Kailangan mo ba ang kumuha ng private health insurance?

Doctor and patient in conversation in hospital hallway

Private health insurance (PHI) gives access to more comprehensive health services outside the public system. Credit: Solskin/Getty Images

Ang mga Australians ay may access sa isang de-kalidad at abot-kayang public healthcare system. Mayroon ding opsyon na magbayad para sa private health insurance, na nagbibigay ng mas maikling panahon ng paghihintay at mas maraming pagpipilian kapag bumibisita sa mga ospital at espesyalista.


Key Points
  • Ang private health insurance ay nagpapabawas sa pasanin sa ating public health system.
  • Ang private cover ay nangangahulugang mas maikling panahon ng paghihintay para sa mga ospital at espesyalista, at mga rebate para sa partikular na mga health services.
  • Nag-aalok ang pamahalaan ng mga insentibo upang kumuha ng private health funds.
Ang Australia ay mayroong isa sa may mas magagandang public healthcare system sa mundo, na may Medicare at mga pampublikong ospital na libre o nagbibigay ng low-cost health services.
Gayunpaman, kung minsan ay nahihirapan itong matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan at kasamang nakikipagtulugan sa private health system.

Pero ang tanong bakit kailangan kumuha ng private insurance?

Sinasabi ni Tim Bennett isang Insurance Expert ng Finder [ito ay isang comparison website] ang Medicare ay magpapanatili sa mga tao na mabuhay, ngunit hindi lahat o talagang mahirap i-cover ang lahat ng pangangailangang pangkalusugan ng isang tao.

"Ang layunin ng private health insurance ay alisin ang ilan sa pasanin ng Medicare sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga taong kayang magbayad at kumuha nito."

Ang private health insurance (PHI) ay nagbibigay-daan sa mas comprehensive health services sa labas ng pampublikong sistema, tulad ng dental work, optical care, physiotherapy, at ambulansya, sa pamamagitan ng pagbayad.
Close up of man filling in medical insurance form
There are no gap fees if you’re treated in a public hospital; however, you might encounter additional expenses on your bill. Source: iStockphoto / mediaphotos/Getty Images

Ano ang ‘Hospital’ at ‘Extras’?

Nakasaad sa batas ang private health insurance ay hindi maaaring magbayad para sa outpatient care tulad ng pagbisita sa doktor o GP, sa imaging o scan, at mga test sa labas ng ospital.

Bagkus ang cover o binabayaran nito ay sa mga kategoryang hospital at ang tinatawag na extras.

Ibig sabihin ng 'Hospital' cover ay babayaran nito ang hospital admission bilang isang private patient.

Halimbawa, sa ilalim ng private care maari kang pumili ng iyong sariling surgeon at petsa ng procedure o operasyon.

Bukod dito, ang 'Extras' ay cover nito ang iba ang partikular na serbisyo tulad ng dental, physiotherapy, at optical care.

Ang 'Hospital' at 'Extras' cover ay maaaring bilhin nang hiwalay o isama bilang isang comprehensive insurance package.

Ang mga bumibisita sa Australia at ibang visa holders ay dapat kumuha ng Overseas Visitors Health Cover.

Senior woman at dental clinic for treatment
'Extras' covers additional specific health services such as dental, physiotherapy, and optical care. Credit: Luis Alvarez/Getty Images

Incentives

Ang gobyerno ay nagbibigay ng tatlong insentibo upang kumuha ng private health insurance:

1. Ang private health insurance rebate

Ito ay isang government contribution upang tulungan ang mga kwalipikadong policy holders sa gastusin ng pribadong ospital. Layunin nito ang suportahan ang mga taong may mababang kita, lalo na ang mga may mas kumplikadong health needs.

Ang rebates ay mga 25 porsyento ng premium (ang halaga ng insurance policy) na ibinabayad sa iyo sa pamamagitan ng iyong tax return.

Ang kwalipikasyon ay nakasalalay sa uri ng iyong policy, iyong edad, at iyong kita.

2. Medicare levy

Maaari mong iwasan ang Medicare Levy Surcharge sa pamamagitan ng pagkuha ng private health insurance.

Ito ay karagdagang buwis na ipinapataw sa mga high-income earners na walang private hospital coverage.

"Ang bawat isa na nagtatrabaho ay nagbabayad ng isang Medicare Levy upang suportahan ang Medicare, na bahagi ng kanilang income tax, ngunit para sa mga taong walang private insurance ang kita para sa isang pamilya ay higit sa mga $183,000 kada taon, sila ay magbabayad ng karagdagang Medicare Levy kung wala silang insurance," paliwanag ni Dr. David.

Ang ay nagbibigay ng sapat na impormasyon tungkol sa income thresholds at levies.

3. Lifetime health cover loading

Ang mga policyholders na higit sa 30 taong gulang ay sisingilin ng bahagyang mas mataas na premium kapag una nilang kinuha ang health insurance. Ito ay upang maiwasan ang pagkuha ng policy para sa unang pagkakataon sa edad na 85 — kung saan maaaring mayroon nang maraming problema sa kalusugan — mula sa pagbabayad ng parehong premium tulad ng isang 25-anyos.

"Natutuldukan nito ang paglipat ng isang malaking pasanin sa pinansyal sa mga mas bata," sabi ni Dr. David.
Full length, wide shot nurse fills in form with family sitting in hospital waiting room
By law, private health insurance (PHI) can’t pay for outpatient care such as a visit to the GP or imaging and tests outside hospital. Credit: PixelCatchers/Getty Images

Ano ang private health insurance na babagay sa iyo?

Pinakaimportante na ang pipiliin mong private health insurance cover ay tugma ang mga alok sa pangangailangan mo. Kaya dapat kumuha ng sapat na impormasyon.

Ang premium insurance ay nag-iiba depende sa level ng coverage nito at kung nais mong isama sa cover ang isang tao o isang pamilya.

Dapat tandaan ang iyong pangangailangan ay mag-iiba sa paglipas ng panahon, sabi ni Tim Bennett.

"Hindi ibig sabihin na dahil kumuha ka na ng isang policy, hindi mo na dapat suriin muli sa loob ng isa o dalawang taon kung ikaw ay patuloy na nakakakuha ng pinakamagandang halaga ng iyong binabayaran."

Maaari mong suriin ang iyong mga opsyon sa pamamagitan website ng gobyerno na o comparison sites tulad ng , at .

Share