Nandidiri kaba sa ipis, lamok at surot? Mga tips laban sa iba't ibang peste sa Australia

Australia Explained - Pests

Pests can contaminate surfaces, spreading disease via the transmission of harmful pathogens Credit: aquaArts studio/Getty Images

Alamin kung paano puksain at maiwasang pamahayan ang iyong bahay ng mga ipis, lamok, surot at iba pang peste dito sa Australia.


Key Points
  • Ang mga daga ay madalas na problema tuwing taglamig, pero ang mga anay ay aktibo buong taon at maaaring magdulot ng malaking pinsala.
  • Panatilihing malinis at maayos ang bahay, tanggalin ang mga posibleng pasukan at kondisyon na pabor sa mga peste.
  • Gumamit lamang ng mga kemikal na nabibili sa merkado at maghanap ng lisensyadong pest control operators.
Gladys Gallenero Alboladora.jpg
Ang mag-asawang Gladys at Joseph Alboladora ay namamasyal sa isang lugar sa Australia habang hinihintay ang pagdating ng kanilang unang anak. Credit: Gladys Gallenero-Alboladora
Magdadalawang taon pa lang sa Australia ang mag-asawang accountant at engineer na sila Gladys at Joseph Alboladora.
Inamin ng dalawa gusto nilang bumuo ng pamilya dito sa bansa.

At dahil kabuwanan na ni Gladys sa kanilang unang supling, naghahanda sila sa paglabas nito, kasama sa kanilang paghahanda ang paglilinis ng kanilang bahay.

Kinumpirma kasi ng mga eksperto na maraming peste ang all year round nabubuhay at malaki ang posibilidad na magdadala ito ng sakit.

"Sa kitchen we make sure na malinis, ang basurahan nakasara. Nahugasan lahat ng ginamit na gamit sa kusina. Wala ding niiwang pagkain sa lamesa o sa counter."

Gladys.jpg
Pangarap ni Gladys Gallenero-Alboladora at asawa nitong si Joseph na maranasan ng kanilang future kids ang magandang buhay dito sa Australia kaya ngayong hinihintay nila ang pagdating ng kanilang unang supling, sinisiguro nilang maging ligtas ito laban sa sakit. Credit: Gladys Gallenero-Alboladora
Malaking tulong din na dumaan sa pest control ang kanilang bahay.

May mga house rules na din silang mag-asawa.
Panatilihing malinis ang loob at labas ng bahay, bawal kumain o magdala ng pagkain sa kwarto, para hindi maka-attract ng ipis o kahit anong peste sa bahay dahil gusto namin malakas at ligtas ang aming [future kids] para maranasan nila ang magandang buhay dito sa Australia.
Glady Gallenero-Alboladora, Accountant-Sydney resident
Ayon kay Cameron Webb, isang Medical Entomologist at Associate Professor sa New South Wales Health Pathology at sa University of Sydney.

Karamihan sa mga insekto sa bansa ay lumalabas sa panahon ng tag-init at bihirang lumalabas tuwing taglamig tulad ng ipis at lamok.

Pero may gumagapang at nangangagat pa rin kahit sa anong panahon, dahil bahagi na ito ng kanilang life cycle.

Kaya huwag pabayaan dahil maaaring maka-iwas sa mga peste sa iyong bahay kahit sa taglamig, dahil ang mga insektong tulad ng lamok at ipis, na mas madalas lumabas sa mainit na panahon.

Kasamang dapat puksain at iwasan ang bed bugs o surot, anay at daga na maaaring aktibo sa malamig at mainit na panahon.

“Dapat nating tandaan kung saan nagmumula ang mga insektong ito.


“Pero mas malamang na magdulot lang sila ng istorbo kaysa panganib sa kalusugan. Kakagat sila, pero mababa na ang tsansa na magdala sila ng sakit,” sabi ni Dr. Webb.



Ibang usapan naman ang mga ipis na nagkokontamina ng pagkain at mga gamit sa bahay.


Tips para maiwasan na pamugaran ng peste ang iyong bahay:

  • Para mapanatiling walang lamok, linisin at itapon ang naipong tubig sa bakuran at maglagay ng mga screen sa bintana at mga tangke ng tubig-ulan.
Australia Explained - Pests
Cockroaches take advantage of the warm, humid conditions inside your home. Credit: RapidEye/Getty Images
  • Ang ipis ay nabubuhay at dumarami kapag may naipong basura o pagkain na maaari nilang ma-access sa loob ng bahay.
  • Bumili ng mga insecticides o pesticides na nabibili sa inyong local hardware stores at supermarkets,
  • Kung kailangan mag-spray siguraduhing ipagawa ito sa professional pest controller.
  • Ang bed bugs o surot ay nabubuhay sa parehong mainit at malamig na panahon. Kadalasan nadadala ito mula sa ibang lugar ng mga bisita sa bahay, staycation at mga byahe nang hindi nalalaman. Mainam na komunsulta sa professional pest controller.
Australia Explained - Pests
“If you have an insect pest, you don't have to reach for insecticides and chemicals immediately because particularly their use outdoors can have impacts on beneficial insects that may also be active during cooler months,” Dr Webb says. Credit: Philippe TURPIN/Getty Images/Photononstop RF
  • Problema din ang daga (mice at rodents) sa buong bansa, tuwing mainit ang panahon namamahay sila sa mga nasa sakahan o tambakan ng mga pagkain, garden pero kapag taglamig pumapasok sila sa bahay.
Australia Explained - Pests
“We see a really big growth of rodents around where people have chickens and do composting because there’s a lot of food that brings them to the area,” says AEPMA’s Rob Boschma. Source: Moment RF / Lea Scaddan/Getty Images
  • Bilang preventative measures,takpan ang mga butas sa bahay na maging entry point ng mga daga, alisin sa lugar ang mga maari nilang makain.
  • Australia Explained - Pests
    Members of the Australian Environmental Pest Managers Association are licensed and insured to conduct pest control operations. Credit: Group4 Studio/Getty Images
  • Para mas epektibo ang pest control, kumuha ng lisensyadong pest controller at maka-iwas din sa dagdag gastos maaaring makipag-ugnayan sa .
  • Kung may composting kayo sa bahay takpan ito, o i-conceal kahit nag ground compost dahil naging source ito ng pagkain ng mga daga.
    Australia Explained - Pests
    Termites can eat away wooden structures in and around your home. Credit: bruceman/Getty Images
  • Anay o termites ang pinakamalaking problema ng mga may ari ng bahay sa bansa, hindi sila peligro sa kalusugan pero malaki ang pinsalang dulot nila sa ari-arian. Kaya mainam na komunsulta sa mga eksperto.
  • Kung nangungupahan kapag may nakitang peste lalo na ang anay agad ipaalam ito sa property manager o landlord dahil responsibilidad nila ito na ayusin.
Ang mga pestisidyo ay may mga kemikal na makasasama sa kalusugan, at ang mga sintomas ng pagkalason ay maaaring lumabas sa loob ng dalawang araw mula sa exposure.

Kung sa tingin mo ay nalason ka ng pestisidyo, tawagan ang Poisons Information Centre sa 13 11 26.

Sa emergency, tumawag ng ambulansya sa triple zero (000).

Share