Limang paraan para maisama ang bush tucker o katutubong pagkain sa iyong handaan ngayong Pasko

Woman holding native Australian Lilly Pilly fruit.

A woman holding a harvest of native Australian lilly pilly fruit which is a nutritious form of bush tucker. Source: iStockphoto / Charlie Blacker/Getty Images/iStockphoto

Gawing kakaiba ang iyong pagdiriwang ng kapaskuhan sa pamamagitan ng paggamit ng katutubong sangkap ng Australya sa mga lutuin at inumin.


Key Points
  • Ang bush tucker ay pagkain na katutubo sa Australia, na kadalasang masustansya at puno ng protina at fiber.
  • Isipin kung ano ang masagana sa tag-init sa Southern Hemisphere kapag iniisip ang mga paglalagay ng bush tucker, paliwanag ng isang eksperto.
  • Ang pag-uusap tungkol sa pinagmulan ng mga katutubong sangkap ay isang paraan ng pagbibigay-galang sa mga First Nations ng Australia.
Noong mga unang panahon, ang bush tucker o katutubong pagkain ng Australia ay kadalasang kinakain ng mga First Nations at ikinasasaya ng marami.

Karamihan sa bush tucker ay masustansya at puno ng protina at fiber, at makukuha ito iba't ibang mga prutas, halaman, hayop, at buto.

Bagamat ang mga katutubong sangkap ay nakakuha ng mas mataas na pansin sa mga nagdaang taon, para sa home cook, maaaring mahirap malaman kung saan magsimula kapag isinasama ang mga ito sa mga lutuin.

Si Damien Coulthard ay isang Adnyamathanha at Dieri mula sa Flinders Rangers at co-founder ng Warndu, isang negosyo na nagbebenta ng mga katutubong sangkap.

RX015-Guests-CreditJiwonKim-TheCookUpS5-2023-04-27-4.jpg
Co-founder of Warndu, Damien Coulthard. Credit: Jiwon Kim Credit: Jiwon Kim
Kapag isinasama ang bush tucker sa iyong pagluluto, mahalaga ang pagsusuri at pananaliksik.

"Sa huli, ang gusto namin ay itaguyod ang pag-eksperimento sa iba't ibang katutubo at simpleng pagpapakita at pagdiriwang nito sa iyong pagluluto," sabi ni Coulthard.

Naniniwala siya na walang mas mainam na panahon para magsimula kundi ang panahon ng kapaskuhan, kung saan iba't ibang putahe ang inihahain.

Narito ang limang bagay na maaari mong gawin upang isama ang bush tucker sa iyong mga pagdiriwang.

1. Idagdag ang katutubong sangkap sa mga salad

Sa halip na simulan ang isang bagong resipe gamit ang katutubong sangkap, payo ni Coulthard, palitan lamang ang iyong karaniwang mga sangkap.

"Ito'y tungkol sa pagtatrabaho sa iba't ibang aspeto ng lasa," aniya.

Halimbawa, ang warrigal greens ay maaring ipalit sa spinach, ang samphire ay maaring isama sa asparagus, at ang lemon myrtle ay nagbibigay ng citrus na lasa na katulad ng lemon, ngunit mas malakas.

2. I-season at i-marinate sa katutubong sangkap

Kung turkey, manok, kambing, o isda ang ihahain, subukan ang paglagay ng mga katutubong sangkap sa seasoning, kasama na ang saltbush na may maalat at herbal na lasa, na perfect para sa ginisang gulay, at maging ang .

Ang pepperberry ay maaaring maging magandang habang ang geraldton wax ay may lemony pine na lasa at ideal para sa stuffing o kasama sa seafood.

3. Maghanda ng seafood

Ang Minyunbal woman si Arabella Douglas, na nagtatag ng Currie Country, isang pangunahing organisasyon ng mga First Nations na nagbibigay daan sa koneksyon sa pamamagitan ng cultural immersion.

Iniisa-isa niya na isang bagay na dapat isaalang-alang kapag idinadagdag ang mga katutubong sangkap ay itanong, ano ang masagana tuwing tag-init sa Southern Hemisphere?

"Kailangan nating tandaan kung nasaan tayo at kumilos tayo ayon sa kung nasaan tayo, na isang kontinente sa Southern Hemisphere," sabi ni Douglas.
RX013-Guests-CreditJiwonKim-TheCookUpS5-2023-04-24-5.jpg
Arabella Douglas is a founder of Currie Country. Credit: Jiwon Kim
"Kung may gustong sabihin sa akin ninuman, ano ang isang katutubong o tradisyunal na Pasko mula sa pananaw ng First Nations, wala itong iba kundi ang pagtatanong kung ano ang ekolohikal na katotohanan para sa kontinenteng ito sa panahon ng Disyembre."

Naniniwala si Douglas na ang prawns at seafood ay magandang pagpipilian na ihain, samantalang ang pippies at alimasag ay isa sa kanyang mga paborito.

"Ang sikreto ay gawing mas buhay ang mga condiment o sawsawan.

"Maingat kami kung saan maaaring mapalitan ang isang mahalagang sangkap ng isang katutubong sangkap."

4. Magdagdag ng katutubong sangkap sa classic Pavlova

Strawberry Gum Pavlova with Wattleseed cream.jpg
Strawberry gum Pavlova with wattleseed cream. Credit: Josh Geelan and Luisa Brimble
Ang Pavlova ay isang sikat na panghimagas na inihahain sa panahon ng kapaskuhan sa Australya at perpekto ito para sa pagsasama ng mga katutubong sangkap.

"Iniibig ng lahat ang aming , ang cream may infused ng wattleseed," sabi ni Coulthard.

Mas masarap pa ito kapag inihahain kasama ang mga katutubong prutas tulad ng quondongs, Davidson plums, at muntries, dagdag pa niya.

Katulad na paglalagay ng mga katutubong sangkap ay maaaring gawin para sa mga paborito sa kapaskuhan tulad ng trifle.

5. Magdagdag ng katutulong sangkap sa iyong inumin

Ang wattleseed ay maaaring maging isang perpektong alternatibo sa kape, na nagbibigay pa rin ng parehong lakas ng enerhiya ngunit walang caffeine.

Ang finger limes at Davidson plums ay maaring maging magandang dagdag sa mga soft drinks habang ang lemon myrtle ay isang magandang pares sa mga tonic-based drinks

Pampakalma naman ng epekto ng River mint at ant loose tea.

Gumawa ng storyboard at ibahagi

Ang pagsusuri at pagsasaliksik sa pinagmulan ng mga katutubong sangkap ay maaaring isang paraan ng pagdiriwang sa mayamang kultura na pamana ng Australya.

"Gumawa ng pagsisikap na alamin ang estado, ang pangalan ng wika na konektado sa isang Aboriginal na bansa, at buuin ang storyboard tungkol dito, gawing isang tunay na pagdiriwang," sabi ni Coulthard.

"Ito ay nagbibigay sa iyo ng tunay na pagpapahalaga para sa kung ano ang iyong ini-enjoy."

Share