Key Points
- Ang heating devices at paninigarilyo ay madalas nauugnay sa panganib sa sunog, ngunit ang sunog sa bahay ay maaaring magsimula sa isang maliit na sindi o kahit anong mainit na bagay.
- Ang pagiging maingat sa mga itinagong materyales na madaling nasusunog sa bahay ay susi para maka-iwas sa sunog.
- Ang mga bata ay dapat turuan tungkol sa home fire safety, kung paano ito maiwasan at paano tumugon kapag may sunog.
Ang masunugan ng bahay ay halos hindi sumagi sa isipan ninuman. Bagama't karamihan sa mga sunog ay maaaring maiwasan, pero kapag mangyari ito maaaring hahantong sa isang trahedya.
Kapag may sapat na kaalaman sa panganib ng sunog at kung paano ito maiiwasan kahit ang isang sindi ng apoy ay may malaking kaibahan para maiwasan ang pagkamatay.
Ayon , mas maraming tao ang namamatay sa mga sunog sa bahay bawat taon kaysa ibang pang natural na kalamidad tulad ng baha, bagyo, at bushfire.
“Sa kalagitnaan ng 2003 at 2017, 900 katao ang namamatay sa mga kabahayan,” ayon kay Andrew Gissing, ang co-author ng pananaliksik at CEO ng Natural Hazards Research Australia.

Ang sunog sa kabahayan ay maaaring mangyari kahit anong oras sa isang taon. Ilang mga dahilan na humahantong sa sunog ay ang pag-uugali ng isang tao at ang kanilang kapaligiran. Getty Images/Robert Niedring Credit: Robert Niedring/Getty Images/Cavan Images RF/Getty Images
“Makikita natin ang lahat ng biktima ng sunog sa bahay ay maraming dahilan kung bakit nagkasunog, kabilang ang kanilang mga kaugalian at ang kanilang paligid. "
Subalit, iginiit nito na kadalasang sanhi ng sunog sa mga bahay ay karaniwan ang "paninigarilyo, electrical faulty wirings, heaters at ang pag-sindi ng lampara o ilaw at nakalimutan."
Ang basic na home fire safety na dapat ugaliin ay ang pagkakaroon ng operational na smoke alarm system, fire escape plan at ang hindi pag-iwan sa mga niluluto.
Subalit, dagdag naman ni Mark Halverson ang executive manager ng fire safety sa Queensland Fire and Emergency Services o (QFES), ang pag-iwas sa sunog ay nagsisimula sa pag-alam sa panganib na nag-uugnay sa source ng apoy at kung paano ang tamang pagtugon.
“Ang ibig sabihin ng heat source ay maaaring ang ating mga heating devices, ginagamit sa pagluluto at baterya na hindi tama ang ginagamit o mali ang charger kaya sanhi ng sunog."

Ang usok lumalabas galing sa oven Credit: Henrik Sorensen/Getty Images
Pag-iwas sa pagkasunog
Lumabas sa ginawang pananaliksik karaniwang nangyayari ang sunog sa mga bahay ay sa panahon ng taglamig o winter, dahil hindi ligtas ang kanilang pamamaraan sa paggamit ng heater o heating devices.
“Ang maiiwasan sanang sunog sa bahay ay kadalasan nangyayari sa panahon ng winter.. sanhi nito ang heater o kaya pagsindi ng fire place at naiwan, dagdag ni Gissing.
Kaya hinimok ng mga bombero ang lahat ng residente na gamitin ang kanilang mga heater o heating devices alinsunod sa inirerekumenda ng manufacturers.
Ibig sabihin, ipinagbabawal na ipasok sa loob ng bahay ang mga outdoor heating equipment, kasama dito ang ‘heat beads’ o Liquefied Petroleum Gas o LPG bilang panggatong.
Dagdag nito, delikado ding gamitin ang outdoor heating equipment sa loob ng bahay dahil maaaring magkaroon ng build-up ng carbon monoxide na nakamamatay.
MORE FROM THE SETTLEMENT GUIDE

How to call an ambulance anywhere in Australia
SBS English
09:50
Sa mga nagdaang mga taon, tumaas ang kaso ng sunog sa mga kabahayan sa bansa dahil sa lithium-ion battery-powered devices, tulad ng mga e-scooters kung saan gumagamit ng energy-dense batteries.
“Dahil ang e-scooters battery ay hindi naglalaman ng maraming lakasy kung may sunog malaki ang kanyang enerhiya para kumalat ang sunog." paliwanag ni Halvereson.
Sa datos ng state fire department, ang nai-ugnay sa lithium-ion batteries sa nagdaang 18 buwan.
“Ang isa pang problema ay ang mga tao ay gumagamit ng maling charger para sa kanilang mga electronic devices, babala ni Halverson.
Dahil komunekta ang battery charger sa isang device , hindi ito nangangahulugan na iyon na tamang charger.Mark Halverson, Executive Manager for Fire Safety at the Queensland Fire and Emergency Services (QFES)

Mula mobile phones at toothbrushes hanggang sa malalaking gamit tulad ng vacuum cleaners at laptops,maraming household rechargeable devices ang nauubusan ng lithium-ion batteries. Getty Images/Chonticha Vatpongpee / EyeEm Credit: Chonticha Vatpongpee / EyeEm/Getty Images
Ang mga madaling nasusung na materyales ay karaniwang matatagpuan sa paligid lang ng mga bahay. Kablang dito ang nakatagong kaoy, lumang damit, at ilang gamit na mdaling masunog.
Kabilang sa dapat pag-ingatan ay ang mga kemikal , kemikal na panglinis at pintura ay kanraniwang itinatago sa mga sheds ng bahay.
paunawa ni Halverson para sa mga taong nangangailangan ng kahit anong uri ng petrol (tulad ng lawn mower o vehicle fuel) dapat tandaan nasa tamang silang paglalagyan na malayo sa ilang devices at sa direkta ng init ng araw.
“Ang petrol at pampataba o fertilisers ay talagang hindi dapat yan magkasamang itago," babala pa nito.
“Para hindi magkasunog sa bahay siguraduhin na nakalagay yan sa iba't-ibang container na nakatago ng hiwalay."

Huwag maging pabaya sa pagtatago ng mga madaling nasusunog na produkto para hindi pagsimulan ng sunog sa bahay. Getty Images/NoDerog Credit: NoDerog/Getty Images
Ang paglalagay ng gumaganang smoke alarms ay nakakatulong para home fire safety.
Bagamat hindi napipigilan ng smoke alarm ang sunog, binibigyan nito ang mga tao ng babala, habang nagsisimula pa ang sunog.
Ngunit may babala si Halverson laban sa pag-apula ng apoy na hindi handa.
“Kung walang sapat na kaalaman o walang kagamitan para sa pag-apula ng apoy, sigurahin munang nakalabas na sa bahay ang mga mahal sa buhay para ligtas saka tumawag sa triple zero para sa bombero."

Huwag patayin ang apoy na mag-isa, maliban na lang kung maliit ito at nasa isang lugar lang at kung alam mong gamitin ng tama ang fire extinguisher. Getty Images/Michael Blann Credit: Michael Blann/Getty Images
Fire prevention and children
Lumabas din sa pag-aaral na malaki ang peligro ng sunog sa mga bahay na may mga nakatirang matatanda na may edad 65 taong gulang pataas o mas bata sa limang taong gulang.
Karaniwang biktima din ng burn injuries ang mga bata kahit kaunti lang ang exposure nila sa apoy, iyan ang paliwanag ni Simone Sullivan, Manager ng Kids Health Promotion Unit sa Sydney Children’s Hospital Network
“Ang kanilang mga balat ay manipis kaysa matatanda o may edad...at mas malalim ang sugat nila kapag nasunog kahit pa hindi gaanong mainit ang temperatura."

Ang mga bata ay talagang mausisa, kaya ang aksidente sa kanila ng sunog ay karaniwan kahit sa mainit na mga bagay o tubig ay nangyayari kapag napabayaan sa kusina. Getty Images/tolgart Credit: tolgart/Getty Images
Pinakamahalagang turuan ang mga bata sa home fire safety, pagkatapos na ang pagtawag sa tiple zero at kung kinakailangan mag .
“ Dapat ang pamilya ay maghanda ng home fire escape plan at dapat mag-ensayo ang pamilya," sabi ni Sullivan.
“Kailangan gawing simple at masaya. Dapat na lahat ay makilahok at gawing praktikal ang lahat ng gagawin."
Dagdag pa nito madali sa mga bata na matandaan kapag gumamit ng mga catchy na kataga.
“Turuan sila na mag-'get down low and go, go, go!' ( gumapang at mabilis na lumayo sa lugar) kung sakaling may sunog sa bahay., dahil ang hangin sa ibaba ay mas malinis at hindi pa amoy usok."
"Kung nahagip ng apoy ang kanilang damit turuan sila na , 'stop, drop, cover and roll' ."
Kapag nasa ibaba na at gumapang sila hindi na nila malanghap ang usok at hindi mahagip ng apoy ang mukha at takpan ng kamay ang mukha para makatulong na hindi masunog ito.

Siguraduhin na alam ng lahat ng mga nakatira sa bahay ang mga kinakailangang gawin kung sakaling magkasunog. Getty Images/Imgorthand Source: AAP
“Ipaliwanag kung ano ng dahilan kung bakit may smoke alarm, paano ito gumagana , saan ito, ano ang hitsura at ano ang tunog nito kung may panganib na sunog at kung ano ang tunog nito kung wala ng baterya.
“Para kung sakaling may mangyayaring sunog hindi na sila matataranta dahil alam nila ang tunog nito at alam na nila kung ano ang gagawin kapag mangyayari ito."
Home fire safety tips para sa mga magulang at tagapag-alaga
- – (Isinalin sa wikang Nepali, Simplified Chinese, Arabic, Farsi, Hindi, Karen, Punjabi, Samoan, Vietnamese)