Mga tips para makakuha ng trabaho sa Australia

Shot of a young businessman going through paperwork while on a call at work

Applying for a job takes time and energy. Credit: Moyo Studio/Getty Images

Kapag nakakita ka ng advertisement ng trabaho, mahalagang paghandaan ang kinakailangang dokumento, at pag-unawa sa mga inaasahan ng recruiter o employer upang mapalakas sa iyong tsansang makuha ang posisyong trabaho.


Key Points
  • Ang international student na si Hazel mula sa Cagayan Valley sa Pilipinas ay agad nakuha ang trabaho sa tulong ng referral ng kakilala. Sa pagsisimula ng buhay sa bansa, hindi ito namimili ng trabaho at ipinakita ang galing sa pagtatrabaho na nagpabilib sa kanyang employer.
  • Ang iyong resume ay naglalaman ng history ng iyong kasaysayan sa trabaho, edukasyon at kasanayan, kasama din ang achievements dapat i-update din ito pati application ayon sa posisyon.
  • Hanapin ang mga paraan upang ipakita ang iyong mga kasanayan at karanasan sa iyong aplikasyon at sa job interview.
Puno ng hamon ang pag-apply ng trabaho , nangangailangan ito ng maraming oras at enerhiya, lalo na kapag ikaw ay nagsisimula pa lamang sa iyong karera sa Australia.

Karamihan sa mga employer ay nangangailangan ng ebidensya sa iyong kasaysayan sa trabaho at certificates sa mga kasanayan - at iyan ay bago ka man lamang imbitahan para sa isang interview.

Pero para sa isang international student na si Hazel malaking tulong ang pagpapalawak ng iyong koneksyon sa mga kababayan o komunidad dahil nakakatulong sila sa iyong pagsisimula dito sa bansa, lalo na sa paghahanap ng trabaho.

Malaki kasi ang papel na ginampanan ng kanyang mga kakilala para mahanap ang kanyang trabaho sa isang refreshment company. Nagsimula siya sa isang simpleng manggagawa ngayong siya ang manager ng isang branch sa Sydney.

Hazel 1.jpg
After working here in Sydney, a former social worker in the Philippines, Hazel, can explore many well-known places here in Australia, like Chinatown. Credit: Hazel

Hazel 2.jpg
After working in Sydney, a former social worker in the Philippines, Hazel, can explore many well-known places here in Australia, like Circular Quay to see the popular Harbour Bridge and Opera House. Credit: Hazel

haze3.jpg
After working here in Sydney, a former social worker in the Philippines, Hazel, can explore many well-known places here in Australia, like the Blue Mountains. Credit: Hazel
Ayon sa mga dalubhasa kinahanilangang una alam mo na bagay at kayang gampanan ang posisyon ng trabaho.

Gumawa ng updated na resume, ilagay ang education o qualifications, skills, at history ang experience ng trabaho.

Gumawa ng one-page Cover Letter at gawing makuha ang interes ng employer o recruiter.

Ihanda ang lahat ng kinakailangang dokumento.

Sa panahon ng interview ayon sa mga eksperto, ayusin ang iyong panlabas na hitsura o kinakailangang 'dress to success' at dapat confident sa bawat pagpapahayag ng sagot sa mga tanong.

Pag-aral ang kinakailangan o requirment na skill sa trabaho at gamitin ang mga keywords sa panahon ng interview, huwag i-memorise ang sagot sa interview.
Mag-research tungkol sa organsation na iyong inaaplayan at i-elaborate ang iyong kakayahan o experiences para maipakita na bagay ka sa posisyon na iyong inaplayan.

Bagaman hindi ito palaging nangyayari, dapat tandaan ang mga employer ay nagpapadala ng kumpirmasyon sa pagtanggap ng iyong aplikasyon sa pamamagitan ng email at mag-update sa iyo sa buong proseso.

Kung hindi ka pinalad, dapat kang abisuhan sa pamamagitan ng email. At ang isang mabuting employer ay tatawag sa aplikante at magbigay ng feedback tungkol sa trabaho.

Australia Explained - Job Applications
The quickest way an employer can learn about you is by reading your curriculum vitae (cv) or resume. Source: Moment RF / Narisara Nami/Getty Images


Share