Key Points
- Sa Australia, maaari kang humingi ng pagtaas ng sweldo anumang oras kapag naniniwala kang nararapat sa iyo.
- Maaari kang maghanda para sa paghiling ng pagtaas ng sahod sa tulong ng iyong unyon, mga kasamahan sa trabaho, o sa iyong sariling pag-aaral.
- Mahalagang maging handa, kasama ang paghingi ng payo, pagkakaroon ng kaalaman, at pagpaplano ng mga argumento, bago humingi ng ingkres sa sahod.
Kung kinakabahan ka sa pag-iisip kung paano humingi ng ingkres sa sahod sa iyong employer o boss, huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa.
Ayon kay eksperto sa Human Resources na si Kate Gately, maraming empleyado ang nahihiya o nagkakailangang humingi ng ganitong pagtaas. Gayunpaman, hindi naman kailangang ganun ang iyong maramdaman.
"Ang hiya o kaba na iyon ay mas may kinalaman sa kanila, kaysa sa kung ano ang wasto o karaniwang praktis sa Australya. OK lang na humiling ng pagtaas ng sahod. Ang mahalaga ay malaman kung paano ito gawin nang may pinakamahusay na epekto upang makamit ang nais mong resulta," paliwanag ni G. Gately.
Bagaman nagkakaiba ang mga patakaran tungkol sa pagtaas ng sahod sa iba't ibang lugar ng trabaho, karaniwang tinatanggap na maaaring makipag-usap ang mga empleyado upang magkasundo sa pagtaas ng kanilang sweldo.
Sinabi ni Suzanne Young, Professor of Management (Governance and CSR) sa La Trobe University, na ang pinakamagandang panahon para sa pag-uusap tungkol sa ingkres ng sahod sa Australya ay bago matapos ang financial year, tuwing Abril/Mayo.
Kapag ang budget at mga expenses ay nakalatag na para sa susunod na taon... Ito ang panahon kung saan kailangan mong humiling ng isang pulong upang talakayin ang anumang posibleng pagtaas ng sahod, upang ito ay maisama sa budget para sa susunod na taon.Suzanne Young, Professor of Management (Governance and CSR), La Trobe University,
Ang taunang pagtaas ng sweldo ng isang manggagawa ay maaari ring maging isang legal na karapatan na ipinatutupad.

Kung ikaw ay mayroong pinirmahang kontrata sa trabaho, malamang na kasama dito ang mga kondisyon ukol sa pagtaas ng sweldo at ang takdang panahon nito. Credit: djgunner/Getty Images
Paano ko malamang kwalipikado na taasan ng sweldo?
Karamihan sa mga lugar na pinagtatrabahuhan sa Australia ay sumasaklaw sa , isang koleksyon ng batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa sa buong bansa. Kasama rito ang mga "award rates" na nagtatakda ng mga legal na minimum na sahod para sa mga empleyado sa partikular na industriya at trabaho.
Ang mga empleyadong sakop ng isang "award" ay may karapatan sa taunang minimum na pagtaas ng kanilang sweldo, na itinatakda ng matapos ang mga negosasyon ng unyon.
Ang mga probisyon para sa legal na minimum na pagtaas ng sahod ay isinasaalang-alang din sa mga lugar ng trabaho kung saan may umiiral na kasunduan sa negosyo (enterprise agreement), na nagtatakda ng mga benepisyo batay sa mga negosasyon sa pagitan ng mga manggagawa at ang kanilang kinatawan at ang employer.
Ang mga empleyado ay maaari ring makipag-negosasyon para sa isang pagtaas ng sahod na higit sa legal na minimum na pagtaas ng sahod na kanilang karapatan kung naniniwala sila na ito ay isang validong kahilingan.
"Kaya, maaari nilang ipag-negosasyon ang pagtaas ng sahod para sa anumang higit pa sa minimum na... o maaari nilang ipag-negosasyon ang pagbabago ng kanilang klasipikasyon sa trabaho kung sila ay gumagawa ng higit pa sa inilarawang tungkulin, at ito ay maaaring magbigay-daan sa kanila na magkaroon ng pagtaas ng sahod," sabi ni Propesor Young.

Ang kawalan ng transparency ng suweldo sa isang lugar ng trabaho ay maaaring lumikha ng mga pagkakaiba sa pagitan ng iba't ibang grupo ng mga empleyado. Credit: Klaus Vedfelt/Getty Images
Epektibong negosasyon
Ang pagsusuri o check ng mga katulad na sweldo sa mga job site, sa loob ng iyong industriya, at sa iyong kapaligiran sa trabaho ay mahalaga upang makakuha ng kinakailangang kaalaman at kapangyarihan para makipag-negosasyon nang epektibo.
Gayunpaman, madalas may kultura ng pagkukubli sa usapin ng sahod sa mga lugar ng trabaho, na may mas malaking epekto sa mga batang empleyado, kababaihan, at mga minorya.
Sinabi ni Propesor Young, ang pagpapahayag ng mga usapin tungkol sa mga kondisyon ng sahod sa mga kasamahang kumportable kang kausap ay makatutulong upang ma-address at madagdagan ang kamalayan sa mga pagkakaiba sa sahod.
"Kung mayroon kang kinatawan ng unyon sa lugar ng trabaho, maaari mo rin itanong sa kanila, dahil mas may ideya sila tungkol sa mga sahod sa buong lugar ng trabaho."
Ayon kay Michele O'Neil ang Pangulo ng Australian Council of Trade Unions, ang kinatawan ng unyon ay maaaring tulungan kang malaman ang sahod ng mga manggagawang may katulad na posisyon sa iyong industriya at magamit ang mga datos na ito sa iyong pag-uusap para sa pagtaas ng sahod.
Ipinalalagay ni O'Neil na mas madaling makipag-negosasyon ng mas magandang kondisyon ng sahod bilang miyembro ng unyon at kasama ang iba pang mga manggagawa.
"Kahit kung hindi pa nagkaroon ng kasunduan ang iyong lugar ng trabaho, maaari kang magsama-sama kasama ang iba pang mga manggagawa sa unyon upang sabihin na nais naming magkaroon ng kasunduan para sa lahat ng nagtatrabaho dito."

Ang unang hakbang bago humiling ng ingkres ng sahod ay alamin kung sakop ka ng isang "award" o kasunduan sa negosyo (enterprise agreement), ayon kay Propesor Young. Credit: AnVr/Getty Images
Kapag humihiling ka para sa iyong sarili, iminumungkahi ni Propesor Young na nakatuon ang iyong pag-uusap sa halaga na iyong ibinibigay sa iyong trabaho.
"[Dapat mong] ituon ang argumento sa mga nagawa mo sa iyong trabaho at tignan ang mga ebidensya na mayroon ka. Maaari mo bang patunayan, halimbawa, ang mas mataas na antas ng kahusayan?"
Mahalaga ang paghahanda bago maghain ng hiling para sa pagtaas ng sahod, sabi ni O'Neil.
"Isipin ang mga argumento, halimbawa, kailan ang huling pagtaas ng sahod na natanggap mo, kung paano nagbago ang iyong trabaho, kung mayroon kang mas maraming responsibilidad, nagtatrabaho sa ibang oras, kung ang iyong trabaho ay naging mas mahirap, o kung ikaw ay natuto ng mga bagong kasanayan."

Ang mga empleyado at mga magiging empleyado ay may karapatan na ibahagi o hindi ibahagi ang impormasyon tungkol sa kanilang sahod at magtanong sa ibang mga empleyado tungkol sa kanilang sahod. Credit: goc/Getty Images
Ang sikolohiya ng paghiling ng pagtaas ng sweldo
Ayon sa eksperto sa human resources na si Karen Gately, ang paraan ng iyong paghiling ng pagtaas ng sahod ay depende sa mga salik tulad ng uri ng organisasyon na pinagtatrabahuhan mo at ang kahandaan ng iyong manager.
"Kung sila ay karaniwang nakaupo sa kanilang opisina, maaaring kumatok ka sa pinto at tanungin kung ngayon ba ay angkop na panahon upang makipag-usap sa kanila. Sa ibang mga sitwasyon, mas angkop na humiling ng pagkakataon na makipag-usap sa kanila."
Ngunit sinasabi niya na hindi kailangang labis-labis na isipin ang sitwasyon o mag-overthink.
"Sa palagay ko, ang pagkakaroon ng hindi problema sa iyong isipan tungkol dito ay tunay na makakatulong."

Ang mga pag-uusap tungkol sa pagtaas ng sahod ay karaniwang nangyayari sa pamaamgitan ng private conversation. Credit: kate_sept2004/Getty Images
- Mahalaga ang sapat na kaalaman:Lumampas sa pagtingin lamang sa average na mga sahod para sa iyong job title at gawin ang isang mas malawak na pananaliksik.
- Tamang panahon: Sundan ang mga tamang pagkakataon upang humiling ng pagtaas ng sahod kapag ang timing ay angkop sa loob ng iyong organisasyon. Bilang alternatibo, isaalang-alang ang pag-uusap para sa pagtaas ng sahod ilang buwan bago ito, na nagbibigay ng sapat na panahon sa iyong boss na pag-isipan ito nang walang pressure.
- Magtakda ng positibong at maingat na pag-approach : Kapag pinag-uusapan ang sweldo, isipin ang sarili mo bilang tagapag-lingkod ng iyong employer. Bigyang diin kung paano ang pagtaas ng sahod ay makakatulong sa pagtaas ng halaga para sa negosyo o sa pagbawas ng gastusin.
Sumasang-ayon din si Propesor Young na mahalagang panatilihing propesyonal at praktikal ang iyong pag-approach kapag naglalahad ka ng iyong kaso.
Kapag humihiling ka ng pagtaas ng sweldo, napakahalaga na hindi maging emosyonal at gamitin ang mga ebidensya upang suportahan ang iyong kahilingan, sa halip na sabihin, "Nagtrabaho ako nang mabuti o mahirap mabuhay dahil sa CPI [Consumer Price Index]."Suzanne Young, Professor of Management (Governance and CSR) , La Trobe University,
"Talagang mahalaga na tiyakin mong mayroon kang ebidensya at ilalahad mo ito sa isang talagang propesyonal na paraan, upang ipakita sa kanila na nagpakabuti ka at nagtatrabaho nang maayos para sa organisasyon."
Mga kapaki-pakinabang na links at resources
- Ang Fair Work Commission ay may impormasyon tungkol sa mga rate ng sahod sa ilalim ng mga enterprise agreement, at kung paano lumikha ng isang enterprise agreement, .
- Karagdagang impormasyon tungkol sa minimum na sahod ay makukuha dito. Maaaring mayroong karagdagang patakaran tungkol sa pagtaas ng sahod ang mga empleyado sa ilalim ng kanilang kontrata sa trabaho o patakaran sa workplace.
- Impormasyon tungkol sa pangkalahatang proteksyon sa workplace para sa mga taong nagtatrabaho sa Australia ay matatagpuan dito. Halimbawa, hindi maaaring tanggalin ng employer ang isang empleyado o gawin ang ibang adverse action laban sa kanila dahil karapatan ng empleyado (kung naaangkop) ang pagtaas ng sahod.
- ng FWO ay may iba't ibang mapagkukunan, kasama ang isang hakbang-sa-hakbang na gabay upang matulungan ang mga empleyado kapag hindi tama ang kanilang sahod, at isang libreng online na kurso para sa pagtulong sa mga .