Limang tips na dapat tandaan para maging ligtas ngayong panahon ng tag-init sa Australia

Loving couple at the beach

tips to keep safe and cool during an Australian summer - Getty Credit: andresr/Getty Images

Pakiramdaman ang pangangailangan ng iyong katawan sa buong taon, ngunit ito ay nagiging mas kritikal lalo na sa panahon na extreme ang klima. Narito ang ilang mahalagang tips para harapin ang tag-init sa Australia.


Key Points
  • Ilang beses inilalabas ng bahay ng hands-on mum na si Lovella Paquibot mula Brisbane ang kanyang mga anak kaya doble ingat siya para maging ligtas ang mga ito kahit nakabilad sa araw.
  • Ang pag-inom ng tubig o electrolytes ay mahalaga sa araw ng tag-init.Gumamit ng sunscreen na may SPF 50 o mas mataas kapag ilang beses kung ikaw ay nasa labas.
  • Palaging suriin ang UV index bago lumabas.
Tatlo hanggang apat na beses sa isang linggo nasa labas ng bahay naglalaro sa park, sa pool o kaya sa weekend nagtatampisaw sa dagat ang pamilya ni Lovella Paquibot mula Brisbane.
Lovella Paquibot out in the sun with family.jpg
Lovella Paquibot is out in the sun with her family. Source: Lovella Paquibot
Kwento ng 42-taong gulang na ina pinaplano niya ang mga activities ng mga bata araw-araw lalo na ngayong summer.

Tuwing weekend bumabyahe sila sa ilang lugar at kilalang tourist destination sa Goldcoast.

"Inaaplayan ko sila ng sunscreen palagi. Nagdadala ako ng tubig, juice at prutas para hindi sila ma-dehydrate. I want them to have fun and make our family bonding worthwhile and at the same time keeping everyone safe, " dagdag ng inang si Lovella.

Ayon kay Dr Angelica Scott isang GP mula Sydney, ang katawan ng tao ay maihahalintulad ng isang makina. May thermostat na tumutulong na mapanatili ang temperatura ng katawan ng tao.

Ang katawan ay kumikilos ng iba't ibang paraan upang mapanatili na maayos kapag mainit isa na dito ang pagpapawis.
Kapag mainit, ang ating mga sweat glands ay naglalabas ng tubig o pawis, pagkatapos ay umaalis mula sa ating balat at nakakatulong sa pagtanggal ng init at pinapalamig ang katawan.
Dr Angelica Scott
Dahil ang katawan ng tao ay maaaring makaranas ang heat exhaustion at pinakapeligro ang heat stroke, babala niya dapat bantayan ang alinmang mga sintomas.
Ang overheating ay maituturing na isang medikal na emerhensiya. Mahalaga na malaman ang mga senyales kapag nakakaranas ng heat exhaustion. Ang mga sintomas ay kasama ang matindiang pagpapawis, paghihina, pananakit ng tiyan, pagkahilo, mahinang pulso o mabilis na tibok ng puso na bumababa, at tuyong balat. May ilang maaaring mawalan ng malay.
Dr Angelica Scott

Upang maiwasan ang overheating o heat-related na mga sakit kapag tag-init , narito ang payo na ibinahagi ni Dr Scott.

1. Uminom ng maraming tubig o may electrolytes. 


2. Kumain ng prutas at gulay, iwasan ang matatamis o puno ng sugar at matatabang pagkain.

Cheerful woman gardening in backyard
Stay hydrated throughout the day as a critical preventive measure against heat exhaustion. Credit: The Good Brigade/Getty Images
3. Huwag kalimutan ang protective clothing o manipis na damit, sombrero, sunglasses, sunscreen, at maaaring maghanap ng masisilungan o shade. 

Samantala itinataguyod ng , sa estado ng Victoria ang kanilang kampanya sa kanilang skin cancer prevention program at ito ay tinawag na 'Don’t Let Cancer In'.

Panawagan ng grupo gawing bahagi ng pang-araw- araw na buhay ng mga tao sa buong mundo ang sun protection, hindi lang sa panahon na nasa beach o parke.

4. Bago lumabas suriin muna ang panahon at UV levels at ibatay dito ang mga kaganapan. 
Ang palaging pagbilad sa mataas na UV radiation ay pangunahing sanhi ng skin cancer.
Asian mother applying sunscreen lotion to protect her daughter's face before exercise while setting on floor in the park at outdoors
Karamihan sa mga lugar sa Australia ay may UV index na umaabot sa mga 12 hanggang 14 sa mga buwan ng tag-init o summer. Credit: Six_Characters/Getty Images
5. Alamin ang iyong limitasyon at iwasang magpapagod ng sobra. 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa UV levels araw araw sa inyong lugar i-clik .

Bisitahin din ang Australian Radiation Protection and Nuclear Safety Agency .

Share