Gaano kahalaga ang paghahabi sa kultura ng First Nations?

Australia Explained: First Nations weaving - Aboriginal craftswoman splitting pandanus for weaving

Ramingining, Arnhem Land, Northern Territory, Australia, 2005. Credit: Penny Tweedie/Getty Images

Ang paghabi ay isa sa pinakakumplikadong teknolohiya at kultura ng mga First Nations. Ito ay lumilikha ng mga magagandang bagay, at ang proseso mismo ay may malalim halaga sa kultura. Ang paghabi ay isang paraan upang ipamahagi ang kaalaman, makakonekta sa mga tao at sa bansa, maghikayat ng kamalayan, at marami pang iba.


Key Points
  • Ang mga bagay na hinabi ay isang tunay na may kaugnayan naghabi, bansa, at mga ninuno.
  • Ang paghabi ay ginagamit bilang isang kasangkapan sa kamalayan at para sa social connection.
  • Ang mga naghahabi ay may signature style para makikilala ang kanilang gawain.
  • Parehong ang mga lalaki at babae ay naghahabi.
Ang mga hinabing bagay ay kasing unique o kakaiba ng mga manghahabi mula sa mga First Nations na gumawa sa kanila. Ang bawat gawa kasi nila ay mahalaga sa pagbuo ng nakikitang ugnayan sa pagitan ng manghahabi, kanilang bansa, at mga ninuno.

Ang proseso ng paghabi ay nagsisimula sa pamamagitan ng pagtitipon at paghahanda ng lokal na mga kagamitan tulad ng mga tambo, balat ng puno, at mga halaman. Ang mga ito ay hinahabi upang makabuo ng isang disenyo at makalikha ng mga kumplikadong bagay tulad ng mga basket, mangkok, tali, at mga lambat.

"Ang paghabi ay isang salita lamang sa Ingles. At sa mother tonge ng mga ninuno, maraming iba't ibang salita para dito," sabi ni Cherie Johnson, isang Gomeroi woman. Siya ay isang artist, at guro mula sa Northern NSW.

Ang talagang mahalagang bahagi tungkol sa tinatawag nating paghabi ay ang kaalaman sa kultura- tulad ng ang pagkaalam kung anong mga halaman ang dapat pulutin, sa anong panahon ng taon, at kung ano ang maaaring anihin nang wasto para sa pagkain sa sustainable na paraan.'"
AFLW Rd 8 - Yartapuulti v Gold Coast
ADELAIDE, AUSTRALIA: An Indigenous weaving workshop takes place in The Precinct Village an AFLW match. Credit: Kelly Barnes/AFL Photos/via Getty Images

Ang paghahabi ay nag-uugnay sa mga tao

Ang paghabi ay hindi lamang tungkol sa pag-aaral ng mga tahi at proseso.

Ang magkakahiwalay na henerasyon ay nagtitipon upang magbahagi ng mga kuwento at matuto ng kaalaman sa kultura at ito ang dahilan kung bakit naghabi ang mga tao.

"Ang tunay na kahalagahan ay ang pag-unawa sa kung ano ang iyong hinabi, bakit mahalaga ang mga bagay na iyon, para saan ginagamit ang bagay na iyong ginagawa, kung paano ito gamitin nang wasto. Mayroong napakaraming kasama dito," sabi ni Johnson.

Mga lalaki kabilang sa naghahabi

Si Luke Russell ay isang Worimi Custodian sa lugar ng Newcastle sa NSW. Kasama sa kanyang ginagampanang papel ay pag-aaral at pagpasa ng kaalaman sa paggawa ng kagamitan ng kanyang mga Elders sa pamamagitan ng paggawa ng tradisyonal na bark canoes o bangka, pana sa pangingisda, at iba pang mga kagamitan.
Para sa akin, ang paghabi, lalo na ang paghabi ng lubid, ay may malaking bahagi, lalo na sa aming mga kagamitan ng mga kalalakihan.
Luke Russell, Cultural Knowledge Holder
Ginagamit niya ang mga kumplikadong teknik sa paghabi upang maisara ang dulo ng kanyang mga bangka o itali ang mga kagamitan gamit ang hinabi na lubid.

Mula sa pagkabata hanggang sa pagiging binata, tradisyonal na naglalaan ng oras ang mga lalaki kasama ang matriarchal hierarchy at natututo ng paghabi kasama ang mga babae.

"Para sa isang binatang lalaki, lalo na kung tinuruan siya ng tuloy tuloy, mula sa pagkabata hanggang sa adulthood, may mga panahon na kailangan niyang gamitin ang lahat ng mga kasanayan na iyon," sabi ni Russell.

"At lahat ng mga kasanayang natutunan niya hanggang sa puntong iyon ay itinuro ng mga babae."
Australia Explained: First Nations weaving -  pandanus palm fibre mats
Credit: Richard I'Anson/Getty Images

Ang paghahabi isa isang paraan ng moving meditation

Si Cherie Johnson ay gumagamit ng paghabi upang ma-reflect ang kanyang mga iniisip sa pamamagitan ng visual na paraan. Sinasanay ang sarili na maging 'mindful' sa pamamagitan ng paghabi nang may layunin at inilalagay ang kanyang mga iniisip sa bagay.

"Ganito namin pinoproseso ang mga bagay sa aming komunidad," sabi niya.

"Pinoproseso namin ang mga ito nang magkasama sa pamamagitan ng pagmamahal, at sa isang tunay na magalang na pamamaraan bilang isang pamilya, at iyan ang ginagawa ng paghabi. Pinagsasama-sama ng paghahabi ang mga tao,upang umupo at magkuwentuhan. Minsan sa aming mga grupo ng paghabi, ang mga tao ay pumupunta lamang para uminom ng tsaa, upang makasama ang iba pang mga kapatid."

May pagkaka-iba ang mga istilo

Ang mga likas na sangkap tulad ng mga damo at balat ng puno ay nagkakaiba sa buong bansa, kaya't ang paghabi ay nag-iiba sa istilo mula sa rehiyon hanggang sa rehiyon.

Ngunit ang mga naghahabi ay nagdadala ng kanilang sariling personalidad at sarili o signature style sa kanilang gawain.

Isang paraan ay ang paggamit ng lokal na pigment o pangkulay mula sa mga bulaklak, balat ng puno, mga katas ng halaman, o ugat.

"Ang isang artist na sadyang gumagamit ng pigment upang kulayan ang hinabi na fiber ay tunay na may kahalagahan para sa taong iyon, para sa lugar na iyon," sabi ni Cherie Johnson.
Karaniwang ang isang taong may mahusay na paningin o mata ay maaaring makilala kung saan mula ang rehiyon at kung minsan ay maging ang artist base sa kulay, istilo, tahi, at mga materyales.
Cherie Johnson, artist and educator
Minsan, maaari mong makilala ang artist sa pamamagitan ng pagtingin sa kanyang paghabi.

Ang artist na Nephi Denham ay isang Girramay Traditional Owner mula sa lugar ng Cardwell sa North Queensland. Tinuruan siya ng kanyang tiyuhin na maghabi.

"Ang marami sa amin ay mga artist, kasama na ako, nag-uumpisa kami [sa paghabi] ng iba't ibang paraan," sabi ni Denham.

"Sa ganitong paraan, maaari mong malaman mula sa base kung ito ay kaliwa o kanang paghabi. Kaya talagang malalaman mo kung sino ang gumawa."

Australia Explained: First Nations weaving - Woman weaving basket with pandanus palm fibre
Credit: Richard I'Anson/Getty Images

Pwede ba tayong sumali o makibahagi?

Si Cassie Leatham ay isang multidisciplinary artist at master weaver mula sa Taungurung people ng Kulin nation sa Victoria. Siya ay namamahala ng mga workshop na pinamumunuan ng mga First Nations na bukas sa mga hindi-Indigenous na mga indibidwal.

Hinahamon ang mga kalahok na makinig nang malalim upang itaguyod ang mas malalim na pag-unawa sa pinagmulan ng mga First Nations weavers at ang koneksyon sa kanilang mga ninuno.

"Mahalaga na malaman nila na ang mga workshop na ito ay dapat pinamumunuan ng mga First Nations, at dapat nilang maunawaan ang kahalagahan ng kultural na ari-arian ng aming kaalaman dito sa Australia," sabi ni Leatham.

Ito ay tungkol sa pagsunod sa protocol. Lahat tayo ay maaaring magbahagi ng ating natutunan, ngunit hindi natin dapat pinapakinabangan ito - at lagi nating dapat kilalanin ang ating mga First Nations na mga guro.

Maaari mong mahanap ang mga komunidad na pinamumunuan ng mga First Nations na naghahabi at sa mga weaving festival na bukas para sa lahat. Madalas na inilalathala ang mga workshop sa pamamagitan ng mga lokal na konseho, sa social media, at sa pamamagitan ng word of mouth.

Ipinapakita o ipinapakilala sa Karamihan

Ang mga hinabing bagay ay naka-exhibit at ibinebenta sa mga pangunahin at maliliit na mga galeriya sa buong Australia bilang mga commissioned works sa pribadong at pampublikong espasyo at pati na rin sa mga fashion runway.

Mahalaga na ipakita ng mga galeriya ang iba't ibang kultura at kapaligiran ng mga First Nations.

"Ang mainstream na paghabi ay tunay na isang pananaw sa nakaraan, na ngayon ay naging kasalukuyan, at kami lahat na mga naghabi ay patuloy para sa aming mga susunod na henerasyon," sabi ni Cassie Leatham.

"Kaya kapag pumapasok ang mga tao sa mga galeriya, kailangan nilang maunawaan na ang aming paghabi ay buong Australia, at lahat ay may mahalagang ugnayan sa kultura at kuwento sa paghabi o sa mga fibers. Hindi ito pare-pareho."

Share