Key Points
- Ang mga hindi nakasulat na patakaran sa isang lugar ng trabaho ay maaaring makaapekto sa iyong career progression.
- Kung hindi mo nauunawaan ang mga ito, maaari kang makaramdam na hindi ka bagay o hindi ka nag-perform ng mahusay.
- Kung may duda ka tungkol sa kung paano ginagawa ang mga bagay sa inyong trabaho, huwag matakot na magtanong.
- Ayon sa mga eksperto, dapat tulungan ng mga kumpanya ang mga bagong empleyado na maunawaan ang mga unwritten rules sa lugar ng trabaho.
According to Trexyl Joy Felizardo, an assistant accountant at a company in Sydney, she is thankful for securing a good job where the company values its employees. Credit: Trexyl Joy Felizardo
Kwento niya dahil bago siya sa trabaho natutunan niyang magtanong kung paano gawin at ang iba pang kalakaran sa loob ng kanilang kumpanya.
Ipinagpapasalamat lang niya na nakatagpo siya ng maayos na trabaho at kanyang kumpanya ay nagbibigay halaga sa mga empleyado lalo na tulad niyang baguhan.
"Sinasabi ng manager ko na, 'kanina kapa nakatingin sa screen mo pumunta ka muna sa kitchen gumawa ng kape, o lumabas to get some fresh air'. Actually sa bawat trabaho may stress, pero kapag ganun ang ambiance ng workplace, magaan at nawawala ang stress.
Ina-acknowledge din nila ang mga effort, pag-uwi ko galing bakasyon sa Pilipinas may card at may award kami with my teammates i-treat daw kami ng lunch.
Tapos nung nagbakasyon ako hindi pinadala sakin ang working laptop ko dahil para mag-enjoy lang ako at higit sa lahat madaling mag-leave of absence lalo na kapag family or personal matters ang reason," saad ni Trexyl.
Kapag may bago kang trabaho sa Australia, dapat mong alamin ang mga hindi sinasabi na patakaran ng kumpanya.
Ayon kay Robyn Johns, Associate Dean (Academic Staffing) at Associate Professor sa UTS Business School, ang mga hindi nakasulat na alituntunin- o unwritten rules ay nagbabago-bago depende sa kumpanya.
“Ito ang mga social norms na sinusunod ng mga tao sa loob ng isang organisasyon,” sabi niya.
Sinabi rin ni Propesor Johns dapat na maunawaan at alamin dahil maaari itong makaapekto sa progress ng career.
“Kung hindi ka sumusunod sa mga hindi nakasulat na alituntunin at hindi mo alam ang mga ito, maaaring hindi ka makita bilang team player o hindi bagay sa kultura ng aming organisasyon,” dagdag niya.
A diverse team of Australian professionals collaborating in a Sydney office. Credit: pixdeluxe/Getty Images
Mga unwritten rules sa workplaces ng Australia:
- Maghanap ng network o buddy sa lugar ng trabaho.
- Maging maingat sa pagsagot ng email, paggamit ng emojis pati ang tono ng iyong pagkakasulat.
- Bawal ang bullying at gender bias.
Sometimes not understanding the unwritten rules in the workplace can lead to a person becoming isolated. Credit: pixdeluxe/Getty Images
- Karamihan sa mga opisina ay nakasuot ng casual o business-casual na dress code, at maaaring magbago ito depende sa industriya, kumpanya, at lugar ng trabaho.
- Sa Australia ipinapahayag ang hindi pagkakasundo sa panahon ng meetings subalit maaaring mag-iba ang paraan ng pagpapahayag kailangan maging batay sa kultura kailangan maging respectful at constructive manner.
- Sa Australia, karaniwang ginagawa ang pakikipagkamay o hand shake, tumatango, o verbal greetings sa mga lugar ng trabaho.
- Kailangan punctual sa trabaho, dapat igalang ang oras ng iba dahil tanda ito ng pagiging professional.
- Sa Ausralia ang coffee break at "morning tea" o maikling pahinga para sa kape at meryenda ay karaniwan sa mga workplaces at itinuturing na pagkakataon para makisalamuha at maki-bonding sa ka-trabaho.
Ang ‘lets have a coffee’ ay nangangahulugang ‘magkita tayo at mag-connect’. Pero ito ay isang mahalagang punto tungkol sa koneksyon, at sa tingin ko, ito ay tungkol sa pag-unawa kung paano mo nililikha ang mga koneksyong iyon.Christine Castley, Chief Executive Officer, Multicultural Australia
After securing a new job in Australia, it’s essential to understand the company’s unspoken rules. Credit: xavierarnau/Getty Images
- Mungkahi ng mga ekperto sa mga bagong empleyado magtanong at paghahanap ng mentor o "buddy," o kaibigan kung ano ang kultura sa loob para makapag-perform ng maayos sa iyong trabaho.
Mag-subscribe o i-follow sa Australia Explained podcast. Mayroon ka bang mga tanong o ideya sa paksa? Mag-email sa