Lahat ng kailangan mong malaman at dapat gawin kapag nasangkot sa aksidente ng sasakyan sa Australya

Car Crash

Car Crash Source: Moment RF / Witthaya Prasongsin/Getty Images

Hindi biro ang masangkot sa isang aksidente ng sasakyan, lalo na kapag may nasaktan, kaya alamin ang dapat gawin kapag naaksidente sa Australia. Saan at kanino ka makahingi ng saklolo at kung ano ang mga karapatan kapag ikaw ang maysala o hindi.


Key Points
  • Ayon sa batas, ang lahat ng driver na sangkot sa isang banggaan ng sasakyan ay dapat huminto at makipagpalitan ng mga detalye sa ibang partido.
  • Ang mga pulis sa Australia tumutugon lamang sa malalaking banggaan ng sasakyan, kung saan may mga pinsala, o may kasangkot na potensyal na ilegal.
  • Karamihan ng mga kaso, ang mga driver na nasasangkot sa maliliit na banggaan ay maaaring gawin ang mga hakbang nang mag-isa.
  • Ang mga nasangkot sa banggaan ng sasakyan ay maaaring maghabol para sa pinsala sa pamamagitan ng private car insurance, CTP insurance o workers compensation, depende sa kanilang mga kalagayan.
Sa Australia , ang hindi paghinto pagkataps ng banggaan ng sasakyan ay labag sa batas.

Paliwanag ni NSW Police Sergeant Scott Stafford mula sa Traffic and Highway Patrol Command.

Ang dapat gawin pagkatapos ng banggaan ay tiyaking ligtas ang lahat ng kasangkot at kumpirmahin na walang nangangailangan ng agarang tulong medikal.

“Siguraduhing ligtas ka at ang lahat ng nasa loob ng sasakyan. Kasama na ang pagtiyak na ligtas ka mula sa ibang sasakyan sa paligid, "paliwanag ng NSW Police Sergeant Scott Stafford mula sa Traffic and Highway Patrol Command.
LISTEN TO MORE FROM THE SETTLEMENT GUIDE
ENGLISH_SETTLEMENT_GUIDE_DRIVING LICENSE_280223 image

How to get an Australian driver’s licence

SBS English

10:53
“Kung naglalakad ka sa labas ng iyong sasakyan, bantayan kung ano ang nasa paligid mo dahil ang [iba pang mga sasakyan] ay maaaring magdulot ng mas malaking panganib sa iyo kaysa nasangkutang aksidente, na maaaring maging sanhi pa ng ibang aksident.

Kung ligtas na gawin ito, ilipat ang mga sasakyan mula sa pinangyarihan sa mas ligtas na lokasyon upang makipagpalitan ng detalye sa ibang driver."

Kung may sugatan sa pangyayari , agad tumawag sa triple zero para humingi ng saklolo at kung maaari lapatan ng first aid.

Ang emergency operators na ang tatawag sa pulis at iba pang kinauukulan na magbibigay serbisyo dahil sa pangyayari tulad ng ambulansya o mga bombero dahil itinuturing na malaking sakuna ang insidente.

"Ang isang malaking banggaan ay inilalarawan kung saan ay taong nakulong sa sasakyan, namatay, o nasugatan, ang alinman sa mga driver ay mukhang apektado ng alak o droga, o kung alinman sa mga partido na kasangkot sa banggaan ang nabigong huminto o makipagpalitan ng kanilang mga detalye," dagdag ni Sergeant Stafford.


Isang Patay Kasunod ng Pagbangga ng Sasakyan sa Sydney Harbour Bridge
Ang mga pulis at lokal na awtoridad ay nagsisikap na linisin ang Harbour Bridge kasunod ng isang malaking banggaan ng sasakyan kaninang umaga sa Harbour Bridge noong Agosto 27, 2020 sa Sydney, Australia. Credit: James D. Morgan/Getty Images
Dumarating ng mga pulis sa lugar ng aksidente kung mapanganib ito sa ibang motorista, may nakaharang sa trapiko o kaya'y may malaking sasakyan na kasangkot.
Maaari ding makialam ang mga pulis kung nakakaramdam ng pananakot ng isang agresibong partido.

Samantala, karamihan sa mga minor na banggaan ng kotse kung saan walang nasugatan, maaaring simulan ng mga partido na ayusin ang kanilang gusot. Ang mga pulis ay hindi kailangang dumalo sa pinangyarihan o magsimula ng isang kriminal na imbestigasyon sa mga maliliit na aksidente.

Kung ang sangkot sa banggaan ay maliliit na sasakyan, at gasgas lang ang nangyari at walang sugatan maaaring ang dalawang partido ang magsimulang ayusin ang gusot, nang walang pulis.

“ Kuhanan lang ng larawan ang danyos, ang sasakyan at registration plate. You can take a photo of each of the vehicles with the registration plate. Kuhanan din ang larawan ang drivers license, ng nasangkot na driver at humingi din ng contact number. At ang lahat ng detalyeng iyon ay para sa pag-claim ng insurance. Pagkatapos ay aalamin kung sino ang may kasalanan sa aksidente at hahabulin ang kabilang partido kaugnay sa pag-aayos ng napinsala sa sasakyan," sabi ni Sergeant Stafford.

Pgahahabol sa private car insurance

Kung may private car insurance naman maaari mong kontakin ang insurer, para agad i-report ang aksidente.

“Kapag nag-claim ka ng insurance, kung wala kang kasalanan, kung wala kang pangalan at address ng kabilang partido, ikaw ang magbabayad sa excess ng insurance, pero madalas kung nakuha mo ang impormasyong iyon, hindi nila gagawin. Pansinin kung mayroong mga saksi sa insidente o CCTV footage na maaaring maging kapaki-pakinabang sa ibang pagkakataon kung may isyu sa kung sino ang may kasalanan," inirerekomenda ni Jane Foley, Senior Solicitor with Financial Rights.

Men Using Mobile Phone Against Crashed Cars
Kung wala kang kasalanan, mahalagang kunin ang mga detalye ng kabilang partido upang maiwasan ang mga hindi kinakailangang gastos sa pagkukumpuni. Credit: Tanasin Srijaroensirikul / EyeEm/Getty Images
Gayunpaman, kung malinaw hindi ikaw ang may kasalanan sa nangyaring aksidente, at ang sasakyan ng ibang partido ay may insurance, payo ni Foley kombinsihin ang kabilang driver na i-claim ang danyos sa kanilang insurance, para hindi malaki ang iyong gastos.

"Ang pinakamagandang gawin ay dalhin ang sarili mong sasakyan sa sarili mong mekaniko at ipasuri ito. Kapag nakatanggap ka na ng quote, ipadala ang quote na iyon at ang mga larawan at ang assessment sa ibang driver. Malamang na ipapadala ito ng ibang driver sa kanilang insurer at direktang makikipag-ugnayan sa iyo ang insurer na iyon."
Susubukan ka ng insurer ng kabilang partido na dalhin ang iyong sasakyan sa kanilang mekaniko. Hindi mo kailangang gawin iyon. Hindi mo kailangang makakuha ng maraming quote. Wala silang karapatang makita o suriin ang iyong sasakyan.
Jane Foley, Financial Rights Senior Solicitor
Dagdag nito para makuha ng direkta ang bayad mula sa insurance ng kabilang driver, dapat magpadala ka ng letter of demand. Pero ang insurance ng kabilang partido din ang magdedesisyon para magnegotiate kung magkano ang bayad o kaya ipa-assess ang quote o bayarin.

“Kung ang halaga na iyong kailangan ay mas mababa sa $15,000 at ang ibang insurer ay hindi nakikipagtulungan, maaari kang magsampa ng reklamo laban sa kanila sa Australian Financial Complaints Authority. Ito ay libre, online na pamamaraan ng paglutas ng hindi pagkakaunawaan, at gagawa sila ng desisyon at sa huli ay susubukan na lutasin ang usapin sa pagitan ng dalawang partido.

“Kung ang gastos ay mas malaki pa sa $15,000 at walang plano na sasagutin ng insurance ng kabilang driver, sampahan mo sila ng kaso sa lokal na korte. Pero bago mo ito gawin, inirerekomenda ko na kumuha at humingi ka ng legal na payo ,” dagdag paliwanag nito.
Nayuping bumper dahil sa aksidente
Credit: Peter Stark/Getty Images/fStop

Kung ikaw ang may kasalanan

Kung ikaw naman ang may kasalanan sa nangyaring aksidente at insured ang iyong sasakyan, maaari mong i-claim ang lahat sa iyong insurance.

Pero ikaw ang may kasalanan at walang insurance ang iyong sasakyan, inaasahang makakatanggap ka ng letter of demand na may kasamang quote ng gastos para sa pagpapaayos ng kabilang sasakyan. Ngunit may puwang naman para sa negosasyon.

“Ang pinakamagandang gawin ay kunin ang mga larawan at ang quote sa sarili mong mekaniko at humingi ng pangalawang opinyon. Maaari kang makipag-ayos sa pagbabayad, kung hindi mo kayang bayaran ito nang maaga, at maaari kang mag-alok na magbayad ng pinababang lump sum. Pero bago ito gawin, humingi ka ng legal na payo,” dagdag nito.
Car crash against telephone pole by road
Ang website ng Financial Rights ay nag-aalok ng mga sample ng demand letter at ang Motor Vehicle Accident Problem Solver, ay isang online na tool upang tumulong sa pag-navigate sa iba't ibang sitwasyon, depende sa iyong hurisdiksyon at mga pangyayari. Credit: Erik Von Weber/Getty Images

Compulsory Third Party (CTP) Insurance

Samantala kung ikaw ay physically o psychologically injured dahil sa aksidente, maaari kang maghabol ng claim sa inyong estado o teritoryo ng Compulsory Third Party Insurance o mas kilalang CTP.

Ang premium ng Compulsory Third Party Insurance ay binayaran ng may ari ng sasakyan kapag inirehistro nila ito.

Ang CTP ay hindi sila an magbabayad para sa repair ng sasakyan pero sasagutin nila ang danyos ng ari-arian na nasira dahil sa aksidente at pagpapagamot ng mga taong sugatan, at ito ay mangyayari lamang kapag hindi work related ang insidente.

Ang Victorian Transport and Accident Commission (TAC) ay no-fault CTP insurer. Ito ay sumusuporta sa mga Victorians na nasugatan o nasaktan sa banggaan ng sasakyan, hindi alintana kung sino ang may kasalanan o dahilan sa nangyaring aksidente.


“Nagbabayad kami para sa serbisyo ng GP o mga espesyalista, diagnostic services , mayroon ding physiotherapy services , psych (psychiatric therapy), mga suporta sa pagbalik sa trabaho, mga serbisyo sa personal na pangangalaga, tulad ng paghahardin at paglilinis, kapalit ng kita at pagkatapos ay kompensasyon din," paliwanag ni Damien Poel, TAC Head ng Complex Recovery & Serious Injury.

Kapag na-aksidente sa sasakyan at work related ang lakad, dapat mag-apply ng workers compensation at i-claim ito sa insurance ng employer.

Resources:


Share