A lot of burning is done by vehicles, some walking in the bush or burning around cultural sites. We also use aircraft because we're looking after close to a million hectares.” Photo: WGAC
Pero pinaaalalahanan ni Howard na ang muling pagpapasigla ng cultural burning ay nasa isang yugto pa ng pag-unlad.

At kung gaano kalaki ang magiging benepisyo ng bawat estado at teritoryo mula rito, ay nakadepende sa kanilang pakikipagtulungan sa mga tradisyunal na tagapag-alaga ng lupa.

“Because across Australia we have lots of Indigenous groups, and each one of those groups has its own attachment to their local country.

“So, it really requires each state and territory agency to work with those groups to understand their aspirations and needs, and to support them in developing their cultural burning practises in their own way, in their own Country.”

Paano binabawi ng apoy ang kalusugan ng kalikasan

Si Gareth Catt ang Desert Partnerships Manager sa Indigenous Desert Alliance.

Mula pa noong 2012, nagtatrabaho siya kasama ang mga First Nations rangers sa Northern Territory, Western Australia, at South Australia.

Karamihan sa kanyang trabaho ay nakatutok sa pag-integrate ng mga tradisyunal na pamamaraan ng cultural fire sa modernong konteksto sa mas malawak na saklaw.

Naniniwala siya na ang tagumpay ng cultural burning bilang isang proaktibong paraan laban sa wildfires ay nakasalalay sa kung paano ito isinasagawa, na may malakas na pokus sa pagpapahalaga sa pangangailangan ng kalikasan.

“The people that I've worked with interact with fire in a way that is looking at the weather conditions, understanding where the fire is going to go and how that Country is going to respond.”

Sabi ni Catt, muling interes sa tradisyunal na kaalaman tungkol sa pag-iwas sa wildfires, "lalo na pagkatapos ng malalaking sunog noong tag-init ng 2019-2020."

“When people think about fire, they think about the blackness that is left behind, the danger that's associated with it,” dagdag pa nito.

“But when fire is carefully applied to the landscape, it's not a destructive force, it's a renewing force. If you time that fire correctly and interact with the landscape consistently, fire is much more a tool for promoting vegetation diversity and new growth.”
Cultural Burning Project.pdj.13.03.24.014.jpg
Joint research by members of the Ulladulla Local Aboriginal Land Council and academics from the University of Wollongong found that cultural burns significantly improve soil quality, allowing more nutrients and microbes to thrive. Photo: Paul Jones (UOW) Credit: pauljones
Ang Prescribed burning, kilala ding back-burning, controlled burning, o hazard reduction burning, ay isang paraan ng pamamahala ng apoy kung saan ang apoy ay sinasadya at inilalapat sa ilalim ng mga tiyak na kondisyon upang makamit ang kaligtasan at mga benepisyong pangkalikasan.

Ibinahagi ni Propesor Anthony Dosseto ang mga pananaw tungkol sa pinakabagong ebidensya ukol sa pamamaraang ito.

Siya ay isa sa mga mananaliksik sa isang pag-aaral noong 2024 na nagkumpara sa epekto ng pamamahala ng apoy sa kalusugan ng lupa ng agency-led, prescribed burning at cultural burning.

Ang pag-aaral ay isinagawa nang magkasama ng mga akademiko mula sa University of Wollongong at mga miyembro ng Ulladulla Local Aboriginal Land Council.

Napag-alaman nila na pareho namang may positibong epekto sa lupa ang dalawang paraan. Pero mas maraming benepisyo ang naidulot ng cultural burning.

“For instance, we found that soil density reduction was greater where there has been cultural burning,” paliwanag ni Prof Dosseto.

“And there was more carbon and nitrogen compared to areas where there has been agency-led prescribed burning. Carbon and nitrogen are super important, as they are the main nutrient for this ecosystem.”

Sabi ni Propesor Dosseto, hindi ito tungkol sa paghahambing ng prescribed burning at cultural burning.

Sa halip, pagtuonan ng pansin ay pagbabahagi ng ebidensya at mga pananaw tungkol sa papel ng cultural burning sa pag-iwas sa bushfire at kalusugan ng kapaligiran—isang papel na matagal ng nauunawaan ng mga komunidad ng First Nations.

We have this toolbox, if you like, of fire management techniques. And for a long, long time we've been ignoring tools from the First Nation community who have been looking after this country for tens of thousands of years.”
Mag-subscribe o i-follow sa Australia Explained podcast para sa higit pang mahalagang impormasyon at tips tungkol sa pagsisimula ng iyong bagong buhay sa Australia.

May mga katanungan o ideya ba kayong nais pag-usapan? Mag-email sa amin 

Share