Mga dapat gawin kapag nakakaranas ng religious discrimination sa trabaho

Australia Explained - workplace religious rights

International legislation protects in Australia the right to manifest in public one’s religion or belief in worship, observance, practice, and teaching. Source: Moment RF / Mayur Kakade/Getty Images

Ang Australia ay kasapi ng International Covenant on Civil and Political Rights, na nagbibigay ng malawak na proteksyon sa kalayaan sa relihiyon. Gayunpaman, ang mga tiyak na proteksyong nakasaad sa batas ay nagkakaiba-iba sa bawat hurisdiksyon. Kung nakaranas ka ng diskriminasyon sa relihiyon sa trabaho, mahalagang malaman ang iyong mga opsyon, kung isasaalang-alang mo ang pagsampa ng reklamo sa korte.


Key Points
  • Ang diskriminasyon batay sa relihiyon lamang ay hindi labag sa batas sa ilalim ng federal anti-discrimination law, ngunit maaaring labag sa batas estado o teritoryo.
  • Ang Fair Work Commission, Australian Human Rights Commission at local anti-discrimination bodies ay ang mga forum para sa pagsusumite ng reklamo sa diskriminasyon sa relihiyon sa labas ng korte.
  • Sa ilang mga kaso, maaaring mayroong mga lehitimong dahilan para sa paghihigpit sa kalayaan ng isang manggagawa na isagawa ang kanilang relihiyon.
Sa Australia, walang isang parehas batas para sa proteksyon sa relihiyon, at sa nakalipas na mga taon ay may mga proseso para sa pagtatatag ng isang Religious Discrimination Bill.

Sa konteksto ng trabaho, mayroong mga pambansang proteksyon laban sa diskriminasyon batay sa relihiyon sa ilalim ng , ngunit limitado ang saklaw nito.

Si Karina Okotel ang Principal lawyer sa , ito ay isang national community legal center na nakabase sa Australian Capital Territory (ACT).
Australia Explained - workplace religious rights
Complaints about workplace religious discrimination includes discrimination because of the lack of a religious belief. Credit: SDI Productions/Getty Images
Ipinapayo niya na ang unang hakbang para sa isang empleyadong maaaring nakaranas ng diskriminasyon sa relihiyon ay makipag-ugnayan sa Fair Work Commission upang matukoy kung ang kanilang kaso ay kwalipikado para sa isang reklamo sa ilalim ng batas.

"Maari silang gumawa ng desisyon na may bisa. Ngunit ang saklaw ng mga uri ng reklamo na maaaring gawin sa Fair Work Commission ay malinaw na tinukoy at may mga limitasyon sa paligid nito."

Australia Explained - workplace religious rights
Some jurisdictions, including Queensland, Victoria and the ACT also have protections for freedom of religion in their respective Human Rights Acts. Credit: coldsnowstorm/Getty Images
Halimbawa, labag sa batas para sa mga employer na gumawa ng masamang aksyon laban sa isang kandidato dahil sa kanilang relihiyon.

"Ang diskriminasyon sa mga pamamaraan ng pagkuha ng mga empleyado ay nangyayari. Ngunit napakahirap patunayan at maaaring nakaugat sa hindi sinasadyang pagkiling," sabi ni Okotel.
Australia Explained - workplace religious rights
The kinds of mediation outcomes are “limitless, because it's really what the two parties are willing to agree to”. Credit: CihatDeniz/Getty Images
Maaaring may mga uri ng diskriminasyon sa relihiyon sa lugar ng trabaho, kasama na ang nangyayari sa pagitan ng mga katrabaho, na hindi sakop ng Fair Work Act.

Sa antas ng pederal, maaaring magsampa rin ng reklamo sa , na may kapangyarihang gabayan ang proseso ng pag-aayos at magbigay ng mga rekomendasyong hindi obligado sundin.
Australia Explained - workplace religious rights
“Health and safety issues are grounds on which employers can legitimately infringe upon religious practice or religious observance, in the form of religious dress for example,” Mr Carroll explains. (Getty) Credit: Maskot/Getty Images
"Kaya, napakahalaga para sa mga tao na humingi ng payong legal dahil ang abogado ay maaaring gumamit ng iba't ibang mga opsyon at tingnan kung ano ang maaaring maging pinakamahusay na hakbang na dapat gawin, batay sa mga limitasyon ng ating mga batas," pagtatapos ni Okotel.

Para sa impormasyon tungkol sa pagsasampa ng reklamo sa diskriminasyon sa relihiyon sa antas ng estado/teritoryo, bisitahin ang:
ACT 
ACT Human Rights Commission 
 
NSW 
Anti-Discrimination Board of NSW 
 
NT 
Northern Territory Anti-Discrimination Commission 
 
QLD 
Queensland Human Rights Commission 
 
SA 
South Australian Equal Opportunity Commission 
 
TAS 
Equal Opportunity Tasmania 
 
VIC 
Victorian Equal Opportunity & Human Rights Commission 
 
WA 
Western Australian Equal Opportunity Commission 
 

Share