Gusto mo bang makamura sa gastos? Alamin ang benepisyo ng shared housing o accommodation sa Australia

GettyImages-1483478739.jpg

Tenants already living in a house can also sublet their residence to share rent but they need prior approval from the landlord.

Anong mga factors ang dapat isaalang-alang sa paghahanap ng shared accommodation at paano maiwasan ang maiwasan ang mga posibleng scams?


Key Points
  • Shaira Pabilan ay nakatira sa isang bahay kasama ang kapatid sa bahay ng kaanak para makamura sa kanilang gastos habang nag-aaral sa Australia.
  • Ang shared house o shared accommodation ay maaring ang mga indibidwal na nakatira ay hindi magkaugnay at magkasama sa isang bahay.
  • Ang patuloy na pagtaas ng gastusin sa pamumuhay sa Australia ang nagtulak sa maraming Australians na maghanap ng shared accommodation, mahalagang tiyarin na legit ang ari-arian at ang taong nag-aalok para makaiwas sa scam.
Ayon kay Shaira Pabilan isang international student mula sa Davao City sa Pilipinas, malaki ang tulong ng shared housing sa kanilang pag-stay sa Australia.

Natututukan niya ang mas mahahalagang gastusin tulad ng tuition sa kanyang pag-aaral, pagkain at nakakapag-ipon din para ibang gastusin tulad ng bakasyon.

Sa kanyang karanasan, ang pagkakaroon ng housemates ay nagpapalawak ng kanyang koneksyon at pag-unawa sa ibang tao pati na ang kanilang kultura at tradisyon.
Shaira Pabilan in hot summer.jpg
Ayon kay Shaira Pabilan dahil sa shared housing naging malawak ang kanyang koneksyon at nagkakaroon siya ng mga kaibigan. Nakakatulong ito na mabawasan ang pagka-homesick habang nag-aaral sa Australia.
Sa datos mula Australian Bureau of Statistics, dahil taas ng cost- of- living uso ang "shared house" ibig sabihin ang dalawang tao o higit pa na hindi magkamag-anak, sa edad na 15 pataas, ang naninirahang magkasama.

Sabi ni Claudia Conley na isang Flatmates Community Manager, isang online platform na nag-specialise sa pagkonekta ng mga indibidwal na naghahanap ng shared accommodations.

“A share house is a home that is made up of people who aren’t related and aren’t in a couple who live together under the same roof and share the rent, split bills and split things in the house."
Young women arriving at hostel room with bunk beds
It's not only younger people who are seeking shared accommodation. Credit: Klaus Vedfelt/Getty Images
Hindi lang mga bata ang naghahanap ng shared accommodation, tumaas din sa 10 porsyento ang nasa edad 55 taong gulang pataas.
Karamihan sa mga landlords ay pinaparentahan nila ang kanilang spare rooms sa iba.

Kasama sa dumarami kumukuha ng shared house ay ang mga bagong dating sa bansa dahil sa kakulangan ng rental history.
Adult woman packing documents and items into moving boxes
Rising cost of living means that more people are seeking to share a house with others. Credit: Rafael Ben-Ari/Getty Images
Mga kailangang impormasyon tungkol sa shared housing o accommodation:

  • Maaaring ang mga tenants ay papaupahan ang nirerentahang bahay o share rent pero dapat may approval sa may ari ng bahay o landlord.
  • Kapag ang may ari ng bahay o landlord ay pinapa-upahan ang kanilang bahay o shared housing obligasyon nitong ibigay ang basic amenities.
  • Isang hamon ang pag-navigate ng shared housing, maging alerto na hindi mabiktima ng mga scammers, pero maaari itong maiwasan.
GettyImages-1327561956.jpg
Navigating the shared housing market can be challenging, especially with the increasing prevalence of scams targeting potential tenants.
  • Mag-ingat sa mga taong nag-aalok ng goods o online services lalo’t hindi mo pa nakikita ang mga taong ito.
  • Mahalagang tiyakin na legit ang property at ang identity ng taong iyong kausap, lalo na para sa mga nagpaplanong lumipat sa Australia, kaya tiyakin may inspection sa property.
Serious couple receive professional advice
Serious mature couple receive professional advice Credit: JohnnyGreig/Getty Images
  • Ipinapayo sa mga tenants at landlords kailangan para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa isang shared housing dapat nakasulat ang mga patakaran at agreements para sa lahat ng mga nakatira.
Mag-subscribe o i-follow sa Australia Explained podcast para sa karagdagang mahalagang impormasyon at mga tip tungkol sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.

Mayroon ka bang mga tanong o ideya sa paksa? Mag-email sa

Share