Indigenous astronomy: Paano naimpluwensyahan ng kalangitan ang kultura ng First Nations

Emu_Milky_Way.jpg

The celestial Emu in the Milky Way - Image Peter Lieverdink.

Ang kaalamang astronomical tungkol sa mga bagay sa kalangitan ay nakakaimpluwensya at nagbibigay-gabay sa buhay at batas ng mga First Nations.


Sa ilalim ng kalangitang puno ng bituin at sa pamamagitan ng pag-ikot ng Buwan, ang kultura at presensya ng mga First Nations ng Australia ay nabubuhay libu-libong taon na ang nakaraan.

Mula sa kamangha-manghang kalawakan ng Milky Way, hanggang sa mga meteor at iba’t ibang yugto ng Buwan – napakaraming matutunan tungkol sa Indigenous astronomy at kaalaman sa mga bituin
Sa pagtitig sa kalangitan sa gabi, makikita natin ang isang magandang hanay ng mga bituin na kumikislap kasabay ng palagiang pagbabago ng mga yugto ng Buwan matapos ang pang-araw-araw na pag-ikot ng araw.

Ang astronomy ay ang pag-aaral ng mga bagay at phenomena sa kalangitan, at ang katutubong astronomiya ay tumutukoy sa malalim na kaalaman sa mga bituin at ang kanilang mga koneksyon sa lupa – ang pagkaunawa na ang lahat ng nasa lupa ay may salamin sa kalangitan.

Para sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander, ang kalangitan ay nagbibigay-gabay sa mga kaugalian ng kultura na naipasa sa pamamagitan ng tradisyong pagsasabi sa loob ng libu-libong henerasyon, sa anyo ng mga kuwento, kanta, seremonya, at sining.
pexels-eclipse-chasers-716719984-18285364.jpg
Moon over the Sydney Harbour Bridge – image Eclipse Chasers.
Ayon kay Aunty Joanne Selfe na isang woman Gadigal na ipinanganak sa Sydney at lumaki na natututo ng mga kuwento tungkol sa Milky Way na ibinahagi ng kanyang ina, mga Elders, at mga tagapangalaga ng kaalaman sa kanyang komunidad.

‘Sa loob ng mahigit 60,000 taon, ang mga First Nations ay tumitingala sa kalangitan. Tinutulungan tayo nitong maunawaan ang mundo sa paligid natin, sa pagmamasid sa mga bituin, planeta, buwan, araw, at kalawakan upang hulaan ang pagbabago ng panahon at alon, maglakbay sa lupa at tubig, at magplano ng pagtitipon ng pagkain, pangangaso, kalakalan o seremonya, pati na rin ipasa ang mga kwento sa mga susunod na henerasyon,’ paliwanag ni Aunty Joanne.

Ang kaalaman ng mga katutubo sa mga bituin ay isang paraan upang maunawaan ng mga Unang First Nations ang mundong kanilang ginagalawan at ang kanilang mga tungkulin at pananagutan dito.

‘Mayroon kaming kasabihan – lahat ng nasa itaas ay nasa ibaba. Kaya makikita mo ang iyong komunidad, mga linya ng awit, mahalagang mga lugar para sa seremonya, at iba pang palatandaan sa pamamagitan ng mga bituin – pero ang mga bituin lang, kailangan ng kaunting tulong para lubos mong maunawaan ang lahat. Kaya mahalaga ang pag-alam sa iyong sayaw, wika, at ang kaugnayan ng iyong lugar sa iyong lupain – ito ang nagpapatibay ng lahat,’ sabi ni Aunty Joanne.

Si Duane Hamacher ay Associate Professor ng Cultural Astronomy sa School of Physics sa University of Melbourne. Nakikipagtulungan siya sa mga komunidad ng Aboriginal at Torres Strait Islander upang itala at ibahagi ang kanilang tradisyunal na kaalaman.
"Ipinapaliwanag ng mga elders na ang lahat ng nasa kalangitan ay konektado sa lupa. Kaya, kung nais mong malaman kung paano gumagana ang mundo sa paligid natin, kailangan mong tumingin sa mga bituin."
Duane Hamacher
"Ang mga tao ay palaging may malapit na koneksyon sa kalangitan. Tinutulungan tayo ng mga bituin na maunawaan ang kalawakan at oras. Nagbibigay sila ng gabay sa batas at agham. Nagsisilbi silang mapa at orasan. At sila'y isang makapangyarihang espasyo ng alaala, na nagbibigay-daan sa mga tao na ipasa ang kaalaman – nang hindi nababago – sa loob ng libu-libong taon," sabi ni Duane Hamacher.

Lahat ng nasa kalangitan ay may kahulugan at layunin. Ang mga galaw ng Araw, Buwan, at mga bituin ay ginagamit upang hulaan ang mga pagbabago sa ating lokal na kapaligiran, tulad ng mga panahon, pattern ng panahon, at ang mga gawi ng mga halaman at hayop.
pexels-ken-cheung-3355734-5397911.jpg
The Australian sky at night - Image Ken Cheung.
"Ang pinakamahalagang bagay sa pag-unawa sa kaalaman ng mga katutubo tungkol sa mga bituin ay ang pagkaalam na ito'y may kaugnayan sa lahat ng bagay sa paligid natin. Kung nais mong malaman kung kailan magbabago ang mga panahon, tumingin ka sa itaas,"paliwanag ni Duane Hamacher.

"Kung gusto mong malaman kung kailan uulan, tumingin ka sa itaas. Kung nais mong alamin ang siklo ng mga kilos ng mga hayop o malaman kung kailan magtatanim o mag-aani ng mga pananim o pinagkukunan ng pagkain, tumingin ka sa itaas. Dapat mong matutunang basahin ang mga bituin at ang iyong kapaligiran upang maunawaan kung ano ang sinasabi nito sa iyo.’

Ang malawak na paraang ito ng pagtingin sa mundo ay napakahalaga sa kultura ng mga Aborginal at mga Torres Strait Islander, ayon kay Duane Hamacher.

‘Sa Torres Strait, tinuturuan ng mga nakatatanda o Elders kung paano obserbahan ang paraan ng pagkislap ng mga bituin. Ibig sabihin, obserbahan at bigyang-kahulugan ang mga pagbabago sa kanilang mga katangian, tulad ng kanilang kulay, kalinawan, o gaano kabilis sila kumikislap – matututo ka ng mahahalagang bagay tungkol sa kalawakan. Maaari nitong sabihin sa iyo kung may paparating na bagyo o kung nagbabago ang mga trade-wind,’ paliwanag ni Duane Hamacher.

Bawat gabi, ang mga bituin ay sumisikat sa silangang kalangitan apat na minuto nang mas maaga kaysa sa araw bago. Sa loob ng isang taon, ang mga bituin ay babalik sa kanilang orihinal na posisyon habang umiikot ang mundo sa paligid ng araw.

Ang siklo ng pagbabago sa kalangitan ay tumutugma sa mga pagbabago sa lupa. Ayon kay Aunty Joanne, ang Emu sa Kalangitan, o Dark Emu, ay isang kilalang constellation na na-outline ng madidilim na bahagi ng Milky Way.

‘Ang pinakagusto ko tungkol sa Emu sa kalangitan ay ipinapakita nito sa iba kung paano ginagamit ng mga Unang Mamamayan ang madidilim na bahagi ng kalangitan katulad ng mga bituin, ngunit gayundin dahil ito ay sumasalamin sa pag-uugali ng emu sa lupa, kaya kung ano man ang ginagawa ng emu sa lupa, makikita rin natin ang parehong impormasyon sa kalangitan.’"
The Dark Emu rising - Image by Geoffrey Wyatt - Sydney Observatory.png
The Dark Emu rising - Image Geoffrey Wyatt.
"Halimbawa, kapag nagsisimulang sumikat ang konstelasyon ng Dark Emu sa timog-silangang kalangitan matapos ang paglubog ng araw tuwing Abril at Mayo.

‘Ito ay tumutugma sa panahon ng taon na ang mga emu ay nagpaparami,’ sabi ni Duane Hamacher.

‘Sa paglipas ng mga buwan, ang Dark Emu ay mataas sa itaas pagsapit ng Hunyo at Hulyo. Ito ang panahon na ang mga lalaking emu ay nakaupo sa mga itlog. Kapag ang Emu ay umikot at nakatayo na perpendicular sa timog-kanlurang abot-tanaw sa Agosto at Setyembre, nagsisimula nang mapisa ang mga sisiw.’

Ang celestial o makalangit na Emu, na tampok sa mga tradisyunal na kuwento na ipinamamana ng mga First Nations, ay nagtatala ng mahalagang impormasyong pang-agham.

‘Sinasabi ng mga elder ng Gunaikurnai mula sa timog Victoria kung paano hinahabol ng taong Buwan ang isang emu. Ang emu ay nagtangkang tumakas sa pamamagitan ng pagtakbo sa isang puno na nakalatag sa ibabaw ng ilog. Ngunit ito’y nadulas at nahulog sa tubig. Ngayon, makikita mo ang kuwento na inilalarawan sa kalangitan. Ang anino ng emu ay nasa ilog ng kalangitan – ang Milky Way o Warrambool,’ paliwanag ni Duane Hamacher.

‘Ang Yarran tree na makikita sa ibabaw ng ilog ay ang Southern Cross, sa tabi ng ulo ng emu. Kapag lumalabas ang taong Buwan, nagtatago ang emu mula sa mangangaso. Ito ay naglalarawan kung paano pinapapusyaw ng natural na polusyon ng liwanag ng Buwan ang mga detalye sa Milky Way, kaya’t mahirap makita ang emu.’

Ang mga panandaliang phenomena sa kalangitan sa gabi, tulad ng mga meteor – ay mayroon ding kahulugan sa mga kultura ng mga katutubo."
2024-09-02_16-18-07.jpg
Aunty Joanne Selfe - Image supplied. Associate Professor Duane Hamacher, image – Amanda Fordyce.
Ayon kay Duane Hamacher, tinuturuan ng mga nakatatanda kung gaano kahalaga ang mga elementong ito sa pag-unawa sa buhay, kamatayan, at pagkakakilanlan.

"Sa maraming bahagi ng hilagang Australia, ang maliwanag na mga meteor o bulalakaw ay kaugnay ng masasamang espiritu. Ang mga meteor ay kumakatawan sa mga mahabang payat na nilalang na lumilipad sa kalangitan. Sa Torres Strait, ang maliwanag na mga meteor ay tinatawag na Maier. Ipinapaliwanag ng mga nakatatanda na sila'y kumakatawan sa mga espiritu ng mga taong kamamatay lang, na naglalakbay sa kalangitan na parang rocket papunta sa Beig, ang lupain ng mga patay,"sabi ni Hamacher.

Ang kaugnayan ng mga Aborihinal at mga Torres Strait Islander sa mga bituin ay sumasaklaw sa pakiramdam ng pagkakakilanlan at pakikipag-ugnay – sa kalikasan, kanilang pagkatao, at kanilang kultura.

Sa First Nation's astronomy, ang pinagmulan ng universe ay mula pa noong napakatagal na panahon, sa Tjukurrpa. Tinatawag ito ng mga Westerners na 'Dreaming,' ngunit sa simpleng paliwanag, ito ay noong unang panahon, kung kailan ang lahat ay nagsimulang mabuo.
Aunty Joanne
"Pero ang nakakatuwa sa kasaysayang ito ay hindi kasali ang konsepto ng oras o kasaysayan gaya ng ating pagkaunawa rito. Mayroon kaming konsepto – at tinatawag itong “everywhen,” at katulad ng mga espiritu ng mga tao na gumala sa lupa at lumikha ng mga bundok, ilog, at kalangitan pati na rin ang lahat ng makalangit na bagay na nakikita natin sa paligid natin, ito ay nagbibigay sa iyo ng sulyap sa pagkaunawa na tayo mismo ay mga kapwa-tagapaglikha ng uniberso kung saan tayo naninirahan – ang tagamasid at ang inaobserbahan ay iisa,’ paliwanag ni Aunty Joanne.

Sa ganitong paraan, ang kaalaman ng mga katutubo tungkol sa mga bituin ay mahalagang bahagi ng pag-uugnay ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap sa isang malawak na sistema ng kaalaman, na sentro sa kultura ng mga First Nation.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang  at .
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa karagdagang mahalagang impormasyon at mga tip tungkol sa iyong bagong buhay sa Australia.

Mayroon ka bang mga tanong o ideya sa paksa? Mag-email sa

Share