Ano ang paraan at proseso upang maging teacher sa Australia?

Aboriginal teacher smiling at boy and girl working in classroom

There are multiple pathways if you are considering becoming a teacher in Australia. Credit: JohnnyGreig/Getty Images

Ang pagiging guro sa Australia ay isang stable career at hatid ang professional growth at development. Alamin natin ang mga oportunidad at benepisyo.


Key Points
  • Dahil sa mga advancement opportunities sa sektor ng edukasyon sa Australia, nakikitang long-term career option ang pagiging teacher.
  • May iba’t ibang paraan at daan upang maging guro sa Australia.
  • Para sa mga skilled migrants, nakadepende sa bansang pinagmulan at estado kung saan nais magtrabaho ang daan sa pagiging teacher.
Malaki ang ginagampanang tungkulin ng guro aa paghubog sa pagkatao at kinabukasan ng isang estudyante, gayundin sa komunidad at lipunan.

Sa Australia.. patuloy ang pagbabago at ebolusyon sa pamamaraan ng pagtuturo, kaya may alok ang gobyerno para sa mga nais na maging educator ang propesyon.

Ilan sa mga guro ang nagbahagi ng kanilang mga naranasan gaya ni Zena Dabaja na isang relieving director ng educational leadership para sa Chullora Network at substantive principal ng isang girls' high school sa Sydney.

Simula 1995, siya ay isang qualified English and history teacher para sa NSW Department of Education.

Iknuwento niya kung bakit niya pinili ang pagiging teacher.

"I had some fantastic teachers when I was a young student growing up who really ignited my passion for learning. They really made a difference to me and my life. But the other thing that really inspired me to become a teacher was about the opportunities that in teaching you can provide to students," saad ni Dabaja.

Sang-ayon dito ang isa pang guro mula Melbourne na si Benny Ng na mahigit labing apat na taon ng pagtuturo ng ng English sa Hong Kong at ngayon ay physical education sa mga paaralan sa Victoria.

Ibinahagi ni Ng na malaki ang benepisyo ng pagiging teacher.

"I witness firsthand the transformative power of education in shaping an individual's life. Being a PE teacher, I can help them maintain not only physical health but also their mental health," kwento ni Ng.
Soccer Team Meeting
Advancement opportunities in Australia's public and private education sectors make teaching a viable long-term career option. Credit: SolStock/Getty Images
Muling binalikan naman ni Dabaja ang hindi malilimutang unang beses na maging coach ng debate team kung saan kasapi ang mga estudyante mula sa iba’t ibang background kabilang ang may problema pandinig na lumutang ang galing.

"That student was an incredible advocate for public education and the potential and capacity that all students have because his disability didn't prevent him from fully participating," bahagi ni Dabaja.

Kontribusyon ng pagtuturo sa lipunan

Ipinaliwanag din ni Dabaja kung paano nakakapagbigay kontribusyon ang kanyang propesyon sa komunidad at lipunan.

"I often say that when you look out into the playground, there's so much capacity and potential. You could have the next Beethoven in the playground, or the cure for cancer might be sitting in the playground," paliwanag ni Dabaja.

Ayon kay Professor Therese Keane, Associate Dean ng Faculty of Education sa Latrobe University, na binuno ang mahigit dalawampu’t limang taon na pagtuturo sa mga batang babae sa larangan ng Science, Technology, Engineering, at Mathematics, na kabilang ang mga guro sa paghubog ng lipunan.

"Schools are an amazing place for students to learn in a controlled environment. If they get in trouble, it's within that controlled environment so that they can understand what they've done wrong, and they can learn from their mistake," sabi ni Prof. Keane.

Sinabi naman ni Benny Ng na malaki ang kontribusyon ng mga teacher sa holistic growth at development ng mga bata mula preschool hanggang high school, at hinahanda sa tatahaking landas matapos ang pag-aaral.

Career stability at development

Dahil sa mga oportunidad sa Australia mapa-public o private education sector, nakikita ang pagiging teacher bilang long-term career option.

Dagdag ni Dabaja na ang mga guro na may talento at passion sa teaching ay mahaharap sa oportunidad na patakbuhin ang paaralan.

"There are all sorts of fantastic opportunities for teachers to be promoted, whether they're leading wellbeing teams or heading faculties, key learning area faculty. 

"There are so many opportunities and pathways, and in terms of training, there are the traditional ways of embarking upon a teaching career through the university," paliwanag ni Dabaja.

May mga retraining program din sa mga industry professionals upang makapasok sa partikular na faculty areas, gaya ng mathematics, computer sciences, sciences, o kahit ang Technology and Applied Science (TAS).

May access din ang mga guro sa malawak na professional learning courses online and face-to-face ayon kay Dabaja.

"We also engage heavily in external partnerships with universities. We engage in action research projects, there's a lot of professional learning that's conducted across schools. It's very exciting, it's enriching, and it also sits under the departmental plan for public education," dagdag nito.
Children sitting at desks listening to teacher holding digital tablet
Teachers also have access to a whole suite and range of professional learning courses they can participate in online and face-to-face. Credit: JohnnyGreig/Getty Images
Aabot sa $75,000 hanggang $85,000 ang entry-level salary ng mga guro pero depende estado o teritoryo sa Australia na kinukunsiderang competitive kumpara sa ibang graduates sa ibang propesyon.

Bagaman sa pagtagal ng panahon ay tila mabagal ang pagtas ng sahod kumpara sa ibang propesyon, maraming oportunidad sa karerang ito gaya ng mga leadership role o higher-level teaching position, na magbibigay ng mas malaking salary range.

Iginiit ni Benny Ng na stable anya ang karera ng pagtuturo.

"Teaching does offer a stable and secure career path. Even amidst the economic downturn, like before during COVID, from my experience, both in Hong Kong and now in Australia, I found that teaching remains in high demand. Especially in Australia, the critical areas like early childhood education and secondary teaching," paliwanag nito.

Sang-ayon din dito si Dabaja

"They are teachers for life, and there's also promotional opportunities, all sorts of opportunities for teachers to spread and grow their wings and really pursue the areas of expertise," dagdag nito.

Paano maging teacher sa Australia

May iba’t ibang daan kung kinukonsidera mong maging teacher sa Australia.

Ayon kay Professor Keane, karamihan ng impormasyon ay matatagpuan sa website na gaya ng paraan na makapasok sa iba’t ibang estado at teritoryo.

Ipinaliwanag ni Professor Keane ang isang posibleng pathway o daan upang makasimula agad matapos ang high school.

"Students who finish Year 12 do an undergraduate study in education and then become a teacher. Or there's the other way, where they do an undergraduate study in an area of choice, so it could be science or the arts, and then they do a Master of Teaching. They become a teacher after they do the Master of Teaching," ayon kay Professor Keane.

Dagdag pa ni Professor Keane, para naman overseas skilled migrants, ang proseso ay gaya rin ng anumang uri ng qualification, at depende ito sa pinagmulang bansa at kung saan estado ng Australia nila gusto maging guro.

Sinabi nitong maaring kailanganing makipag-ugnayan ng diretso sa unibersidad at ipakita ng mga kwalipikasyon o maari ding dapat na tawagan ang regulatory authority ng mga teacher sa napiling estado.

"In Victoria, we have the VIT [or the Victorian Institute of Teaching], for example. If people are interested in continuing their career path as a teacher, or they are thinking of changing and becoming a teacher, they would need to contact the universities to see whether their degrees can be converted to VIT or the equivalent in each state," plaiwanag ni Professor Keane.
Male teaching assistant explaining to primary school children in Design Technology class
The Australian teaching degree builds and fosters well-rounded professionals with diverse intellects and social skills. (Getty) Credit: 10'000 Hours/Getty Images
Sinabi pa ng propesor na ang mga nais maging teacher sa Australia ay may dapat na tamang qualifications, bagaman diretso naman ang pagpoproseso ng aplikasyon.

Dagdag pa nito na ang Australian teaching degree ay susi sa paghubog ng mga well-rounded professional na may diverse intellect at social skills.

Ipinalwanag ni Professor Keane kung ano ba ang aasahan ng mga nagnanais na maging teacher sa paga-aaral nito.

"They will be looking at behaviour, equity, and the use of computing, as well as Indigenous culture. These are just only a handful of things, but on top of that, they also go out and do professional experience, which means that they get practice in a classroom. So, they get to do some teaching and as their degree progresses, they do more substantial teaching until the end of their degree," pagbabahagi ni Professor Keane.

Ang tungkulin ng multicultural teachers sa lipunan ng Australia

Naibahagi din ni Zena Dabaja na malaking bagay ang mga teacher mula sa diverse backgrounds sa Australia dahil nagbibigay ito ng iba't ibang pananaw sa klase na nagpapayaman sa learning environment sa maraming paraan.

"Coming from an ethnic background really has just spurred me to make sure that I taught in schools where there was socioeconomic disadvantage because there's something so rewarding about pursuing equity of outcomes for young people who may not have come from privileged backgrounds. So, what happens at school really matters."

"So, understanding the nuances and the needs and the challenges of coming from diverse backgrounds, working school teams to, for example, support  refugee students is one of the most rewarding things you can do," dagdag ni Dabaja.

Kadalasang ginagamit ng mga teacher mula sa diverse backgrounds ang iba’t ibang klaseng paraan ng pagtuturo na may impluwensiya ng kultura at karanasan sa edukasyon upang matuto sa iba’t ibang paraan.

Dagdag pa ni Dabaja na ang mga guro ay malaking suporta sa mga magulang at estudyante.

"There's someone there to listen to them , and there is someone there to provide them guidance if they need it. Coming from a diverse background and teaching in multicultural settings, it's representative of the rich, community that Australia is made up of. It brings  value to our environment," giit nito.

Para sa dagdag kaalaman kaugnay sa karera ng pagtuturo sa Australia, bisitihain ang  bethatteacher.gov.au.
Dept Education_Inline.jpg
This SBS podcast was produced in partnership with the Department of Education.

Share