Ligtas ba ang kumuha ng kabute sa Australia?

Australia Explained -  Fly Agaric mushroom

Red & white Fly Agaric fungi mushroom Amanita muscaria Source: Moment RF / Rhisang Alfarid/Getty Images

Sa Australia, mahigpit na ipinagbabawal ang awtoridad na kainin ang mga kabute o mushroom na hindi natukoy ng eksperto o binili mula sa isang supermarket o tindahan dahil maaaring nakalalason o nakamamatay ito. Sa bawat estado at teritoryo, nag-iiba ang mga patakaran at regulasyon, at hindi pinapayagan ang paghahanap ng mga kabute sa ilang lugar.


Key Points
  • May tinatayang isang-kapat ng isang milyong natatanging uri ng kabute sa Australia.
  • Ang pagtukoy ng mga makakaing uri ng kabute sa Australia ay nangangailangan ng pag-iingat at kasanayan.
  • Ang mga nakamamatay na Death cap mushrooms ay lubhang mahirap makilala mula sa iba pang mga kabuteng ligaw at maaaring magkahawig sa mga nakakaing uri.
Ang paghahanap ng mga kabute ay maaaring may dalang malalim na emosyonal o kultural na koneksyon para sa ilang migrants, bilang isang social activity kasama ang pamilya at mga kaibigan, o upang humanap ng pagkain.

Si Diego Bonetto na isang registered Foraging Instructor sa Forestry New South Wales (Forestry Corporation of NSW).

Sinabi niya sa New South Wales na pinapayagan ang pagkuha ng mga kabute sa mga kagubatan ng estado.
Australia Explained - Mushrooms at Tarkine Wilderness Area, Tasmania
A mycologist examines Laccaria fungi in a Cool Temperate Rainforest. Credit: Jason Edwards/Getty Images
"Ang nakakakaing mga kabute ay nakakalat as buong Australia at may mga species na talagang bahagi ng kanilang kultura tulad ng pine mushrooms ng Polish, Russians at Italians at ang field mushrooms para sa mga magsasaka,” paliwanag ni Bonetto.

Ayon kay Professor Brett Summerell ang Chief Scientist at Director of Science, Education and Conservation ng Australian Institute of Botanical Science, at ng

Ang pag-identify ng mga edible specieis o nakakaing uri ng mushrooms sa Australia ay dapat maingat at kasanayan o expertise.

"Ang panganib ay ang ilan sa mga kabute sa Australia ay maaaring lubos na magkaiba sa mga makikita mo sa ibang bahagi ng mundo. Kaya't ang ilan ay nakalalason, ang ilan ay may hindi kanais-nais na epekto...namamatay," paliwanag ni Propesor Summerell.

Idinagdag niya na kung hindi ka sigurado sa uri ng kabute na iyong hinahanap, mas mabuti nang iwasan ito.

Ilan sa mga mapanganib na kabute o mushrooms:

Death Cap mushroom

Epekto sa katawan sa katawan at katangian:
  • Nakamamatay o posibleng mangangailangan ng liver transplant o ibang komplikasyon sa body organ ng tao.
  • Karaniwang natatagpuan sa Tasmania, Victoria, South Australia at Australian Capital Territory.
Australia Explained - Warning sign stating 'Death Cap Mushrooms may grow in this area. Do not eat'
Source: Moment RF / Simon McGill/Getty Images

Ghost mushroom (kahawig ng oyster mushroom)

Epekto sa katawan at katangian:
  • Pagsusuka, pagtatae, at pananakit ng tiyan

Cortinarius eartoxicus

Epekto sa katawan ng tao at katangian:
  • Sanhi ng kidney failure at mangangailangan ng dialysis
  • Makikita sa Tasmania
Mushroom - Pixabay
Mushroom - Pixabay Source: Pixabay
Mga magkakaibang patakaran at regulasyon sa bawat estado at teritoryo sa pagkuha ng kabute :

Australia Explained - Mushrooms at Yellingbo Nature Conservation Park, Victoria
Gilled Fungi, Amanita Ochrophylla, on the forest floor. Credit: Jason Edwards/Getty Images
Kung ang podcast na ito ay nagdudulot ng mga alalahanin sa kalusugan para sa iyo o para sa kakilala dahil sa pagkain ng mushrooms, tumawag sa  kahit saan ka man sa Australia on 131 126. 

Kung may life-threatening na sintomas, tumawag sa 000.

Share