Na-bully ba ang anak mo sa eskwelahan o online? Alamin kung paano ito harapin

Australia Explained - Bullying

Bullying typically targets those perceived to be different in some way, including looks, speech, background, religion, race, culture, and body size, says Dr Deborah Green of the University of South Australia. Credit: Maskot/Getty Images/Maskot

Hindi madali ang pag-deal sa mga may ugaling bully pero kinakailangan itong agad harapin dahil malaki ang epekto nito sa buhay ng mga bata, madalas inaabot pa ng ilang taon. Kaya ating alamin ang up-to-date na hakbang para suportahan ang mga biktima sa tulong ng mga eksperto.


Key Points
  • Ang pambu-bully ay maaaring gawin ng isa o higit pang tao, at depende sa sitwasyon, ang itinuturing na ‘harmless o walang malisya’ na pang-aasar sa mga batang mag-aaral ay maaaring maging pambu-bully din.
  • Ang mga eskwelahan ay may mga proseso din para mapigil at tugunan ang pambu-bully.
  • Ang insidente ng cyberbullying ay maaaring i-report sa Australia.
Ayon kay Dr. Deborah Green mula sa Education Futures department ng University of South Australia, isa sa apat na estudyante sa Australia, mula Year 4 hanggang Year 9, ang nag-uulat ng pambu-bully kada linggo.

Ngunit, ang pambu-bully ay maaaring mangyari sa mga bata ng anumang edad at maaaring magdulot ng matagalang epekto sa biktima at sa komunidad.

Australia Explained - Bullying
In recent research, Australian children reported that hurtful teasing was the most common bullying behaviour that they experienced, followed by having hurtful lies told about them. Credit: FatCamera/Getty Images

Ano ang bullying at cyberbullying?

Hindi lahat ng ipinapakitang bullying behaviour ay agad magsasabing pambu-bully, pero ang playful na pang-aasar ay maaring mailarawan na pambu-bully.

Ipinaliwanag ni Dr. Green na ang depinisyon sa Australia, ang pambu-bully ay ang “tuloy-tuloy at sinadyang maling paggamit ng kapangyarihan sa mga relasyon o nakasalamuha sa pamamagitan ng paulit-ulit na berbal, pisikal, o social behaviour na may layuning makapanakit.

Maaaring sangkot dito ang isang tao o isang grupo na maling ginagamit ang kanilang kapangyarihan sa isa o higit pang mga tao.”

Sinabi niya na ang mga layuning makapanakit, power imbalance, at paulit-ulit na pag-uugaling ito ang natatangi sa pambu-bully, nariyan din ang playful na panunukso o pang-aasar sa mga bata.

Ang cyberbullying, ay nagsisimula sa masamang komento hanggang sa mas matinding mga komento sa social media.
Australia Explained - Bullying
Cyberbullying may escalate to fake impersonating accounts, threats of violence and even sexually explicit content generated using AI (Artificial Intelligence) technologies. Credit: fcafotodigital/Getty Images

Magsumbong para sa online bullying at prevention efforts:

  • , ito ay isang government agency na tumutulong sa mga Australians na nakakaranas ng online bullying or abuse.
  • isang Australia-wide government initiative para suportahan ang mga school communities para mapigilan ang bullying.
Australia Explained - Bullying
School policies vary, but every school is expected to have bullying prevention strategies, reporting procedures, and provide support to affected students. Source: Moment RF / Natalia Lebedinskaia/Getty Images

Ano ang maaring gawin ang magulang o carers:

  • Makigpag-ugnayang sa mga guro at eskwelahan ng mga bata, kung hindi nasiyahan sa tugon maaaring tumawag sa education department's complaint line.
  • Bisitahin ang website para sa libreng legal advice.

    Australia Explained - Bullying
    If your child is engaging in bullying behaviours, ask them to explain the why without assigning labels, decide on appropriate consequences and explore opportunities at school and beyond for building their social and emotional skills, Dr Taddeo advises. Credit: triloks/Getty Images
  • Tiyakin sa mga biktima ng pambu-bully na mga bata ang suporta ng magulang o carer.
  • Makinig at ipa-kwento sa mga bata ng nangyari at ilista ito, kasama ang nangyayaring meeting kasama ang mga guro o school councillor.
  • Sa cyberbullying o online bullying, i-report sa , dahil may kapangyarihan ang agensyang ito na magtanggal ng anumang masamang komento o content.
  • Kailangn may screenshots at kumuha ng copy ng URLs para ma-mute o
    i-block ang accounts.
  • Huwag kunin ang gadgets o device ng kanilang anak.
Australia Explained - Bullying
Children can respond by walking away, using humour to deflect, or ignoring the person exhibiting bullying behaviour, but these are only short-term strategies, Mr Kendall explains. Credit: FangXiaNuo/Getty Images
  • Tumawag sa , free 24/7 telephone at online counselling service na maaaring ma-access ng mga bata na kasing-bata ng limang taong gulang.
Australia Explained - Bullying
Children may not always give an honest answer over bullying, but acknowledging the experience is an empowering step, Mr Kendall explains. “If they can voice it to you themselves, that's going to help them feel more in charge.” Credit: triloks/Getty Images
Para sa karagdagang impormasyon


Share